X

204 8 4
                                    

BAWAT segundo ay pasulyap-sulyap ako sa lalaking nasa harapan ko habang seryoso itong nagsusulat sa papel, paminsan-minsan ay nagbabasa rin sa libro. Ako naman ay sa isa pang research paper namin iba naman ang subject.

Ilang beses na 'kong kumurap at palihim na kinukurot ang sarili dahil baka nananaginip lang ako. Pero nasaktan ako e at sya talaga ang nasa harapan ko ngayon. Buti nalang at nakatulog na si Clyve pagtingin ko sa kanya kanina.

Kaming dalawa lang ni Ryezen ang nandito, as in dalawa lang kami!

Si Ryezen! Was also known as Shawty!

'Yung dating inaabangan ko lang dumaan dito sa harap nila Lola, ngayon kaharap ko na. He even helped me earlier! Tapos ngayon, tinutulungan nya naman ako sa research paper ko!

I actually don't know what to feel right now!

Kanina lang gusto ko nang sakalin 'yung pusa namin. Ngayon, sobrang laki na ng pasasalamat ko sa kanya! After nya kasing ihian ang research paper ko ay si Rye pa mismo ang nagdampot no'n. Then, nag-alok sya ng tulong para maulit ko 'yon. Napunit na rin kase 'yon at sobrang panghi pa, nakalimutan ko na rin ang mga sinulat ko ro'n.

Kaya sino pa ba 'ko para tumanggi 'diba? 'Yung crush ko na 'to! Si Ryezen na ang nag-alok!

Sana naman, marriage contract na ang ialok nya sa susunod. Haha, halfjoke.

"Uhm, baka hinahanap kana sa bahay nyo? Okay lang naman, kaya ko namang ulitin 'yon." Saad ko sa nahihiyang boses. Syempre shytype muna tayo.

Tumigil sya saglit sa pagsulat bago ako balingan, para naman akong nanghina dahil sa titig nya, napaiwas tuloy ako ng tingin.

"They were probably sleeping now, don't worry." Sagot nya ska bumalik sa ginagawa.

"E, baka naabala kita? Nakakahiya." Nag-aalangan na tanong ko. Malay ko ba kung may kabebe time pala sya dapat ngayon 'diba?

Edi sila na.

"Hindi naman," Sagot nya na hindi bumabaling sa'kin.

"Talaga? Baka tawagan ka ng girlfriend mo." Napatigil sya sa ginagawa at binigay sa'kin ang buong atensyon.

Unconsciously, I realized what I just said.

The side of his lips turned up. "Hindi, busy sya ngayon e."

Parang may dumagan sa dibdib ko nang marinig ko ang sagot nya. Lahat ng imaginations ko na kasama sya sa future, biglang naglaho.

He has a girlfriend already.. Okay.

I'm not in pain, promise. Okay lang talaga. Hello? Sa gwapo nyang 'yan, hindi na nakakagulat na may girlfriend sya.

I forced a smile before answering, "Ah.. Talaga? Ano naman kayang ginagawa nya?"

Baka busy sa kabit? Baka niloloko nya si Ryezen. Hays, nababaliw na 'ko. Pakialam ko ba sa kanila!? Pakialam ko ba sa girlfriend nya—

"She's busy doing her research papers."

MY GRANDMOTHER'S NEIGHBOR [COMPLETED]Where stories live. Discover now