Ala-sinco pa lang ay bumangon na ako dahil may byahe akong kailangang abutan.
Sinuot ko lang ang itim kong cardigan crop top at high - waist na maong pants na nahablot ko kagabi sa bag. Nilugay ko rin ang buhok kong itim na itim at nag lagay nang kaunting kolorete sa mukha.
Hindi naman kailangang bongga ang porma ko doon dahil sapat na ang kagandahan ko para ibalandra sa lahat. Baka mamuti na ang mata nila sa sobrang kabiyayaan na meron ako.
Maarte ko namang binitbit ang handbag na tig s-singkwenta pababa ng hagdan. Amoy na amoy ko pa ang sinangag na kanin kaya dumaretso ako sa kusina at napangiti na lang nang makita kong may nakahain na sa hapag-kainan.
"Wow, sino kaya sa dalawa ang sinapian kagabi." Bulong kong saad bago nag simulang kumain.
Pasikat na rin ang haring araw nang pumara ako ng tricycle papunta sa Bayan. Kailangan kong lumuwas uli ng Manila dahil mag a-apply ako ng trabaho.
Nang makarating sa terminal ay natulog lang rin ako sa byahe dahil kagabi pa ako walang tulog kaka-isip. Hindi rin nag tagal ang byahe at nasa manila na ako. Imbis na mag taxi ay pinili ko na lang mag lakad pero nagsisisi na ako dahil sa paa kong kakalyuhin na. Isang oras rin akong nag lalakad at halos lumawit na ata ang dila ko dahil na rin sa sobrang init.
Inayos ko ang buhol-buhol kong buhok at inangat ang croptop na malapit nang mahulog. "Wow, infernes ang laki." Bulong ko habang pinag mamasdan ang malaking kumpanya sa harapan ko. Hindi pa man rin nakakahakbang nang makarinig ako ng nagsisigawan sa likod.
"Sabing papasukin n'yo ako! Kailangan kong makita si Jacob, bingi ba kayo? Asawa n'ya ako!"
Halos masamid naman ako sa mga narinig ko.
"Ma'am, araw-araw may babaeng pumunta dito para lang sabihin lang na asawa sila ni Sir Jacob, pero sa lahat ng babae ikaw lang ang iba."
Dahil sa kuryosidad ay binalingan ko sila nang tingin at halos lumuwa ang mata ko nang makita ko ang umbok nitong tyan. Oo, tama kayo. Mas bilog pa sa pakwan pero ang malala pa, kilala ko kung sino ang babaeng nag i-iskandalo.
"Bakit ba kasi ayaw mong maniwala kuya, wala ka bang kunsensya? Kita mo naman buntis ako. Sige, kung ayaw mong maniwala iharap mo rin sa'kin ang boss mo ngayon na!"
Hindi na ako nag dalawang isip na lapitan sila at hiklatin ang babae. Naramdaman ko pa ang kalmot nito sa braso ko pero ininda ko na lang ito.
"Ano ba, bitiwan mo ako, nasasaktan ako! Sino ka ba?!"
Tumigil kami sa gilid ng puno at marahas ko s'yang nilingon. Bakas pa sa mukha nito ang pagkagulat pero nagbago rin naman ito.
"Wow, ganyan mo ba babatiin ang kaibigan mo, Lilith?" Nakanguso kong saad.
Nakita ko namang umasim ang pag mumukha n'ya.
"At anong ginagawa mo dito? Huwag mong sabihing hinahabol mo rin si Jacob?" saad n'ya habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa.
Hindi naman ako nag dalawang isip na humalakhak. Alam kong nakaka irita ang tunog ng tawa ko pero wala akong pake.
Hinawi ko muna ang buhok ko sa balikat bago ko s'ya sagutin. "Grabe, ilang taon na pero kung umasta ka pa rin ay kala mo ako ang kabit ng asawa mo, kung sa bagay, sino ba ang hindi mag hahabol sa gandang taglay ko diba." Nakangisi kong saad.
"Totoo naman, 'yan naman kasi ang gawain mo noon pa. Ang kumabit sa may asawa ng may asawa." Diin nitong saad at nag lakad na papalayo.
Tinanaw ko lang s'ya hanggang sa makapasok ito sa sasakyang magara.
