XIV

197 8 8
                                    

ILANG oras na mula nang dumating ang katawan ni Johan habang nasa loob ng malamig na kabaong. Halos hindi ako makatingin do'n.

Until now, I just can't believe that he was already dead. Nagagalit pa 'ko sa kanya kahapon! He just even hugged me! Nakakakilabot lang talaga na sobrang lakas nya pa tignan kahapon tapos paggising ko kanina, nalaman ko nalang na.. Wala na sya.

Wala talaga 'kong balak na magpunta rito but there's a side of me that I need to. At ska, halos harap lang ng bahay namin ang court kung saan sya nakaburol.

According to them, Johan was hit by the car. Nasagasaan daw sya kagabi ng truck ng basura.

Ang buhay talaga ng tao, hindi mo alam kung hanggang saan at kailan lang. Kausap mo lang ngayon, hindi mo alam, bukas wala na. He was still young, marami pa sana syang mararating sa buhay.

"Ma, uwi na 'ko," Paalam ko kay Mama dahil hindi na 'ko kumportableng magtagal pa rito.

Tumango lang si Mama, habang si Clyve ay nakikipag nakikipaglaro ng baraha sa mga kalaro nya. Sinulyapan ko pa ang kabaong ni Johan bago tuluyang maglakad papunta sa bahay nila Lola.

I tilted my head as I saw a familiar man standing nearly the gate, seryoso ang mukha nya habang nakatingin sa'kin ska mabilis na pumasok sa gate. Binilisan ko ang lakad ko para maabutan ko sya.

"Rye!" I called when I finally entered but he already gone. Ang bilis naman nya!

Tumambay ako sa terasa nila Lola, hinihintay syang dumaan. Pero umabot na 'ko ng alas sais ng gabi, hindi parin sya dumadaan.

I want to talk to him or just ask him where have he been yesterday at bakit parang hindi nya 'ko pinapansin.

Parang may mali? May nangyari ba sa kanya? The way he looked at me earlier, it's seems like there's something wrong with him, with us?

TWO DAYS PASSED BY, still no Ryezen.

Miss na miss ko na sya, halos hindi na 'ko umaalis sa bahay nila Lola para lang makita ko syang lumabas at dumaan, pero wala talaga!

I've started to over think!

What if, something bad really happened to him? What if, he and his girlfriend had a fight because of me? What if, he have decided to ignore me and not to talk to me anymore? What if, he doesn't like the idea of seeing and helping me? What if, he find me weird ang ugly?

Wah! What did you do to me!

Alam kong iba na 'tong nararamdaman ko, hindi ko na namamalayan na umiiyak na pala 'ko habang iniisip kong ayaw nya na 'kong makita. What if, totoo lahat ng nasa isip ko?

I took a deep breath, Inhale and exhale. Calm Eunbby, calm..

I forced a smile and gave my full attention to my notes, binasa ko ulit ang tulang nagawa ko sa lumipas na dalawang araw na hindi ko sya nakikita.

Julyo 04, 2022

Mahal kong R,

Nakakalungkot isipin na hindi na kita nakikitang dumaraan, marahil ay wala ka na.

Malabo man na mabasa mo ito, nais kong malaman mong ikaw ay aking gusto.

Noong una ay katuwaan lamang, ayaw ko rin naman na lumalim ang pagkagusto ko sa iyo sapagkat ayaw kong masaktan.

Ngunit kahit anong gawin ko, kahit ayaw ko, tuluyan na 'kong nagkagusto sa'yo.

Hindi man kita gaanong kilala, hindi ko man alam ang iyong buong pangalan, hindi ko man alam ang lahat sa iyo, gustong-gusto pa rin kita.

Makita lamang kitang dumaan kahit saglit ako ay sobrang masaya na.

Kaya sobrang nalulungkot at nasasaktan pa rin ako dahil hindi na kita nasisilayan, marahil ikaw nga ay tuluyan nang lumisan.

Ngunit hindi man kita nakikita, asahan mo na ang puso ko ay kailan ma'y hindi bibitaw sa iyo.

Hindi ako magkakagusto sa iba dahil ikaw lang ang nagmamay-ari nitong puso ko.

Nasaan ka man ngayon, kahit 'di mo alam, mahal na mahal kita.

Saksi ang labas ng bahay nila Lola kung saan nagsimula ang kwento nating dalawa.

Hanggang sa muli, Mahal.

Nagmamahal,
Eunbby.

Pagkatapos basahin ay natawa ko sa sarili kong gawa. Hindi naman ako 'to e. I wasn't the type of a girl who loves to write a letter to her crush. I've never imagine I would be like this haha.

Nahulog na talaga 'ko sa kanya.

Tinupi ko ng maayos 'yon ska inipit sa notebook ko para hindi magusot. I already redied myself for leaving when I my eyes landed on a man standing in front of our gate.

My heart began beating so fast.. I wanna cry.. He's now here.

Looking at me, wearing a small smile.

"Rye.."

Ang mga kamay nya ay nasa bulsa habang tuwid na nakatayo sa harapan ko, ilang metro lang ang layo sa'kin.

Maaliwalas ang mukha, napaka-amo. Parang lahat ng tampo at pangungulila ko sa kanya ay bigla nalang naglaho.

"Ryezen!" Tawag ko nang bigla nya 'kong talikuran at maglakad papunta sa bahay nila. "Rye, sandali!"

Tumakbo ako para sundan sya, wala na 'kong pakialam kung magmukha na talaga 'kong weirdo at desperada sa paningin nya. I wanna talk to him!

"Ryezen!" Tawag ko uli sa kanya, tumigil sya saglit bago ako sulyapan kaya napatigil din ako. "Pwede ba tayong mag-usap?"

Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi, dahan-dahan syang tumango at naglakad uli papasok sa bahay nila na para bang sinasabi nyang sundan ko sya.

Wala ng ibang nasa isip ko kundi ang makausap sya, kaya sinundan ko sya hanggang sa makapasok ako sa bahay nila. Bumungad sa'min ang sala, ngunit walang tao kahit isa. Umakyat si Ryezen sa ikalawang palapag, I still followed him there.

May binuksan syang kwarto at pumasok sya ro'n, iniwan nyang nakabukas ang pinto. Habang papalapit do'n ay bumabagal ang paghakbang ko habang ikinabilis naman ng tibok ng puso ko, kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

"Rye.." Parang nanghina ang tuhod ko nang tuluyan na 'kong makapasok sa kwarto, ang bigat sa pakiramdam.

Nakaupo sya sa paanan ng kama habang nakangiting nanonood sa'kin. "Bakit dito tayo?" Pakiramdam ko kakapusin ako ng hininga.

"You wanna know everything, right?"

Napalunok ako dahil sa malamyos nyang boses. "Oo nga, pero pwede namang sa labas 'di ba?"

He didn't speak, he just staring at me, smiling.

"Ryezen!" Pumadyak ako dahil hindi na 'ko natutuwa sa nararamdaman kong kaba ngayon.

Imbis na sumagot ay inilibot nya ang tingin sa paligid, huminto ang mga mata nya sa isang study table.. I got curious so I turned to that side where he was staring at.
And then my heart began beating uncontrollably.. I stilled. I'm so.. Shock.

Buong parte ng study table na 'yon ay puno ng mga larawan ng babae. Pati ang buong paligid ng dingding ay may mga nakadikit na larawan.

At lahat nang 'yon ay..

Mga larawan ko.

MY GRANDMOTHER'S NEIGHBOR [COMPLETED]Where stories live. Discover now