Chapter 23 : Langit, Lupa, Impyerno

141 2 0
                                    

𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐓, 𝐋𝐔𝐏𝐀, 𝐈𝐌𝐏𝐘𝐄𝐑𝐍𝐎

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐓, 𝐋𝐔𝐏𝐀, 𝐈𝐌𝐏𝐘𝐄𝐑𝐍𝐎

------------------------


Handa ka bang kantahin at makipaghabulan sa laro ng kamatayan?

Walo. Walong mga bata noon ang pinangangalagaan ni Miss Sanchez sa kanyang malaking paaralan na isa ring tahanan.

Tama isa din itong mga tirahan para sa mga batang iniiwan nang kanilang mga mag-isa na sa buhay na magulang at may trabaho mula sa malayong kabayanan

Ngunit may kalupitan nga lang si Miss Sanchez sa mga bata.

Masayang naglalaro noon ang mga bata nang kanilang paboritong laruin, nagsimula na silang humanap ng magiging taya at ito ay ang batang si Rafa.

Labing dalawang taong gulang na sinundan ng mga sampu hanggang sa pinakabatang anim na taong gulang pa lamang.

Lalaruin nila ngayon ang Langit, Lupa, Imyerno na kapag nasa mataas na bagay ka o anuman na nagsisilbing tuntungan ay ikaw ay nasa langit, at kung nasa lupa ka naman ay hahabulin ka ng matataya atsaka niya sasaksakin sa puso yung tumatakbo hanggang sa magkaubusan ng itataya yung nanghahabol.

Ayon sa mga matatanda ang humabol daw para saksakin yung mga tumatakbo, ay demonyo na dadalhin ang nasaksak sa impiyerno, kaya iyon tinawag na langit, lupa, at impyerno na laro.

Nagpasalin-salin ngayon sa maraming bersyon ang laro na ito, kaya kung iba man ang malalaman mo dito? Marahil ito ay isa din sa salin na bersyon ng kinilalang laro.

Langit Lupa impyerno im im impyerno saksak puso tulo ang dugo patay buhay umalis kana sa puwesto mo.

Mariing itinuro si Rafa kaya naman siya ang hahabol sa kaniyang mga kalaro ngayon na nagagawang magpalipat-lipat ng tuntungunan na kilalang langit sa laro

Masayang masaya sila sa paghahabulan at nilalaro.

Ngunit maya-maya lamang ay nakaramdam si Rafa noong parang kanina pang may nagmamasid sa kanila.

Napahakbang siya noon para lumapit, nang tawagin naman siya ng mga kaibigan kaya mariing bumalik atsaka siya ay nagtataka.

Tumigil ang laro.

Napansin kasi ni Rafa na nawawala 'yung isa sa kaibigan niyang si Eugenio, matapos niyang tanaw-tanawin ito upang mahanap atsaka na lamang siya mapapatingala nang makita niya itong umaakyat sa mataas na bahagi ng rooftop na tila wala sa sarili.

MIDNIGHT HORROR STORIES | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon