16-Road to happiness part I

1.3K 38 6
                                    

----
Arman's PoV (Maxine's father)

PINAKA masayang araw nang isang ama ay ang makitang nag-lalakad sa gitna ng altar ang kanilang anak na babae na siyang hindi mangyayari kay arman, dahil wala siyang balak na dumalo sa kasal ng unica iha, niya. Hindi pa rin niya matatanggap na isang lalaking montegrande, ang pinili nito pakasalan.



Habang buhay na nakaukit sa puso niya ang galit niya kay theodoro, at kailanman hindi niya matatanggap manugang ang anak nito.



"Itapon mo ang imbitasyon yan dahil hindi tayo dadalo sa kasal nila bukas." Puno ng galit na sabi ni arman, sa asawa.



Ikakasal na ang kanyang anak kay keith montegrande, ang bastardong anak ng lalaking labis niyang kinamu-muhian.



Tuluyan na nitong nakuha ang kaisa- isa niyang anak. Tulad ng ginawa ni theodoro, kinuha nito sa kanya ang pinakamamahal niyang kapatid.



"Kong pinipili ng magaling mong anak ang lalaking yon kaysa sa atin na mga magulang niya pwes mula ngayon ay itinatakwil ko na din siya bilang anak ko. Puputulin ko na rin ang anoman kaugnayan mayron kami dalawa at kakalimutan ko na anak ko siya tutal sa ginawa naman niyang pagpili sa lalaking yon kinalimutan na din niya na mga magulang niya tayo."




Nilapitan ako ng asawa ko at umupo sa tabi ko.



Hinawakan nito ang naka-kuyom kong mga kamay. Alam niya kung gaano ako kagalit kay theodoro.



"Mahal ko, kalimutan mo muna ang galit mo at matuto kang magpatawad para sa anak mo. Tandaan mo malaki ang kasalanan natin sa anak natin at kay keith, kahit ang pagdalo man lang natin sa kasal nila makabawi na tayo sa kanila lalo na sa anak mo." sabi nito.




"Kalimutan?" Mahina akong tumawa dahil imposible na makalimutan ko ang lahat. "Nasasabi mo yan mahal ko, dahil hindi ikaw ang namatayan ng kapatid dahil sa ama ng lalaking pinili ng anak mong pakasalan."



"Alam ko masakit na mawalan nang kapatid pero hanggang kailan mo sisisihin si theodoro, hanggang sa kamatayan ba sisihin mo siya at para habang buhay din ang anak mo ang magdurusa. Ganyan ka ba arman, makasarili? Mas mahalaga ba sayo ang sarili mo ego kaysa sa kaligayahan ng anak mo."




"Hindi mo ako naiintindihan. Masakit sa akin na ikasal ang anak ko sa anak ni theodoro, dahil nawala na sa akin ang kaisa-isa kong kapatid na babae ng dahil kay theodoro, tapos ngayon mawawala na naman sa akin ang kaisa-isa kong anak na babae dahil naman sa anak niya. Mauulit na naman ang ginawa niya noon at ang anak niya ang gagawa nun. Paano kong gaya ni theodoro, saktan din nang keith, na yon ang anak ko at mangyari sa kanya ang nangyari sa kapatid ko. She end her life because of the man she love don't love her back instead he hurt her."




"Arman, magkaiba ang kapatid mo at ang anak mo." Sabi ng asawa ko. "Si keith, mahal niya ang anak mo at hindi niya ito sasaktan. They deserve to be happy. Matuto ka lang magpa- tawad at tanggapin si keith, bilang manugang mo at maging masaya tayo para sa kanila."




"Siguro nga magkaiba ang kapatid ko at anak ko pero tandaan mo na iisang dugo ang dumadaloy kay theodoro at sa anak niya. At kung anong puno siya rin ang bunga." Matigas pa rin wika ni arman, sa asawa.



"Basta kahit ano pang sabihin mo dadalo tayo bukas sa kasal nila sa ayaw at sa gusto mo." Matigas na sabi ng kanyang asawa. "At kong hindi ka dadalo bukas sa kasal ng anak mo at patuloy kang magmamatigas arman, kalimutan mo na rin na may asawa ka dahil hindi ko gagawin na kamuhian din ang lalaking nagpapa-ligaya sa anak ko. Hindi ako gagaya sayo." Sabi ng asawa ko at tuluyan akong iniwan.




Love Me, AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon