Napabalikwas ako nang bangon nang makarinig ako ng malalakas na ingay na nang ga-galing sa labas ng pintuan naming kahoy.
Sa sobrang lakas nito ay malapit na atang magiba ang Plywood naming pinto na may mukha pa ng batang nag birthday sa kabilang baranggay. Ninakaw ko lang kasi 'yun dahil wala na akong maisip na ipangtabing sa butas naming pinto.
Naiinis akong bumangon sa papag dahil ayaw talaga tumigil ng ingay na naririnig ko.
Nakayapak kong nilakad ang mabato naming sahig habang ka-kamot ulong naghihikab.
Marahas kong binuksan ang pinto. "Ano ba! Kay aga-aga nangbubulabog ka!" sigaw ko sa taong 'yun. Pipikit-pikit pa ang mga mata ko dahil sa antok na nararamdaman.
Pero nakaramdam lang ako nang malakas na pagpukpok sa ulo ko na naka pag pagising sa'kin lalo, at tumambad lang naman sa harapan ko ang isang gurang na balyena.
Tumuwid naman ako nang tayo para magmukha akong matino kahit gago ako.
"Magandang umaga po Aling Nelly. Ano pong sadya niyo?" nakangiti kong saad. Wala na akong pake kung amoy bulok o amoy panis pa ang hininga ko. Mabuti na din yun nang lumayas sa harap ko 'tong balyenang 'to.
"Gaganda lang ang umaga ko kapag nagbayad kayo ng upa." daretsang saad nito na nakapagpangisi sa'kin.
"Ako nga nasira araw ko ng makita kita, eh." bulong ko sa hangin. Marahil narinig naman nito ang sinabi ko dahil tinaliman pa nito lalo ang pagkakatitig sa'kin.
Hindi ko maiwasang tignan siya mula ulo hanggang paa habang nakataas pa ang kanang kilay ko.
Nakasuot pa ito ng spaghetti dress, eh putok naman lahat ng taba tapos yung kwintas pang suot ay bilog-bilog na puti habang ang kanyang mga daliri ay kumikinang sa dami ng sing-sing na suot.
Tinitigan ko pa siya ng isang beses bago ko siya tanungin. " Saan po ang lakad niyo Aling Nelly? Mag c-club ka ba?" mahinahon kong saad at nilapitan siya.
Balak ko siyang libangin ng unti para makalimutan naman niya ang utang namin.
Tinitigan naman ako nito ng masama at nagtakip pa ng ilong.
'Aba. Mukhang naamoy niya sarili niya. Maypatakip-takip pa siyang nalalaman.' iritang sigaw ng utak ko.
Lumayo pa ito ng ilang dipa bago nagsalita at marahas na binuka ang pamaypay na mukha naman ni Winnie The Pooh ang nakaprinta.
"Nasaan ka ko ang bayad niyo sa upa?" masungit nitong saad habang nagpa pay-pay.
Napa-irap naman ako sa hangin dahil sa sinabi niya at kakamot-ulong tumitig sa langit.
"Anak naman ng tinapa, Elma! Dalawang buwan na kayong hindi nag babayad ng upa niyo." sigaw nito na nakapagpababa sa'kin nang tingin.
Bagot ko naman siyang tinignan dahil wala din naman akong maisasagot sa kanya dahil hanggang ngayon ay wala pa kaming pera pambayad.
"Kasi Aling Ne-"
"Manahimik kana, Elma. Simula sa araw na 'to, simulan niyo nang mag empake ng gamit niyo dahil palalayasin ko na kayo!" mas lalong sigaw nito.
Napansin kong nagsilabasan na lahat ng kapit-bahay namin dahil sa pagbubunga-nga ng balyenang 'to.
"Lumayas kayo! Kapag naabutan ko pa kayo hanggang tanghali ay kakaladkarin ko kayo paalis naiintindihan mo ba 'yon!" sigaw pa nito habang dinuduro ako ng pamaypay.
At dahil naiinis na ako hindi ko na napigil ang sarili kong sagutin siya.
"Oo na! Manahimik kanang balyena ka! Puro ka dada! Lalayas na kami ngayun pa lang! Isaksak mo sa baga mo yang bahay mong bulok!" sigaw ko naiinis ko itong tinalikuran.
BINABASA MO ANG
Sweet Sensation (Leonares Series 1)
RomanceAng paghahanap ng trabaho ay hindi kasing dali nang paglasta ng pera. Lalo na kung magta-trabaho ka sa isang sikat na tao na hindi mo naman pinangarap pagtrabahuhan. Paano kung magbago ang landas mo kapag nalaman mong ibang tao pala ang napagbintang...