Chapter 5

2 0 0
                                    

Dahil sa nangyari ay minabuti ko nang umuwi agad dahil sa sakit ng ulo na nararamdaman ko.

"Kumusta ang lakad? May trabaho ka na ba?"

'Yan ang mga salitang sinalubong sa'kin ng kapatid ko na ngayon ay nanonood ng cartoon sa sala. Kung magsalita 'tong bata na 'to daig pa na mas matanda kesa sa'kin.

"Nasaan sila mama?" saad ko at dumaretso na sa kusina para tignan kung anong ulam ang nakahain.

Hindi na ako kumain bago umuwi dahil baka kapusin ang perang dala ko at isa pa, mag gagabi na rin. abuti na lang ay nakita ko pa na may kaldereta sa mangkok kaya kumuha na rin ako ng kanin para kumain.

"Cholo, nasaan kako sila mama!" Sigaw ko pa sa kapatid ko.

Mula sa pwesto ko ay kitang kita ko kung anong ginagawa nito kaya nainis ako nang magpaking pakingan ito sa'kin.

"Umalis sila ni papa kanina pang madaling araw ate, sabi nila mag ho-honeymoon daw sila." Sigaw nito.

Halos nabilaukan naman ako sa narinig ko. "Ano?! Anong honeymoon! Anak naman ng tokwa."

Halos madulas na ako dahil tinakbo kong inabot ang cellphone para tawagan ang mga magulang kong nag papaka-binata't dalaga. Mabuti na lang ay sinagot rin nila matapos ang ikalawang dial ko.

"Ma! Ano 'tong sinasabi ni Cholo na nag honeymoon daw kayo?" Saad ko habang ngumunguya.

"Hello anak, ay oo, hindi na namin nasabi ng papa mo kasi biglaan lang din. S'ya nga pala sa susunod na araw na kami uuwi ha, ikaw muna ang bahala kay Cholo." pabebeng saad nito sa kabilang linya.

Napasabunot naman ako nang lingunin ko ang kapatid ko na ngayon ay kinakain na ang pagkain ko sa kusina.

"Ma naman, matatanda na kayo ni papa at sino may sabi sa inyong umalis kayo ng bahay?" Iritadong saad.

Lumabas ako ng bahay para makalanghap ng sariwang hangin dahil baka anong oras ay atakihin ako sa mga nangyayari ngayon.

Narinig ko pa ang pagbuntong hininga ng ina ko sa kabilang linya. "Anak, alam mo naman na matagal na namin gusto ng ama mo ng bagong anghel diba, isa pa last na rin 'to at baka bumalik na ulit kami sa trabaho ng ama mo."

Bigla naman akong natahimik sa sinaad nito pero pinutol rin nito ang katahimikan. "Ano pala nangyari sa lakad mo?"

Napakamot naman ako ng ulo habang tumititig sa ilaw ng syudad. "Natanggap naman po ako."

"Mabuti naman kung gan'on. Ay Elma, dumating pala yung bill ng kuryente d'yan, dala kasi namin ng papa mo yung pera. Baka p'wede na ikaw muna ang magbayad. Hayaan mo pagbalik namin papasalubungan kita ng donut. Mag i-ingat kayo d'yan, anak." Saad ng ina ko.

"Asta lavista, baby!" Hindi pa man ako nakakapag salita ay narinig ko pa ang boses ng ama ko bago nila patayin ang tawag.

Halos nabingi ako sa sinabi nitong dala nila ang allowance namin ngayong linggo. Isa lang ang may alam kung saan nakalagay ang kayamanan ko.

"CHOLO!" Malakas kong sigaw bago tumakbo papasok ng bahay para igapos ang kapatid ko.

Nakabusangot akong lumuwas ngayon sa Manila dahil bukod sa puyat mula kagabi ay hindi rin ako pinatulog ng kaba.

Abay kahit ganito ang ugali ko ay kinakabahan rin naman ang isang d'yosang kagaya ko. Hindi naman ako alien.

"Good morning, ma'am."

'Yan ang salubong sa'kin ng guard na ngayon ay naka-sitting pretty lang sa estasyon nito habang humihigop ng kape.

"Anong maganda sa umaga." Saad ko at dumaretso na sa loob ng kumpanya.

Oo. Ngayon ang simula ng trabaho ko kahit ka a-apply ko lang kahapon. Kaya nga wala ako sa mood dahil hindi man lang ako nakapag pahinga ng maayos lalo na't napuyat din ako para pumili ng susuutin ngayong unang araw ng trabaho.

