"Wei, curious lang ako. Sinong first love mo?"
Mula sa pagiging abala sa kaniyang laptop ay dahan-dahang nagtama ang paningin naming dalawa. Nakatingala siya sa akin at bahagyang awang ang labi. Nakatayo lamang ako sa kaniyang harapan, nakapamewang, habang naghihintay ng kaniyang sagot.
Nasa tree house ulit kami. Tapos na ang klase ko at dito agad ako dumiretso dahil alam kong nandito lang siya palagi kapag hindi siya matagpuan sa coffee shop.
"Ano?" Tumawa ako at pinagkrus ang mga braso sa ilalim ng aking dibdib. "Sasagot ka ba o tititigan mo na lang ako buong oras?" pagbibiro ko pa.
He chuckled and put his tongue against his cheeks. "I'd rather choose the latter."
I scoffed and rolled my eyes. "Lulusot ka pa. Ayaw mo lang sagutin ang tanong ko, eh."
Humakbang ako papunta sa inuupuan niyang couch at pinagkasya ang sarili sa espasyong nasa kaniyang tabi. Bahagya pa siyang umisod palayo at halos ipagsiksikan na ang sarili sa pinakasulok para lang masigurado na hindi magkakadikit ang balat namin.
Napakaarte naman talaga!
"Siguro hindi ka pa nakaka-move on, 'no?" Siniko ko siya. "Maganda ba, huh?"
"What?" Humalakhak siya at marahas na umiling. "Bakit bigla ka na lang naging curious sa bagay na 'yan?"
"Masama bang magtanong? Sa loob ng dalawang buwan nating pagkakaibigan, ni hindi ko man lang alam kung may girlfriend ka o wala. Ni hindi nga kita nakitang may kasama o kausap na babae."
"Ano bang tingin mo sa sarili mo? Hindi babae?" he fired back.
Pinukulan ko siya ng masamang tingin at hinampas sa braso. "Maliban sa akin! I mean 'yong lumalabas ka with other girls na hindi mo kaibigan o hindi related sa office works mo."
Ang hirap ding paliwanagan ng isang 'to, eh. Paano kaya siya naging summa cum laude sa lagay na 'yan?
Napairap ako sa kawalan.
Dewei roared with laughter and pinched my cheek. "Galit ka na niyan?" he teased me.
"Tss..." iyon lang ang bukod tanging naisagot ko.
Kinuha ko ang phone niyang nakapatong sa table. Alam ko ang password niyon kaya nabubuksan ko. Bumungad sa akin ang picture naming dalawa bilang lockscreen at homescreen niya. Blurred lang iyon at hindi aninag kung sino ang nasa picture. Mirror shot iyon. Hawak ko ang cellphone niya at nakatakip iyon sa mukha ko. Dahil matangkad siya, hanggang leeg lang niya ang kita roon. Ako ang nagpalit bilang wallpaper niya nitong isang araw kasi na-trip-an ko lang pero hindi ko ine-expect na nandito pa rin pala 'to. Hindi niya pinapalitan.
Puro mukha ko na nga lang ang laman ng gallery niya. May selfies, epic, at candid photos na siya mismo ang kumukuha. Wala naman akong makitang interesting sa cellphone niya dahil hindi niya ginagamit ang social media accounts niya—except sa twitter niya na mukhang ginawa lang niya para i-stalk at i-like mga tweet ko.
"Anong tipo mo sa mga babae?" tanong ko ulit.
Muli siyang tumigil sa ginagawa at lumingon sa akin. The way he stared at me felt like he looked so really really done with me.
"Bakit na naman?" Bumuga siya ng hangin at itinabi na ang laptop niya.
Matapos n'on ay humarap siya sa akin para ibigay ang buong atensyon.
"Basta! Sagutin mo na lang! Ay wait..." Kumuha ako ng papel at ballpen. "Ilista natin. Gagawan kita ng tinder account mamaya."
"Everleigh..." may pagbabantang saway niya, pati ang mga mata niya'y tila nananakot. "Sige daw. Kumulit ka pa at hindi na kita isasama rito."
BINABASA MO ANG
The Vice Mayor's Misery (Wretchedness #2)
RomanceWretchedness Series #2 There are always two sides of the story. Are you ready to hear the vice mayor's misery?