PARAMDAM
Ito pong aking ikukuwento ay base sa aking tunay na karanasan limang taon na ang nakakaraan ng ako ay malapit ng matapos sa kolehiyo.
Ang pangyayaring ito ay bahagi ng aking karanasan na hindi ko malilimutan hanggang sa aking pagtanda. Taonnde pa ako nakakita ng multo... pero naramdaman... maraming beses na. meron na rin akong nakatabi sa pagtulog...
pero nde ko alam kung ito nga ay isang multo.
kwento ko muna nangyari last year.
tatlo kaming magba-barkada na umupa ng isang flat. nasa second floor kami. bale tatlong kwarto. siempre, kasi kung dalawa lang, walang tutulugan ung isa! nyehehehehe bale limang palapag ung bldg. na inuupahan namin.
malapit lang kasi sa pinapasukan naming kumpanya kaya napagkaisahan namin na doon tumira. bago namin nilipatan ay pinalinis muna namin, pinapinturahan buong flat, mula sa kusina, sala at mga kwarto. pati ceiling ay pinapinturahan din namin at pina-ayos ang mga sirang cabinet sa kusina, mga linya ng tubo at kung aniks-aniks pa... para paglipat namin ay magmukang bagong bahay! presentable na rin kapag me mga babaeng bisita, dahil ang dalawa kong kaibigan at mga iba pa naming tropa ay mahilig mamulutan ng babae! nyehehehehe magkatabi kami ng kwarto ni badboy. tapos kusina, sala at ung kwarto ni mikee. pinili namin ni badboy ung sa dulo dahil malapit sa cr.
nde naman ako matatakutin... oldo naniniwala ako sa mga masasamang ispiritu na nagpapakita or nagpaparamdam... wala akong naramdaman na kahit anong kakaiba sa inupahan naming flat. feel at home nga kami dito... dahil maganda at maayos ang interior design nito, na nidagdagan pa namin ng kung aniks-aniks na mga pampaganda at pampabuhay. namili pa kami ng mga indoor plants at namutakti ng halaman ang loob ng bahay. isang gabi, habang nag aayos ako ng gamit sa rum ko, me soundz akong narinig na nanggagaling sa wall, sa kabila ng kwarto ni badboy. mahilig kasing manood ng concert si badboy at talagang kumakabog ang speaker nia sa lakas kapag nanonood. so inakala ko na malakas lang ang soundz nia habang nanonood. nong idinikit ko ang tenga ko sa wall, wala naman akong marinig na kahit anong ingay. pero kapag lumayo ako, meron akong naririnig na nanggagaling na soundz sa wall na nakapagitan sa rum namin ni badboy.
ok.. dinedma ko lang. ilang araw ang lumipas, nabanggit ko ito kay badboy. sabi ko, may naririnig akong soundz na parang kumakanta o maingay doon sa pagitan ng kwarto natin. sabi nia, sia din daw! ang matindi, ung soundz na naririnig namin sa pagitan ng kwarto namin ay sa iisang parte lang ng wall! at kapag dumikit ka sa wall, wala kang maririnig. pero kapag malayo ka, maririnig mo! shayt! tumatayo ang balahibo ko! dedma pa rin. kunyari wla lang. hanggang sa nagkaroon na ng mga kwento. may mga iba ng nararamdaman si badboy. meron na siang nakikita na akala nia ay si denz (tropa namin na natutulog din sa flat pero sa sala sia naka pwesto) pero wala naman pala ung tao doon. pati mga bisita namin ay nakakakita na rin. katulad ni wilson, na magsi-cr daw sana sia, kaso me babae daw na lumabas sa rum ni badboy at pumasok ng cr. kaya wait sia to death. sinabihan pa ako na andian pala syuta ni badboy ano. sabi ko wala! ha... e bakit me nakita daw siang gurl na lumabas sa rum ni badboy at pumasok ng cr. sabi ko walang babae dito dahil wlang bisita si badboy. ng tingnan namin ang cr, wala namang tao! sa description ni wilson, mahaba daw ang buhok nong gurl na na nakita nia, pero ang syuta naman ni badboy ay maiksi ang buhok! minsan, papasok ako ng sunday. me overtime na pinapatapos si boss.
