3- One week

3.2K 100 5
                                    

MAXINE's PoV

"HINDI ka na tutuloy sa newyork?" Gulat na tanong ni timothy, sa akin habang kausap ko ito sa telepono.

"Oo tim."

"Kung ganon paano si keith, siguradong kukunin niya sayo si lawrwnce, kapag hindi ka umalis ng pilipinas."

"Alam ko tim, pero nakapagpasya na ako na ipakilala na si lawrence, sa kanya. Hindi naman kami matatahimik dahil hindi siya titigil hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya. Isapa kapag lumabas ang resulta na DNA test na ginawa niya siguradong positive yon at pwede niya yon gamitin sa akin.
Pagod na ako sa buhay na mayron kami ni lawrence, pagod na ako magtago sa ama niya."

"Are you sure max, pwede ka naman umapela sa korte kung sakaling gamitin ni keith, ang resulta DNA test na magpapatunay na may karapatan siya sa anak mo dahil apat na taong gulang pa lang si lawrence, kaya ikaw pa rin ang papanigan ng korte. Hanggat hindi lumalagpas ang edad ni lawrence, ng pitong taon gulang ikaw pa rin ang may karapatan na mag-alaga sa kanya."

"Alam ko naman tim, pero nakapagpasya na ako na bukas makikipagkita ako sa kanya para mapag-uusapan namin ang tungkol kay lawrence."

"Okey max, desisyon mo yan kaya hindi na kita pipigilan pero kung sakaling magbago ang isip mo sabihin mo lang sa akin."

"Oo tim, salamat."

"Your always welcome max, basta para sa inyo ni lawrence handa ako tumulong."


"Kaya nga mahal kita e! Kasi lagi handa para tulungan kami ni lawrence."


"Mahal ko din kayong dalawa max, kaya lahat kaya kong gawin para sa inyo."


"Ang sweet naman nang kaibigan ko."

Tumawa lang ito sa kabilang linya. "E ang ama ng anak mo max, sweet din ba?" Tanong nito.

"Si keith, noon oo sweet siya sa akin. Sobrang siyang sweet kaya nga minahal ko siya noon."

"Minahal mo siya noon max, pero ngayon mahal mo pa rin kaya siya."

"Huh!"


"Sabi ko mahal mo rin ba ang ama ng anak mo?" Ulit nito.


Hindi ko inaasahan na itatanong iyon sa akin ni timothy, kaya hindi ko alam kong sasagutin ko ba o hindi. Pero iisa lang alam ko at sigurado ko may nararamdaman pa ako kay keith, hindi naman yon nawala lalo pa at araw-araw ko ito naaalala sa katauhan ng anak namin.


"Ano max, sabihin mo sa akin ang totoo may damdamin ka ba kay keith?"


"Tim, tawagan ka na lang kapag nandito ka na sa pilipinas huh!." sa halip ay sabi ko dito. "Na-miss kana kasi ni lawrence, kaya kailangan bumawi ka sa kanya."


"Iniiba mo ang usapan max, masyado kang halata na mahal mo pa rin ang lalaking yon."


"Bye! Tim, take care." sabi ko at pinindot na ang end call button.

Love Me, AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon