Kagat labi akong nakatitig sa pigura ng taong kanina ko pa hinihintay.
Pasado alas-d'yes na ng gabi nang maisipan kong harapin ang kanina pa bumabagabag sa isip ko. Hindi ko na rin kaya. Pakiramdam ko ay hindi na rin tama ang lahat ng ginagawa ko.
"Paki bilisan,"
Na pa-angat ako nang tingin sa kanya nang makita ko ang kabuoan ng pigura n'ya. Suot ang puting sando at khaki short, mas lalong nag pakisig sa kanya ang bagsak nitong buhok.
"Hi," mapakla kong saad. Nalunok ko na lang ang sarili kong laway nang hindi ako nito batiin.
Hindi ako gumalaw sa pwesto ko. Bukod sa mga tuhod ko'y nanginginig, hindi ko rin ata kakayanin na hindi mapigilan ang sarili ko na yakapin at lumuhod sa harapan n'ya.
Ilang minuto rin kami nag katitigan bago n'ya basagin ang katahimikan sa pagitan namin.
"So, ano 'yung sasabihin mo? Can you make it quick, kailangan kong bumalik agad sa cabin-"
"I-I'm sorry. I'm so sorry."
Hindi ko na napigil ang sarili kong umiyak sa harapan n'ya. Ilang pagitan lang ang layo namin sa isa't isa pero pakiramdam ko ay ilang libong kilomentro na ang humaharang sa'ming dalawa.
Kasabay ng pag ihip ng malamig na hangin ay s'ya namang pag igting ng panga nito.
"Stop waisting my time. Kung eto lang 'rin naman ulit ang pag u-usapan natin. Akala ko ay titigil ka na. Tigilan mo na kami." Malamig na saad nito at tumalikod na.
Hindi ko na napigil ang sarili kong habulin s'ya at yakapin ang mga binti n'ya. Wala na akong pake kung nag mu-mukha na akong tanga dahil sa itsura ko. Dahil sa pag luhod ko. Pero desidido na ako. Ayokong iwan n'ya akong muli.
"Let go."
Ilang beses akong umiling at hinalikan ang likod ng tuhod n'ya dahilan para itulak n'ya ako.
"I said stop! Ano ba, desperada ka na ba? Please lang, tigilan mo na ako. Nakakadiri ka na!"
Pakiramdam ko ay kasing durog na ng buhangin ang puso ko nang makita ko ang mga mata nito na may bahid ng galit at pandidiri.
"P-please, mahal na mahal kita. Patawarin mo ako. Gu-gusto ko lang linawin lahat. Please. Makinig ka naman." Umiiyak kong saad. Halos mawalan na ako nang hininga.
Kahit naka luhod ay pinilit kong ilakad ang mga tuhod ko sa buhangin, dahilan para umatras s'ya mula sa'kin.
Umiwas s'ya nang tingin at mariing kinuyom ang mga palad. "Stop pestering my life. Eloiza. You'll never gain my trust, again." Bulong n'ya.
Halos isubsob ko na ang mukha ko sa paa n'ya, mapatawad lang n'ya ako. Mapatawad lang ako ng taong mahal ko.
"Please, ako na lang. A-ako na lang ulit. Hindi ko kaya. Pa-paano ako? Paano yu-yung mga plano na-natin?" Saad ko sa kanya dahilan para titigan n'ya ako.
Marahil ngayon ay nandidiri na s'ya sa'kin. Mula sa suot kong damit mula kahapon, alam ko ring kaawa-awa na ang itsura ko kahit na tanging buwan na lang ang nag si-silbing liwanag sa pagitan naming dalawa.
"But you fool me. You hurt me. Akala ko hindi totoo lahat ng sinasabi nila. Pinaniwalaan kita. Pinag laban kita."
Kahit na anong gawin kong lapit ay s'ya namang pag layo n'ya. Sa bawat mga salita n'ya, pinahihiwatig n'ya rin na wala na talaga.
"I've never done this to you, but why? Ang sakit-sakit ng paraan ng pag mamahal mo. Napapagod rin naman ako, Eloiza." Mariing saad nito.
Muli itong tumalikod. Kahit nanginginig, pinilit kong maging matatag para makatayong muli. "Ba-bakit s'ya? Bakit s'ya pa." Bulong ko. Mukhang narinig naman niya ito dahil hinarap pa ako nito.
Mula sa sinag ng liwanag ng buwan, hindi nakawala sa paningin ko ang pag kinang ng maliit na bagay sa palasing-singan nito.
"Kasi sa kanya ko naramdaman yung hindi ko naramdaman sayo. She's different. And you'll never be her."
Mapait ako nitong nginitian kahit na alam kong pilit lang ito. "I love you so much, but Mi amour, let's end everything here. Palayain mo na ako."
Umiling ako at mariing napahawak sa dibdib ko. "Hindi ko kaya. Ayoko."
Kulang na lang ay isigaw ko na lahat ng kirot na nararamdaman ko sa puso ko.
"Mali 'to Eloiza. I'm already married. May pamilya na ako. May anak na ako at asawa-"
"A-ako dapat 'yon e. Akin ka! Ako dapat yu-yun- ah," Napa upo na lang ako dahil sa sakit at pagod na nararamdaman ko. Iling na lang ang naisagot n'ya sa'kin at tuluyan na itong umalis sa harapan ko.
"Please, ako na lang ulit..."
Kasabay ng mga ihip at hampas ng alon at hangin, tinangay na rin nito ang lahat ng mga pag-asang kailan man ay akala ko maisasalba ko pang muli.
![](https://img.wattpad.com/cover/234580655-288-k883893.jpg)
BINABASA MO ANG
Sweet Sensation (Leonares Series 1)
RomanceAng paghahanap ng trabaho ay hindi kasing dali nang paglasta ng pera. Lalo na kung magta-trabaho ka sa isang sikat na tao na hindi mo naman pinangarap pagtrabahuhan. Paano kung magbago ang landas mo kapag nalaman mong ibang tao pala ang napagbintang...