"Wow. Ako kabit? Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng 'yon." Bulong ko at nag lakad na uli papasok sa kumpanya, pero naharang rin ako ng mga guwardya.
"Excuse me miss, ano ang sadya mo?" Maangas nitong saad.
Tinaasan ko naman s'ya ng kilay at nginuya ang bubble gum na kanina pa nakadikit sa ngala-ngala ko.
"Mag a-apply ako ng trabaho." Taas kilay kong saad at inabot sa kanya ang resume na kanina ko pa bitbit.
Kamot ulo naman ako nitong tinignan pero kala unan ay pinapasok rin ako nito.
Dare-daretso lang ako sa front desk. Ramdam ko ang mga titig ng mga tao sa'kin. Marahil siguro sa suot ko.
"Good morning ma'am, ano po ang sadya n'yo?" Nakangiting saad sa'kin nito.
Ngumiti naman ako ng matamis at marahang sumandal. "Mag a-apply ako ng trabaho, balita ko kasi ay hiring kayo."
Tinitigan pa ako nito pati ang dibdib ko bago ito mag salita. "Ah, yes po kaso hindi po kasi kami nag i-interview ng ganyan ang mga suot." Kabado pa nitong saad.
Tumitig naman ako uli sa suot ko bago sa kanya. "Ha? Matino naman ang suot ko, hindi naman ako nakahubad so bakit bawal? Bakit, may dress code na ba ngayon?" taka kong saad at niluwa ang bubble gum sa papel na hawak ko bago ko inilagay ito sa bag.
Nakita ko pa ang pandidiri sa mga mata nito dahil sa ginawa ko.
"Opo ma'am, kaya sorry po pero bumalik na lang po kayo sa susunod na araw, tutal naman po ay kasisimula pa lang ng interview ngayon."
Kamot ulo ko naman akong napabuntong hininga. "Sige, pero ireserve mo ako ng slot."
"Po?"
"I-reserve mo ako ng slot, baka kasi makahanap kayo bigla e, paano naman ako diba."
Narinig ko naman ang halakhak ng nasa paligid ko marahil sa sinabi ko.
"Ma'am, hindi po kami nag r-reserve ng slot sa job hiring."
Tinitigan ko naman s'ya nang matalim dahil sa sinabi nito.
"What? Nag bibiro ka ba? Pumayag na nga ako na bukas na mag apply kasi ayaw mo akong papasukin e," kunot noo kong saad.
"Ma'am, hindi ka naman po VIP at parking lot para ipag-reserve ng slot, isa pa po, mag a-apply pa lang naman kayo." Seryoso nitong saad.
Nakita kong lumapit na ang mga kasama nito sa pwesto, marahil nakaramdam na ng masamang kutob.
Halos malukot ang mukha ko dahil sa narinig ko. "Miss, bumyahe ako ng nagpakalayo layo para lang dito. Ayaw mo na nga akong payagan na mag-apply, ngayon naman ayaw mo akong ipag-reserve ng slot. Ang funny mo naman ata."
Ramdam ko na ang bulungan sa paligid ko gano'n rin ang pag kumpol ng mga tao sa likuran ko. Marahil nakikinig.
"Sorry po talaga ma'am, kung gusto n'yo po ay umarkila na lang kayo ng damit ngayon tapos bumalik kayo mamaya." Saad naman ng isang impleyado.
Marahas ko namang hinampas sa harapan nila ang mga papeles na dala ko at seryoso silang tinignan.
"Nag papatawa ba kayo o sadyang bastos lang? Siguro ay mas maganda na iharap n'yo na lang sa'kin ang boss n'yo."
Nakita ko naman ang pagkagulat sa mga mukha nila dahil sa sinabi ko at akmang magsasalita na sana nang makarinig ako nang malalim at baritong boses sa likuran ko.
"Look behind, woman. What do you want from me?"
To be continue....
BINABASA MO ANG
Sweet Sensation (Leonares Series 1)
RomanceAng paghahanap ng trabaho ay hindi kasing dali nang paglasta ng pera. Lalo na kung magta-trabaho ka sa isang sikat na tao na hindi mo naman pinangarap pagtrabahuhan. Paano kung magbago ang landas mo kapag nalaman mong ibang tao pala ang napagbintang...