7-Kasunduan

2.5K 81 7
                                    

______

MAXINE's PoV

"Mahahanap natin si lawrence, pangako yan. Walang mangyayari sa kanya. Ibabalik ko siya sayo at mabubuo na tayo bilang isang pamilya."


Magkakasama kaming tatlo? Yon ba talaga ang gusto ni keith, ang mabuo kami at magkakasama? Dapat ba akong maniwala sa sinabi niya? Paano kung nagsisinungaling lang ito at kapag nahanap nito ang anak namin hindi na niya ito ibalik sa akin at tuluyan na niya ang magantihan. Hindi ako pwedeng magpadala sa  mga sinasabi ni keith, lalo na at alam ko na ang totoong motibo niya sa pakikipaglapit sa anak namin.


"Ma'am, tubig po." pukaw ni sue, sa akin.


Tiningnan ko ang tubig na hawak nito bago ako tumingin sa mukha nito.


"Pinapabigay ni sir, at pinapasabi din niya na wag na daw kayong mag-alala dahil nahanap na po niya ang anak mo."


"Nahanap nila ang anak ko?" Masayang sabi ko.


"Opo ma'am, baka mamaya lang ay nandito na sila. Nandiyan lang sila ice cream parlor na nasa labas lang ng hotel. Doon po nila nahanap ang anak niyo na iyak ng iyak habang tinatawag kayo." sagot nito.


Kawawa naman ang anak ko. Bakit hindi pumasok sa isip ko na magpunta sa ice cream parlor. Yon ang gusto nitong puntahan kanina dumating kami sa hotel.


"Sue, pwede ba akong magtanong sa'yo?"


"Opo ma'am, ano po ang itatanong niyo?"


"Kilala mo ba si keith? Napansin ko kanina na parang kilalang-kilala mo siya at mukhang ganon din siya sayo. Drew, kanina ang tinawag mo sa kanya diba?."


Napangiti ito. "Pinsan ko po si keith, at drew talaga ang tawag ko sa kanya. Maliban sa pagiging magpinsan namin boss ko din siya. Siya ang may-ari nitong hotel at dito kami nagtatrabaho ng fiancee, ko si jerome. Yong manager ng hotel, nakilala mo na siya kanina." sagot nito at umupo sa tabi ko.


"Pinsan mo siya? at siya ang may-ari ng hotel na ito." Gulat kong sabi.


So totoo yon nasa panaginip ko si keith, talaga ang may-ari ng hotel. Ibig sabihin alam na niyang nandito kami kaya nandito dinsiya ngayon. Bakit ganon parang ang tadhana na ang gumagawa ng paraan para mahanap kami ni keith, kasi sa dami ng hotel sa newyork dito pa hotel na pagmamay-ari nito kami nakapag-check in ng anak ko.



"Oo! dito na ako halos lumaki sa newyork kaya wala masyadong may alam na pinsan ako ng isang keith andrew muños, nang magtayo dito ng negosyo si kuya drew, at ito nga della vista hotel. Natuwa talaga ako kasi magkakalapit na kami. Hindi kasi kami ganon ka close nun dahil sa pilipinas siya lumaki." mahabang paliwanag ni sue.



"K-kaya pala hindi kita kilala sue, kasi lumaki ka dito sa newyork."


"Oo, si drew, na nga lang ang natitirang pamilya ko. Pumanaw na kasi ang mga magulang ko last year." Nakangiti nitong sabi.


"I'm sorry!"


"Okey lang! Anyway napansin ko na parang magkakilala kayo ni drew, at parang may something sa inyo pwedeng malaman kung ano yon?" May pagka-tsismosa nitong tanong.


Love Me, AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon