Chapter Two: The Secret Admirer

21 1 0
                                    

THE ADMIRER

"Psychology is the scientific study of the human mnd and the reasons for people's behaviour.... blah blah blah"

Naglelesson na ang professor namin dahil 2nd day of classes na, nung first day kasi puro introduce yourself to the class ang drama tsaka nga pala, psychology po ang course ko(^.^).At kahit anong dakdak nitong prof ko wala talagang pumapasok sa isip ko kundi ang sinabi ni tita anastacia...

"magkikita din kayo pagdating ng tamang panahon"

"magkikita din kayo pagdating ng tamang panahon"

"magkikita din kayo pagdating ng tamang panahon"

Tinatago niya ba sakin si menjie? bakit ayaw niyang sabihin sakin kung nasan siya? Masyadong matagal na kong naghintay sakanya tapos ngayong akala ko malapit na kaming magkita, mapupurnada pa pala.

--

"Mama, sabihin mo na kasi kung may alam ka kung nasan ang bahay nila tita anastacia"

Patuloy kong kinukulit ang mama ko pagkatapos ng dinner namin, nasisense ko kasi na may alam din siya sa mga plano ni tita anastacia.

"Anak, wala talaga akong alam kung nasaan ang bahay ni tita anastacia mo. Dun lang talaga kami sa school niyo nakakapag-usap kahit siya ayaw niyang ilabas si menjie sakin."

Inayos  na ni mama ang mga pinggan na hinugasan niya. pagkatapos pumunta na siyang banyo para magbihis ng pantulog. Pero kahit nasa banyo kinukulit ko parin siya.

"Mama!!! gustung-gusto ko ng makita si menjie!!!" sigaw ko sakanya sabay hampas sa pinto ng banyo namin.Pinagbuksan niya naman ako ng pinto kaso half-open lang kasi baka nag-alis na siya ng damit.

"Anak, kung nakapaghintay ka nga ng ilang taon. Isipin mo nalang na maghihintay ka nalang ngayon ng buwan para makita siya."

Sinarado na ni mama ang pinto para makapagpalit na siya. Umakyat nadin ako sa kwarto ko para matulog.Tama ang mama ko, ilang buwan nalang siguro makikita ko na din siya, patience is all i need, cause excitement might kill me.

---

Sa mga sumunod na buwan pinagtuunan ko nalang ng husto ang pag-aaral ko. Sumali sa iba't-ibang clubs para magkaroon ng maraming kaibigan at hindi naman ako nabigo marami na kong kaibigan sa school. Sa isang bagay padin naman akon bigo ang paghihintay ko sakanya...

"Miss, may nagpapabigay po sa inyo"

Isang bouquet ang dala ng batang lalaking nasa harap ko. Imposible namang galing to sa batang to, san naman siya makakakuha ng perang pambili nito?.Kinurot ko muna ang pisngi nung bata bago ko kunin sakanya yung bulaklak, it was a bouquet of pink and violet roses, my favorite colors.  

"Pwede ko bang malaman kung kanino galing to?"

"Hindi po pwede, secret daw po eh."

Pasecret-secret pa tong batang to. Kala ko po naman mauuto ko tong batang to. Kumuha ako ng candy sa counter ng canteen namin tsaka binayaran ito para ibigay sa batang lalaki. Anak siguro siya ng isa sa mga professor namin kaya andito siya sa school.

"Bakit naman?" tanong ko sakanya sabay bigay ng binili kong candy.Agad ng binuksan yung candy at kinain.

"Hindi niya po kasi ako bibigyan ng chocolate pag sinabi ko kung sino siya basta pinapasabi niya po sa inyo na  admirer niyo siya." 

"Binigyan din naman kita ng candy ah?"

"bhasta pwo, bwawal shabihin!. whag po kashing makwulet." Sabi niya habang patuloy pading nginunguya yung chewable candy na binigay ko sakanya. Ako pa tuloy ang makulet?.

---

"uuwi ka na ba, jezel?"

tanong sakin ng classmate kong si jhen.

"oo, eh. I need to finish my project. Alam mo naman si mam ayaw ng late nagpapasa."

"Buti nalang pinaalala mo sakin, sige uwi nadin ako para matapos ko na din yung project ko."

Nagbbye na ko kay jhen, tsaka naglakad na papunta sa pila ng jeep. Sumakay ako sa front seat ng jeep, mahilig kasi akong sumakay sa harap kasi gusto ko kitang-kita ko yung buong view ng mga dinadaanan namin. May nakasakay ng lalaki sa tabi ko bago pa man ako sumakay, nakasumbrero siya kaya hindi ko makilala pero uniform din ng school ko ang suot-suot niya. Hindi ko na siya pinansin ng umandar na ang jeep.

mayamaya pumara na din siya, syempre bababa muna ako para makababa din siya. Nagbayad muna siya bago siya bumaba, tapos may binulong siya kay manong driver. Nang sumakay na agad ako, nakangiti lang si manong driver sakin. Shocks! baka maniac tong si manong! :/ 

"Manong bayad ko po." iniabot ko na kay manong yung bayad ko kasi malapit na kong bumaba, pero hindi niya tinanggap yung bayad ko kasi daw...

"Ibinayad ka na ng lalaking katabi mo kanina, ineng."

O-^ Yes!!! 

wait!

O.0what??

"Bakit niya ko ibinayad manong? Hindi ko naman kilala yun eh!."

"Secret Admirer mo daw siya. 

oh, dito ka na bababa diba?"

The Unexpected SurpriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon