GURO
Paunawa: Ang akdang ito ay hindi sinulat upang kutyain o dumihan ang imahe ng guro. Ito ay isinulat lamang upang maipaalam ang nasaksihan.
Ang guro ang tinuturing natin pangalawang magulang. Sila ang nag tuturo sa atin ng mga dapat nating matutunan sa paaralan. Sila rin ang isa sa mga huhubog sa ating pagkatao. Mataas ang ating respeto, paggalang at pag hanga sa mga guro. Iniidolo natin sila. Marami tayong mga guro na ipinag mamalaki natin ang kanilang angking talino, husay, kabaitan at pagiging huwaran sa maraming bagay.
Ngunit dahil sa iilang guro na nakakalimot yata sa kanilang bokasyon, ang dapat na ibigay na paghanga, respeto at pag iidolo ay napapalitan ng pagkadismaya at pagkawala ng tiwala sa kanila.
Ang pangyayari...
April 06, 2015 Araw ng pag kuha ng Report Card ng mga Mag aaral sa Mababang Paaralan sa isang Barangay sa isang lalawigan sa Silangan.
Araw din na dapat masaya ang isang bata dahil makikita niya ang kanyang mga marka sa buong taong kanyang pinag paguran ngunit ito ay nahaluaan ng pagkapahiya at pagkalungkot.
Oras ng bigayan ng Report Card: Alas Nueve ng umaga — Oras kung kailan dumating ang gurong magbibigay ng Report Card: Alas Onse! (dalawang oras si Mam na late)
Miss Maestra: PSSTTT! IKAW, NENE! Bakit umuwi ka kaagad nun recognition day? Hindi mo ba alam na pinagalitan ako ng principal dahil mag kukuhanan pa ng litrato. Ikaw lang ang walang litrato. Nun nag post tuloy ako sa FACEBOOK, ako lang yun walang kasamang mag aaral. Sa uli uli huwag kang aalis na lang basta, dapat tinatapos ang program. (pasigaw kung siya ay magsalita sa harap ng maraming magulang)
Nene: (hindi nakapag salita)
Pinsan Ni Nene: Mam, pasensya na po kung umalis kami agad nun recognition nagkaroon po kasi ng problema... (hindi pa tapos magsalita)
Miss Maestra: (mas lalong inis) HAY! NAKU! YAN ANG MALI NYO UMALIS KAYO KAAGAD. AKO TULOY ANG NAPAGALITAN. EH PAANO WALA SIYA NGAYON PICTURE? SA SUSUNOD NA TAON GAGAWIN NYO NA NAMAN YAN, AALIS KAYO NG BASTA BASTA NA LANG.
Pinsan: Mam, wag naman po kayo sumigaw. Yan po ang mali nyo, nasigaw kayo.
Miss Maestra: ABA! NORMAL LANG DITO ANG NASIGAW.
Pinsan: Mam, hindi po normal yung sumusigaw...(hindi pa tapos magsalita)
Miss Maestra: ABA! KUNG SA IYO HINDI NORMAL ANG NASIGAW, DITO NORMAL LANG. SIGE, IM SORRY KUNG SUMISIGAW AKO. DAPAT IKAW ANG MAG SORRY DAHIL IKAW ANG MAY KASALANAN .
Pinsan: Mam, kanina pa po ako nag sorry. Ang mali po namin na pag alis nun Recignition ay dahil may problema po sa pamilya.
Miss Maestra: SIGE TIGNAN NA LANG NATIN SA SUSUNOD NA TAON. (sabay pasok sa silid aralan)
Mababakas sa mukha ni Pinsan ang pagkainis at pagkadismaya sa nangyari. Napansin niya na maluha luha si Nene. "Ate, galit ba si mam sa akin?" Binulungan niya si Nene, "OK lang yan Nene, wag mo na isipin yun. hindi naman galit sa iyo si Mam malakas lang siya mag salita saka Maayos din natin yung problema natin sa bahay. (umalis ang mag pinsan)
Para sa iyo Miss Maestra, ang dalawang oras mo na pagka huli sa IYONG tinakdang oras ay unang una mong naging pagkakamali. Mam, matrapik po ba or sadyang isinasapuso lang po natin talaga ang FILIPINO TIME? Ang mga magulang po kahit may pasok sa kanilang mga trabaho ay lumiban o kaya ay nag paalam na mag half day na lang ng pag pasok makapunta lang on time at makausap kayo.
Isa pa po Madam, bakit ka nagagalit sa bata? Dahil ba sa umalis sya at hindi tinapos ang recognition o dahil sa SOCIAL STATUS mo sa FACEBOOK? NORMAL lang po ang mag post sa SOCIAL MEDIA teacher, pero isa po kayong guro, bakit uunahain mo ang iyong post kesa sa tanungin kung ano nangyari sa mag aaral mo kaya siya biglang nawala. Si Mam Principal po ba ay nagalit din dahil lang sa walang litrato ang bata? Uunahin pa po ba ng bata ang pag papakuha ng picture o ang problema nila sa pamilya? Siguro ang naging mali nun bata ay dahil sa hindi sila nagsabi na aalis na sila dahil sa kanilang FAMILY PROBLEM subalit hindi ito mabigat na kasalanan upang mapahiya ang bata. Madam, ang pagsigaw sa loob ng paaralan ay hindi po NORMAL. For sure, kahit ikaw makarinig ng mag aaral mo na sumisigaw sa iyong klase ay patatahimikin mo, dahil hindi po NORMAL ang pagsigaw. At ang panghuli mong salita sa bata, ano po ba iyon, Pag babanta para saan?
Miss Maestra, alam ko po na tao lamang kayo pero payo lamang po, Kung ikaw man ay may pinagdadaanan problema sa buhay, isantabi mo muna yan, mag iba ka ng daan, unahin mong isipin at unawain ang mga pangangailangan ng mag aaral mo dahil isa yan sa mga sinumpaan mo bilang guro. Tandaan mo, ang pag tuturo o pagiging guro ay hindi isang trabaho, ito ay isang BOKASYON. Ikaw ang tumatayong pangalawang magulang ng mga mag aaral. Isa ka sa huhubog para sa ikakabuti o ikakasira sa kanilang pagkatao.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT HORROR STORIES | COMPLETED
TerrorMIDNIGHT HORROR STORIES Mga kuwentong nakakatakot na likha ng ating malilikot na imahinasyon. Huwag tatangkain magbasa kung hindi mo kakayanin... #2 #Horror #10 #Paranormal