Chapter 2

13 5 2
                                    

I watched him stood up and get his drink. So as a dalagang filipina, I playfully winked at him before smiling widely, as if I didn’t flirt at him.

Hehe.

And to my disappointment, he only frowned before coldly taking his drink and going back to his seat! I was deeply shocked!

Sa ganda kong ‘to? Sa mukhang ‘to? Hindi ako pinansin?! Aba! He just makes it more exciting!

Ngumiti ako sa direksyon niya at hindi na nagsalita.

Naupo ako sa likod mg counter at pinatong ang aking mukha sa aking dalawang braso. “Hmm.” I hummed and smiled again for the third time.

Naeexcite ako sa hindi ko malamang dahilan. Ang ganda ng pakiramdam ko kahit alam kong pagod na pagod na ako. Ah, basta. Feeling ko mas naging energetic ako.

Putangina. Eto ba feeling ng in love?

I sighed dreamily and pursed my lips. Nabalik lamang ako sa ulirat ng maramdaman ko ang mapanghusgang mata ng dalawa kong kasama sa coffee shop.

Kumawala ang mahinhing tawa sa aking bibig at tiningnan ang dalawa. “Eneng kelengen neye?”

“Gaga!" Bulong sa'kin ng bakla at tumitig ng matalim. “Ayos-ayosin mo ‘yang dila mo at baka maputol ko ‘yan!"

Pigil ang ngiti kong ngumiti. Hihi. I'm so happy today, bakit kaya?

“Ano, nilalandi mo si Sir?" Ani Kylie at tumaas ang kilay sa'kin.

Tumawa ako at hindi nagsalita. Parang mga ene. Eh wele nemen ekeng genegeweng meseme. Nepeke- exeggereted hehe.

“Hindi naman. Crush ko lang talaga kasi siya, ‘lam mo ’yun?"

Umupo sa tabi ko si Je at Kylie at nakangiwing nakinig. "Akala ko ba study first ka muna? Inaaya nga kitang mag-bar, hindi ka sumasama tapos meron ka pa kasing shawty." Ani ng babae.

Malakas akong tumawa. "Tanga, hindi naman talaga ako sasama at hindi pwede at hindi pa'ko legal. Gusto mo bang palayasin ako ni Papa ‘pag nalaman niya? Hindi mo alam kung gaano kastrikto si Father." Dagdag ko.

Tumango-tango ang bakla at pasikretong sumulyap sa bebe ko.

"O-okay. Pero saan mo nakita ang papi at parang patay na patay ka?" Si Je.

Kinagat ko ang aking labi. "Sa ospital, one week ago. Nasa rooftop ako ng sitahin niya 'ko! 'Kala niya yata magpapakamatay ako!"

The two nodded eagerly. "Alam mo ba Ang pangalan?" Sabay nilang tanong.

Well, hindi ko talaga malalaman ang pangalan niya kung hindi ako nagtrabaho dito. Hanggang ngayon nga eh hindi ko alam name niya, hanggang apelyido lang.

Akalain mo 'yun, ang pogi na nga ng mukha, pogi pa ang surname! Diyos ko.

Adira Crymsin Rodriguez- Martinez

Pak! Ang sosyal naman!

"Technically, hindi ko alam pero papunta na tayo diyan." Pagmamalaki ko.

Aba, ang asset ko ay ang kagandahan at charm ko. At hindi kaigno-ignora 'to. What I mean is, hindi ako pwedeng balewalain. Kasi una sa lahat, diamond ako. Mas mahal pa kaysa sa gold, mwahahaha.

Kylie scoffed, "try mo ngang kausapin! Kunwari magpapasurvey ka, kung ano ang pinakamasarap na drinks sa coffee shop natin! Tingnan lang natin kung saan aabot 'yang kayabangan mo! Ang sungit sungit niya eh!"

My eyes blinked for a few times before eventually nodding, "I take the challenge!" I half-yelled, half-whispered.

Je just let out a chuckle while Kylie blink many times before shrugging off.

Kissing The Forbidden (Monte Casa Series 2)Where stories live. Discover now