My Scary Girl ( Aswang Story )
Part 1
Kasagsagan ng biyahe ko galing kamaynilaan papunta sa probinsya namin. Medyo baryo yung lugar, madamo, luma na yung mga kalapit na gusali at ang Dad ko kasi ay may nakatayong bahay doon na pagmamay-ari noon ng aking lolo. Malaki daw yung bahay kaya nga lang yo'n nga malayo ito sa siyudad at papunta ako doon ngayon para manirahan ng ilang buwan para sa project namin sa kalapit na bayan. Sabi kasi ni Dad mabuting doon nalang ako umuwi kesa manirahan ako sa mga hotel o mangupahan, para narin malinisan ko na yung bahay at maalagaan.
Nasa biyahe ako nong tawagan ko ang tropa ko na mag take over dito sa amin for sa makatlo, pagkatapos ko lang mag-ayos ayos sa bahay. Mag-iinuman kami at may maliit na salo-salo, nag-groceries narin naman ako kanina, good for a month at pinasobrahan ko na rin.
Ako nga pala si Enzo Delgado, 25 years old, may katangkaran, 5/12 height, at may kakinisan ang balat, ang Mommy ko kasi ay pure russian na nanirahan of course in Russia.
5 years old ako nong nasa Makati City kami tas nag migration kami sa Russia to Paris, 12 years old naman ako nong mamatay siya kaya dito na kami sa Pilipinas ni Dad nagpatuloy ng buhay.
Habang nasa cellphone ang attention ko bigla na lamang hindi ko maintindihan yung mga pinagsasabi ng mga kaibigan ko, nawalan yata ng signal nong mapasok ko na yung madilim na puno na kay tataas dito atsaka na lamang ako napatigil sa gulat nong may dumaan sa harap ng kotse ko, maihagis yung cellphone, atsaka ko narinig ang malakas na kalabog sa kotse nong mukhang natamaan ko siya.
Agad agad ako lumabas sa sasakyan para tignan siya atsaka ako napaatras nong makita ko siya na nakaduko sa harap ng kotse.
Babae siya namay kahabaan ang buhok na tansya ko ay abot hanggang bewang to at sobrang kapal niya manamit na kulay puti, kaya nga lang ay may kadumihan siya sa katawan.
“Miss, okay ka lang?” Salita ko na may halong pag-aalala. Lumapit na lamang ako para sana mas makita ko kung nagtamo ba siya ng sugat ngunit nasindak na lang ako nong hawakan niya yung kamay ko sa may kahabaan niyang mga kuko atsaka niya ako hinarap ng masamang tingin. Marumi din yung mukha niya at punong puno ito ng dumi ng lupa.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT HORROR STORIES | COMPLETED
HorrorMIDNIGHT HORROR STORIES Mga kuwentong nakakatakot na likha ng ating malilikot na imahinasyon. Huwag tatangkain magbasa kung hindi mo kakayanin... #2 #Horror #10 #Paranormal