Jezel's POV
"Taxi!"
Sigaw ko sa unang taxi na dumaan sa harap ko. Pinunasan ko ang mga luha ko pagkapasok ko sa taxi.
Hanggang ngayon feeling ko nightmare lang tong nangyari sakin. Anong nangyari sa surprise na inihanda ko? hindi ko akalaing ako pala ang masusurprise. Pero ang sabi niya kanina...
"Im sorry, jezel if we did this to you."
Bakit kasi naging speechless nanaman ako kanina? Hindi ko tuloy naitanong sakanya kung bakit 'we' ang sinabi niya.
Wait...
Hindi kaya alam din to nina tita anastacia at mama?
"Pakibilis manong."
sabi ko kay manong driver. I need to go home, I need to ask my mother about this...
---
Nadatnan ko sila mama at tita anastacia na nasa sala pagdating ko ng bahay. Kinalma ko muna ang sarili ko bago magsalita kailangan kong marinig lahat ng dahilan nila kung bakit nagawa nila to.
"Jezel, we already anticipated that this will happen."
Sabi sakin ni tita anastacia ng nakaupo na ko sa sofa at nakaharap sakanila.
"Bakit niyo po kailangang gawin to."
"Anak, this is the only way not to hurt you."
"Hurt me ma? I was already hurt!. Para minasaccre ang puso ko ng sinabi niya lahat yun, and yet mas lalo niyo pa akong sinaktan kasi alam niyo din ang lahat ng tungkol dito!."
Pinilit kong hindi umiyak pero hindi ko talaga kayang kimkimin lahat ng sakit na nararamdaman ko.
"Anak..."
"I should be the one to explain this." Tumingin sakin si tita anastacia as a sign that i should listen.
"A few years ago, napulot ko si Kyle sa likod ng Restaurant namin sa america. Nalaman kong Filipino ang mga magulang niya pero namatay sila sa isang aksidente. Nakita ko si kyle na nanginginig na sa lamig dagdag pa na ilang araw din siyang hindi kumakain. Dahil wala siyang kamag-anak dun sa america, I adopted him. Naging napakabait na bata ni kyle unlike menjie.He became a rebel, dahil siguro sa galit niya kay kyle. Nasanay kasi siyang nasa kanya ang lahat ng atensyon naming mag-asawa"
"Pero nasaan na po si menjie ngayon? Yun po ang gusto kong malaman"
"Nakabuntis si Menjie, iha. Unwanted pregnancy of her girlfriend destroyed all my dreams for the both of you. But don't worry he was happy to be with her."
Sobra akong nagulat, sa dami ng mga revelation sa araw na to, mukhang sasabog na ang puso ko.This time ang mama ko naman ang nagsalita.
"Your tita anastacia always call me to be updated on you. That's why she knew that your still hoping for menjie to come back."
"And ayaw naming maging frustrated ka sa kahihintay sa anak ko iha. That's why we came here with kyle to be menjie. Kabayaran to ng pag-ampon namin kay kyle, jezel."
"Kaya ba sinabi niya na wala siyang choice?"
"Yes, cause we force him to do this. And Unexpectedly he fell in love with you jezel."
"This is all our fault jezel, so there's no reason for blaming kyle. We are so sorry iha."
Tumabi sakin si tita anastacia then hug me. Kumalas ako sa pagkakayakap niya sabay alis...
"Iha, can we still settle everything between you and kyle?"
"I'll think about it. Just give me more time and space to decide."
Umakyat na ko at pumasok sa kwarto ko. Ibinaon ko agad ang sarili ko sa kama at umiyak ng umiyak buong gabi. Hindi ko alam kong sino ba talaga mahal ko si menjie ba o si kyle. Litong-lito na ko bakit pa kailangang mangyari to!!!
---
"Jezel, hindi ka nanaman nagcoconcentrate sa lesson natin kanina."
"Siya lang ang nasa isip ko, Jhen."
Nasa canteen kami ngayon ni jhen para kumain ng lunch. Kaso parang wala akong ganang kumain, 2 weeks ko nang hindi nakikita si menjie ay este si kyle ah basta kung sino man siya! I admit I miss him already ewan ko ba kung bakit ganito ako.
"Sa puso hindi?"
"Hindi ko alam kung sino ba talaga ang mahal ko si menjie ba na may asawa't anak na pero minahal ko o si kyle na minahal ako"
"Makinig ka sa sasabihin ko jezel, si menjie man siya o si kyle hindi na mahalaga ngayon ang pangalan niya.
What matters most is what you feel towards him."
Pinakiramdaman ko ang puso ko, ang lakas ng tibok nito ng sabihin ni jhen yun.
"Thank you jhen, Now I know I really love kyle not menjie anymore."

BINABASA MO ANG
The Unexpected Surprise
Short StoryDo you ever experience waiting for someone?. nakakainip diba?. A story of a girl who's waiting for his childhood love, and then when they finally met. Different surprises was given to her from the boy, until one unique surprise happened and that sur...