Bumungad sa'kin ang kumpol na empleyado sa estrada pa lang ng entrance. Taas kilay ko naman silang tinitigan habang nakatitig rin sila sa'kin na may mga ngiti sa labi.

"Anong tinitingin tingin n'yo? Gusto niyo ba na tuhugin ko 'yang mga mata n'yo. Ang aga-aga daig n'yo pa ang mga multo kapag undas." Iritado kong saad at nagpatuloy sa paglalakad.

Daig pa nila ang dagat na hinati ni Moses nang binigyan nila ako ng space para dumaan sa gitna nila. Tinitigan ko naman ang bawat empleyado dahil sa kinikilos nila.

"Welcome to Adam Square Company Miss. Eloiza!"

"Ay! anak ng tinapa. Ano ka ba, Queeny!" Sigaw ko habang nakahawak sa dibdib.

Sino ba ang hindi magugulat kung may biglang lilitaw sa harap mo, ang masaklap pa ay lumabas pa ang ulo nito galing sa isang mascot costume.

"Magandang umaga rin po sa inyo, ms." Ngiting saad nito habang tuluyan nang tinatanggal ang ulo ng mascot.

"Ano ba? Ang creepy n'yo! Tigilan n'yo nga 'yang mga titig ninyo at naalibadbaran ako." Iritado kong saad at marahas na hinawi ang buhok kong tumatabing na sa mukha ko.

Marahil narinig naman ng lahat ang sinabi ko kaya umalis na rin ang ibang empleyado sa paligid ko, maliban sa babaeng nasa harap ko.

"Sikat ka kasi sa buong department, ma'am." Ngiting saad nito.

"Anong sikat? Hindi naman ako si Kathryn Bernardo para pagkaguluhan at bakit ka ba nakasuot ng ganyan, ha? Halloween na ba?" Kunot noo kong saad at naglakad na papunta sa elevator.

Hindi ko namalayang hinabol ako nito nang s'ya na mismo ang pumindot sa floor na pupuntahan ko.

"Ang funny mo talaga ma'am, kaya ka siguro na-hire. Alam niyo po ba na sa lahat ng nag-apply, mabuti po ay natanggap pa kayo kahit nag eskandalo ka kahapon sa harap ni sir Jacob."

Hinarap ko naman ang babaeng dumadaldal na ngayon ay nag tatanggal na ng costume. "FYI Queeny, kahit naman na hindi ako mag eskandalo ay malaki pa rin ang chance na matanggap ako sa kumpanyang 'to." Saad ko at humarap ulit sa pinto ng elevator.

"Siya nga pala, ano pala ang gagawin ko ngayong araw?"

Nakatitig lang ako sa pinto ng elevator habang tinititigan ko ang itsura ko. Suot ang skinny black pants na tinernuhan ng white sando at black coat, sinigurado ko rin na bagay ang koloreteng nilagay ko sa mukha ko. Pinony tail ko rin ang buhok ko na kasing taas ng boses ni Ariana Grande.

"Ituturo ko po muna sa inyo kung saan yung office n'yo tapos utos rin po ni Sir Jacob na mag-usap muna kayo bago kita turuan sa mga papers po na dapat n'yong asikasuhin."

Tango lang ang sinagot ko sa kanya at saktong pagbukas ng elevator ay bumungad sa'kin ang isang napakalawak na pasilyo papunta sa isang malaking pintuan.

Tanging tunog lang ng heels ko na p'wedeng pwede na ipang pukpok sa mukha ng taong iinis sa'kin ang naririnig ko sa buong paligid.

"Dito po pala kayo mag ta-trabaho tapos eto naman po yung waiting area para sa mga bisitang makikipag meeting po kay Sir." Saad nito nang tinuro n'ya ang isang medyo may kalakihang working place sa labas mismo ng opisina ng bosaboss.

"Okay, bawal ba ako mag trabaho sa loob ng office ng bosaboss?" Taka kong saad.

"Ay hindi po p'pwede." Natatawang saad nito bago kumatok sa office mismo ng magiging boss ko ngayong araw.

"Sir Jacob, andito na po si miss Eloiza."

"Come in."

Ngumiti naman ulit sa'kin si Queeny. "Pasok ka na po, miss. Goodluck!" saad n'ya at nag tatakbo na palayo sa'kin. Kinawayan pa ako nito bago sumara ang elevator.

Huminga muna ako ng malalim bago ko tinulak ang pintong mas malaki pa sa higante.

"Good morning, sir."

To be continue...

Sweet Sensation (Leonares Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon