Chapter 10

12 2 1
                                    

"C'mon. Your special friend is babysitting you for today love."

Naunang maglakad si David kaya malumbay akong sumunod sa kaniya. Pansin ko rin ang mga paper bags na kanina'y dala dala ko pero siya na ang may hawak.

Tumakbo ako upang maabutan siya at hinawakan ang kaniyang braso. "Eh ano namang sasabihin ko?"

He looked at me through his long lashes and sneered. "I don't know, maybe tell them that I'm your friend?"

"Hindi ka ba mas lalong magagalit kapag iyan ang sinabi ko sa kanila?" Nagtataka akong tumingin sa lalaking katabi ko.

Wala siyang sinabi pero masama ang timpla ng mukha niya.

Ano naman kayang nangyari sa kaniya? Wala naman akong ginagawa ah? Tama naman kasi talaga 'yung sinabi ko, tsk. We're not in a relationship, okay? So why would I tell them that? Just like what I said, he's my special friend.

He's my special someone.

Hindi niya ba naiinitindihan 'yon? Kaya siguro ang sama-sama ng timpla ng mukha niya. Halos magdikit na ang kaniyang mga kilay at kunot na kunot ang noo. Nakakatawa nga eh. Mukha siyang batang pinagbawalang maglaro sa arcade.

Habang hawak ko siya sa braso ay napansin kong papalabas kami ng mall. "Where are we going?"

"Parking lot."

Agad ko namang naintindihan kung anong gusto niyang ipahiwatig. Ilalagay niya sa loob ng kotse niya ang mga pinamili ko para hindi na namin dala-dala kung saan-saan.

Pagkatapos naming ipasok ang mga paper bags ay pinapasok ako ni David sa kotse niya.

"Bakit? Dito lang ako!" Angal ko.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta 'no? Duh? Tsaka marami pa akong bibilhing mga anik-anik. Kung ayaw niyang pumasok ay ako na lang.

Ako naman ngayon ang nakasibangot at saka sumakay sa kotse niya.

Tumitig lang ako sa bintana at hindi na kumibo. Tahimik lang din naman siya eh. Kaya okay lang siguro kung hindi ako magsalita rito. Kahit mapanis pa laway ko basta hindi ako magsasalita ay ayos lang sa'kin!

Bwisit!

A couple of minutes after, he drives his car inside the basement of a condominium.

Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya inirapan ko siya at lumabas ng kotse. "What are we doing here, Dav? Kailangan ko pang bumalik kay papa. Mamayang alas 6 ay babalik ako sa site dahil pupuntahan namin si Airra." Pagbabanta ko sa kaniya. 5 pm na nga ngayon eh.

Hindi ko napansin na nagtagal kami nina Vaughn sa mall kaya alas singko na.

"Yes, I was just going to give you something." He held my hand and ushered me inside the building. "I live here so don't worry."

Curiously following him. I roamed my eyes inside the lobby when we entered. The receptionist greeted David and looked at me curiously. I'm very sure she's attracted with him.

The way she smile and even show her cleavage, it's already obvious that she's seducing him. Binaling ko ang nga mata ko sa lalaking hawak-hawak ang kamay ko na sa harap lamang ang tingin.

Kaya tumingin ako sa babaeng receptionist at nagbigay ng nagmamayabang na ngiti. Kumunot naman ang noo niya at inirapan din ako.

Hmph!

Habang papunta kami sa elevator ay marami kaming nakasalubong na mga babae na kung hindi ngumingiti ay binabati siya. Hindi sila pinansin ni David na medyo nagpangiti sa'kin.

Kissing The Forbidden (Monte Casa Series 2)Where stories live. Discover now