"Chyster Levine" Hindi siya mawala sa isip ko simula nung nangyari sa C.R. G R R R R! nakakaiinis! Bakit ba ako hindi nakagalaw? bakit ba ako nabigla? sa isang lalake? geez! Ano bang nangyayari sakin!?
"Kasi may gusto mo ka sa kanya" napalingon ako sa mga salitang binitiwan ni Airy.
"Ako magkakagusto sa lalaking yun? Hindi ko nga siya kilala eh."
"Sus! Luma na yang rason mo!" Ano ba to! Hindi ko madeny ang feelings ko. Wait!? Feelings?! Ewww! Never! To that boy? Talagang never! BUT his a cutie. Noooo! Deny it! Hindi ka magkakaproblema kung idedeny mo lang siya.
"Malalim ang iniisip mo girl! Si chyster nanaman ba yan? HAHAHA" Tawang-tawang sabi ni Airy. Hindi ko mapigilan ang sarili kung ngumiti. "HAHAHA!" Nagtawanan kaming dalawa ni Airy papunta sa susunod naming subject. Okay lang ata yung nangyari kanina, hindi niya naman ako mapapansin eh. Tsaka isang beses sa isang araw lang kami magkikita kaya okay lang yun.Sa Loob ng Room
"Girl!! Napakadami nila?!"
"Madami? Sila? Sino?" Litong lito ang pagkakasagot ni Airy.
"Mga lalake! Mga gwapong lalake!"
"Hay naku. Boys! Academics muna unahin natin nuh! Wala kang mapapala sa kanila."
"Sus kung makapagsalita to akala mo nanay ko. Alam mo girl gagraduate na rin ako next school year, tapos na tayo sa mga pressure! It's time to have fun! And this boys know how to have fun" gigil kung sinabi.
Napa sigh nalang si Airy. At napatingin sa labas ng room namin. While me? Wiling wili sa pakikipag kilala sa mga boys. "Excuse me, Miss?" A soft voice from my back very familiar. Lumingon ako shiiiit! Natulala ulit ako. "Am hi, may nakaupo ba dito?" Si CHYSTER LEVINE. Tatabi sa akin! *Insert Fireworks* Bigla akong bumalik sa sarili ko, "yes, sure! Mukhang magiging mag seatmates tayo till the end of this sem"
He just smiled. He said nothing and sat down. Naku naku naku! Yung lalake to! Akala mo kung sino! Kung di kalang gwapa suuuus! "Relax girl! Baka mahalata ka." Bulong ni Airy.
"Tigilan mo yan! Wait pano mo nalalaman ang iniisip ko?"
"I can read pretty well. Hahaha!" I hate Airy's smile! Nakakainis! Halata ba ang kilig na nararamdaman ko? Parang di naman ata.