XVI

254 7 11
                                    

Warning: You may encounter suicide and death scenarios that may not be suitable for some readers.

***

SINUBUKAN kong balikan si Ryezen sa loob ng sunog nilang bahay, kahit na ang lahat ay pumipigil sa akin.

Sinubukan kong hanapin sya, kahit na nanlalabo ang mga paningin ko dahil sa mainit na likidong patuloy pa ring kumakawala mula sa mga mata ko. Sinubukan ko syang tawagin, kahit na nanghihina na ang mga tuhod ko.

Nanginginig ang mga kamay ko, sobrang bigat ng dibdib ko.

Sinubukan ko syang balikan, kahit alam ko nang wala na 'kong babalikan pa.

Sinubukan kong isigaw ang pangalan nya, kahit na alam ko nang kailanman hindi ko na maririnig pa ang tinig nya.

Tinig nyang gusto kong laging naririnig, isang taon nang nakakaraan.

Napaluhod ako, kasabay ng pagbagsak ko ang pagbagsak ng lahat ng alaala naming dalawa no'ng mga panahong masaya kami, panahong buhay pa sya.

He was always there for me whenever I was down, when I was sad. He used to be my bed, when I was tired in everything. He taught me how to be strong woman. He gave me the love I wanted. He made me feel safe when I was afraid.

But eventually, he was also the one of those people who left me.

Camera.

Because of that, everything was gone just like a bubble.

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko nang gabing 'yon. That was our first anniversary as a gf-bf. He gave me the camera I was really wanted. That was my wish!

I want to be a photographer.

Gusto ko laging kumukuha ng litrato at dahil na rin siguro sa'kin kaya pati sya ay nakahiligan na rin ang pagkukuha ng larawan.

At ang hilig nya ay kuhaan ako.

Nagugulat nalang ako dahil may mga printed photos na 'ko sa kanya.

I've loved him more than myself. I've never imagine that he would leave me just in a very short period of time.

Malakas ang ulan nang gabing 'yon, sobrang lakas,  sunod-sunod ang kulog sa kalangitan.

Ngunit wala akong maramdamang takot dahil nariyan sya.

Mahigpit syang nakayakap sa'kin habang tinatahak namin ang kalsada, patawid pauwi sa amin.

Kumulog ng sobrang lakas, dahil sa pagkabigla ay nabitawan 'ko ang hawak na camera. I was panicking, I want to get that from the floor but we were in the middle of the road.

"Rye, 'yung camera! Sandali!" Sigaw ko nang makatawid na kami upang marinig nya dahil sobrang lakas ng hampas ng ulan.

Pinigilan nya 'ko ngunit mabilis na 'kong nakatakbo pabalik sa gitna ng kalsada, hindi inaalis sa camera na ngayon ay nababasa na dahil sa ulan.

Narinig ko ang malakas na busina.

Napatigil ako.

May sumigaw ng pangalan ko.

May tumulak sa'kin.

Napahiga ako kasabay nang pagtalsik ng dugo sa harapan ko.

Pinilit kong bumangon, basang-basa na 'ko dahil sa malakas na ulan. Dumami ang tao sa paligid, nagsihintuan ang mga sasakyan.

Kumulog muli ng malakas.

Dahan-dahan akong bumangon, tumingin sa direksyong pinanggalingan ko kanina.

Bumigat ang paghinga ko, sumikip ang dibdib ko. Parang gumuho ang mundo ko nang makita sya..

Duguan at wala ng buhay.

KAHIT ISANG taon nang nakararaan, sariwa pa rin ang sakit. Kahit anong pilit kong kalimutan sya, hindi ko magawa.

Iniuwi ako nila Mama sa province para makapagpagaling ako at makalimutan ko sya. They thought that I'm already okay, that I'm already healed. But I'm not.

Hindi ko nga alam kung paano maging okay, kung paano magsisimula. Kung kaya ko ba?

Kakayanin ko ba, Ryezen? Kung sa kahit pagpikit ko lang, larawan mo lang ang nakikita ko. Bawat paggising ko, ikaw lagi ang hinahanap-hanap ko.

Ang aga mong nawala, ang aga mong binawi sa'kin.

Marahas kong pinahid ang basa sa pisngi ko ska tumayo upang lumabas ng kwarto. Dumiretso sa kusina at kinuha ang isang bagay na magiging daan para sa'min ni Ryezen upang magkita na kami uli.

Napangiti ako nang makita ang repleksyon sa matulis na kutsilyo.

"We will see each other again, Rye.." I said before ripping the knife off my neck.

MY GRANDMOTHER'S NEIGHBOR [COMPLETED]Where stories live. Discover now