gising ako ng umaga. punta me kusina para tsumibug. bukas ng ref, tingin kung ano makakain. maya-maya, naramdaman ko na may mga yabag papuntang kusina. sabi ko sa isip ko, ang aga naman gumising ni denz. normally kasi, kapag walang pasok, tanghali na gumising si denz. sia kasi ang nauunang gumigising sa amin sa umaga kapag may pasok, dahil sia ang nagpi-prepare ng breakfast namin. dahil linggo un, nagtaka ako. kasi nde naman sia gumigising ng maaga kapag walang pasok. so antay ako na pumasok ng kusina, wala! nong sumilip ako sa hallway, gumagalaw ung kurtina sa may cr, so inisip ko na baka nag cr muna. nakatayo lang me sa harap ng cr, tinitingnan ko kung may lalabas. ng mainip me, tiningnan ko na ang loob, walang tao! at punta me sa sala, ang dencio, naghihilik pa! shayt! bigla me kinilabutan... early in the morning, meron magpaparamdam! shet na malagket, bigla akong takbo palabas ng bahay! minsan naman, araw ng paglalaba. saturday nyt sched ko para gumamit ng washing machine. mga ala una na ng madaling araw, nde pa me tapos mag laba. ako na lang ang gising sa loob ng bahay.
tulog na lahat. kye ang ginawa ko, para nde matakot, nilakasan ko ang soundz sa may kusina... para kahit magpunta ako ng cr, doon kasi nakalagay ang washing machine... ay dinig ko pa rin ang soundz. sa kusina me tumatambay, nagyo yosi habang umaandar ang washing machine. maya-maya, me narinig akong maingay na soundz galing sa tapat ng kwarto ni badboy. medio lumakas ang loob ko! kasi alam ko na gising pa sia at inisip ko na nanonood ng tv! punta me sa cr para paikutin ang washing machine. nde kasi ito otomatik kye kelangan ikutin ang knob para umikot ang drum. tinapat ko ang tenga ko sa may pinto ni badboy. tahimik naman! pero kapag nasa may cr ako o sa may kusina, dinig na dinig ko ang ingay! shayt na naman! ano na naman ititz???? e di kabog na dibdib ko! nde ko alam kung tatambay ako sa cr o pupunta sa kusina para mag yosi! ng papunta na me ng kusina, dinig na dinig ko sa may ceiling namin, parang may hinihilang mabigat na bagay na naka-kadena! shet talaga.
paanong mangyayari un e semento ang celing namin at meron din nakatira sa itaas!?? ang matindi, kapag huminto ako ng lakad, nawawala! at kapag napatapat ako sa kwarto ko at ni badboy, dinig na dinig ko ang hinihilang kung anong bagay sa may ceiling namin! talagang sobrang kabog na ng dibdib ko. maya-maya, bumukas ang pinto ni badboy. nagising pala sia dahil dinig na dinig din nia yung ingay na nanggagaling sa kisame namin! ayun, medio lumakas ang loob ko, at least me kasama na ako na gising, at nde lang me ang nakakarinig... sia rin! si denz naman, sa sala, me mga nararamdaman din. minsan daw, nagigising sia, ung mga dahon ng halaman, naggagalawan! minsan daw, bigla na lang magbabagsakan ung mga dvd at cartridge sa rack nito... pero kapag binuksan nia daw ilaw, maayos naman! hanggang ang nangyari, sama-sama na kaming magkakatabi na natutulog sa sala! wala ng gustong matulog sa kanya-kanyang kwarto! nyehehehehe
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT HORROR STORIES | COMPLETED
HorrorMIDNIGHT HORROR STORIES Mga kuwentong nakakatakot na likha ng ating malilikot na imahinasyon. Huwag tatangkain magbasa kung hindi mo kakayanin... #2 #Horror #10 #Paranormal