XV

189 8 17
                                    

"R-RYZEN.. Ano 'to?"

Hindi ko alam kung paano mag-uumpisa, gulong-gulo ako. Sumasakit na ang ulo ko, lalong bumibigat ang paghinga ko.

"Eunbby.." Nakatayo na sya harapan ko. I could see nothing on his eyes but pain.

"What's the meaning all of this? You were.. My stalker? A-ano? Bakit ang dami kong.." Natigilan ako nang may mapansin sa mga larawan.

Humakbang ako papalit do'n para mas makita ko ng mabuti. At do'n ako mas lalong naguluhan.

'Eunique Abbixiel Durien'

There was also my full name written next to him.

Then the different photos pinned all over the wall, mga litrato ko 'yon, hindi ngayong taon. It was all my pictures from last year!

Karamihan do'n ay stolen shots, ang iba naman ay masaya akong nakangiti sa camera. Ano 'to?

I shook my head, no.. No! Kailan 'to? Bakit hindi ko maalala? Humarap ako kay Ryezen na ngayon ay matiim lang na nakatitig sa'kin.

"Ryezen, ano 'to! Saan galing lahat nang 'to?!" Nagsimula nang manlabo ang mga mata ko kasunod no'n ang pag-agos ng mainit na likido pababa sa pisngi ko.

"Eunbby.." Para akong sinasak ng makita kong umiiyak na rin sya.

"Answer me! Why did you have those photos of mine?!" Hindi ko na maiwasang mapasigaw, gustong-gusto kong sumigaw ng malakas para manlang mabawasan ang bigat sa dibdib ko, pero gusto ko muna syang magpaliwanag.

"Ryezen, ano ba! Sumagot—"

"Eunbby!" Mabilis syang lumapit sa'kin nang may biglang nahulog mula sa itaas. Hinila nya 'ko palapit sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang umaapoy na kahoy nang malaglag ito sa kama. Pumasok na rin ang maatim na usok, mabilis na nilamon ang paligid.

"Rye, anong nangyayari!?" I asked him, panicking. Nakayakap sya sa'kin na para bang pino-protektahan ako.

"Lumabas kana, Eunbby!" Bahagya nya 'kong nilayo sa kanya upang makita ang mukha ko. "Umalis kana!" utos nya bago ako bigyan ng halik sa noo.

Umiling ako, "Hindi, tayong dalawa—!"

"Shit!"

Nanlaki ang mga mata ko nang may pumasok na apoy galing sa kisame, halos hindi na 'ko makahinga ng maayos dahil sa usok na bumabalot sa paligid.

"Lumabas kana, Eunbby!" Hinawakan nya ang kamay ko ska naglakad patungo sa pintuan. Nang makalabas ay do'n namin nakita ang mga gamit na unti-unting nilalamon ng apoy.

Mas lalong hinigpitan ni Ryezen ang hawak sa'kin hanggang sa makababa kami. Ilang metro nalang ang layo namin palabas ng pintuan nang may biglang nahulog na kahoy sa harapan namin. Nagbabaga ito at umaapoy.

"Rye!" Napakapit ako sa braso nya, nanginginig ang mga kamay.

"Bubuhatin kita para makahakbang ka palabas," Pursigidong plano nya.

Agad akong umiling. "Pero paano ka? Sabay tayong lalabas—"

He didn't let me finish my words, he carefully carried me and walked over the burning wood.

"Labas na, Eunbby!" Utos nya nang maitawid nya na 'ko.

"Pero paano— Rye!" Para akong naestatwa sa kinatatayuan nang makitang bumagsak sa kanya ang malaking chandelier. "R-rye.."

Ang katawan nya ay sa isang iglap lang, nabalot na ng apoy.

N-no..

"Ate!"

"Eunbby!"

Mga huling boses na narinig ko bago ko naramdaman ang panghihina ng tuhod ko at pagdilim ng lahat. Parang naging manhid ang buo kong katawan at tanging puso ko lang ang nakakaramdam, sakit.

"Ate? Ate, gising kana?"

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, nakita ko si Clyve na nakaupo sa tabi ko, puno ng pag-aalala ang mga mata nito at para bang kakaiyak lang.

"Ate, okay ka lang?" Tanong nya.

I didn't answered him, all the memories earlier came up on my mind as I stood up. "Nasaan si Ryezen?!"

Bumalik sa akin lahat ng mga nangyari kanina, humakbang ako palabas ng bahay nila Lola, pinipigilan ako ni Clyve ngunit hindi ako nagpatinig, I need to save Ryezen!

Pagkalabas ko ay bumangas sa'kin ang maraming tao nakikichismis, may mga bumbero na nagkalat sa paligid ng bahay nila Rye. Kitang-kita ang sunog na bahay nila, no...

"Rye!" I was about to run to go their house but someone immediately stopped me.

"Eunbby, anak, bawal kang magpunta ro'n!" Awat sa aki ni Mama, bakas ang pag-aalala.

"Ma, si Ryezen. Nasa loob sya! Nailigtas na ba sya? Nasaan sya Ma?"

Mama looks confused, "Nak.." She shook her head as if she wants to say something but she just chose to hug me.

"Ma, sandali, kailangan kong makita si Rye!" Pumiglas ako mula sa pagkakayakap sa kanya ska tumakbo palapit sa bahay nila Rye pero mabilis akong hinarangan ng isang bumbero.

"Ma'am, fire out na po ang sunog pero hindi pa ho pwedeng lumapit." Aniya.

Ramdam ko na ang panunubig ng mga mata ko. "May tao po sa loob, nailigtas nyo po ba sya?"

Kumunot ang noo nito bago sumagot, "Ma'am, wala na pong tao sa loob maliban sainyo kanina."

Marahas akong umiling, anong sinasabi nito?

"May kasama po ako! Si Ryezen, nalaglagan po sya ng chandelier kanina! Kailangan syang mailigtas! Bakit hindi nyo sya nakita!" Sigaw ko sa kanya kasabay ng pagtakas ng luha sa mga mata ko.

"Eunbby, tara na, ano bang sinasabi mo anak?" Pigil uli sa'kin ni Mama na nasa tabi ko na.

"Ma, si Ryezen! Nasa loob po sya! Kasama ko sya—"

"Anak, mag-isa ka lang do'n kanina, wala kang kasama!" She shouted back made me stopped for a moment.

I slowly shook my head..

"Hindi nyo po alam, kasama ko si Ryezen kanina.. Nasa loob po sya.. Iligtas natin sya, Ma. Nasa loob sya.." Pakiusap ko kay Mama, bumaling ako sa bumberong halatang naguguluhan din.

I was about to beg again but Mama blurted something made my world stop..

"Eunbby, tama na, anak! Isang taon nang patay si Ryezen!"

MY GRANDMOTHER'S NEIGHBOR [COMPLETED]Where stories live. Discover now