VII

211 7 6
                                    

'Ryezen Vwilight Dieguz'

Finally! I already know his name!

Napuyat pa 'ko kagabi para lang mahanap ang name nya sa facebook. Pinags-stalk ko lahat ng account na may pangalan na 'Ryezen'.

Pagkatapos sabihin 'yon ni Clyve ay kumaripas na 'ko ng takbo pabalik sa kwarto ko para takasan ang mga mapang-asar nyang tanong.

Back to the main topic, in Shawty— Ryezen's account, I'm wondering why he has no profile or even cover photo! Though, it sets in private, there's a side of me pushing me to click the 'Add friend' botton, but what if he would just ignore it?

His profile was just a black background. I've checked it thricely to make sure na sa kanya talaga 'yon.

"Ilang araw kaming mawawala, Eunbby. Nakabukas lang ang wifi at pwede kayong matulog dito ng kapatid mo basta isasarado nyo ng mabuti ang bahay kapag gabi na o kaya ay aalis kana, ha?" Pang-apat na beses na paalala ni Lola habang naghahanda ng umalis.

They're going to San Juan, 'yung sa work ni Mama. Sila naman ang tatao ro'n may iba rin silang aasikasuhin kaya ilang araw silang mawawala ni Lolo.

"Opo, ingat po." Magalang na sagot nang maihatid ko sila sa labas ng mini gate. Nagpayo pa si Lola ng ibang bagay bago tuluyang umalis.

Namuo naman ng katahimikan ang buong paligid, napatingin ako sa bahay nila Ryezen. Ang tahimik ng bahay nila, nandyan kaya sya?

Ba't kaya hindi pa sya dumadaan?

Kinuha ko ang walis ni Lola at nagsimulang walisin ang maliliit na dahong nalalaglag galing sa mga puno habang pasimpleng sumusulyap sa katabing bahay nila Lola.

Hindi naman makalat, gusto ko lang talagang abangan si Ryezen kung lalabas sya. Ilang saglit lang ay naramdaman kong parang may nakatingin sa'kin, from my peripheral vision I saw a man standing not far away from me.. My heart started to beat fastly.

Hindi na 'ko makatingin sa bahay nila, binilisan ko ang pagwawalis at parang sumabay ang hangin sa ginagawa ko. Umihip ng malakas dahilan para magsigalawan ang mga sangay ng puno.

Nabitawan ko ang walis at napatigil sa ginagawa nang may buhanging pumasok sa mga mata ko dahilan para manlabo ang mga ito. Shocks! Ang hapdi!

Kinusot-kusot ko 'yon kasabay nang pagtaasan ng mga balahibo ko dahil sa lakas ng hangin at lakas ng pintig ng puso ko—

Nakarinig ako ng pagbagsak ng kung ano hanggang sa maramdaman ko nalang ang sarili kong nakahiga na sa lupa.

Yes, nature is playing with me today!

Ramdam ko ang lupa sa likod ko habang may isang brasong nakaalalay sa ulo ko upang hindi ito tumama sa lupa.

Isang mainit na hininga ang tumatama sa leeg ko at matikas na katawan ang unti-unti kong naramdaman habang minumulat ang mga mata.

And then.. I saw him, staring at me intently. I stilled as if I forgot how to breath.

He's on TOP of me for fuck sake!

MY GRANDMOTHER'S NEIGHBOR [COMPLETED]Where stories live. Discover now