Eliana's
Pasimple ko naman nililingon ang gawi ni Stella upang tingnan ang kanyang reaksyon habang sabay namin tinatahak ang daan patungo sa klinika ni Aeson. Maaga pa lang ay ginising ko na siya dahil alas-otso ang napag-usapang sesyon niya kasama sina Aeson at Saena pagka't may klase ako ng alas-nuebe at sila Aeson nama'y alas dyis. Pinauna ko na rin si Leandra sa botika upang maaga na rin mabuksan ang Phoenix.
"Kinakabahan ka ba?" wala sa sariling naitanong ko dahil hindi man lang kababakasan ng nerbyos si Stella bagay na nakapapanibago kahit papaano.
"Bakit naman po ako kakabahan e ang guwapo-guwapo po ng manggagamot na susuri sa akin," masigla niyang pahayag at kumanta-kanta pa siya habang tila ba sabik na sabik na makarating na kami sa aming paroroonan.
Hindi naman na ako sumagot dahil ayaw ko naman sirain ang mood niya at sabihing huwag na niyang tangkaing landiin si Aeson dahil labag iyon sa prinsipyo niya bilang doktor at mas lalong labag iyon sa kalooban ni Aeson bilang hindi naman siya mahilig sa babae.
Ilang sandali lamang ay narating na namin ang klinika ni Aeson sa ospital ng akademya. Isang beses lamang ako kumatok bago ko binuksan ang pinto. Kaagad bumungad sa akin ang maayos at malinis pa rin na silid ni Aeson at ang tanging pagbabago lamang dito ay ang tila ba bagong lagay na divider upang magsilbing maliit na silid. Sakto naman lumabas mula sa loob nito si Aeson dala ang ilang papeles.
Sandali pa siyang nagulat sa presensya namin at balak na sana niyang magtaray sa akin pero nakita niya kaagad si Stella na titig na titig sa kanya. Kaagad din siyang pumormal ng tindig at marahang naglakad palapit sa amin.
"Magandang umaga, Binibining Stella. Tamang-tama lang ang dating mo. Maupo ka muna dito." pormal niyang tanong habang inaayos ang kanyang salamin.
"Ay! Salamat, Dok! Guwapo mo talaga!" ngiting-ngiti na saad ni Stella na bahagya pang ikinagulat ni Aeson.
Buong akala ko ay mamalditahan niya si Stella dahil ganoon naman siya palagi sa akin. Pero nagulat ako nang tipid at pormal niya lang na nginitian si Aera at iginiya niya pa ito sa upuan na nasa tabi. Pero pagdating sa akin ang sungit? Ganyan-ganyan din siya noong una niya akong nakilala! Pangiti-ngiti pa tapos akala mo mahiyain pero mapagbalat-kayo lang talaga si Aeson.
"Hihintayin lang natin sandali si Prinsesa Saena dahil kami ang makakasama mo sa unang sesyon mo para sa araw na ito. Kumusta ka, Binibining Stella?" kalmadong pahayag ni Aeson na mapaghahalataang sinusubukan niyang bumuo ng rapport sa pagitan nilang dalawa bagay na ikinatuwa ko kahit papaano dahil talagang ginagawa ni Aeson ang lahat upang maging matagumpay ang programang ito.
"Ayos naman, Dok! Masaya po ako ngayong araw dahil pinag-day off ako ni Prinsesa Eliana," nakangising saad ni Stella habang inililibot niya pa ang mga mata sa paligid.
Nanatili naman akong nasa gilid at nakaobserba sa kanila dahil kinakailangan ko na rin umalis kapag dumating na si Saena.
"Mabuti naman kung ganoon," kalmado pa rin na pahayag ni Aeson habang may kinukuha itong mga papel. "Maaari mo bang sagutan ang mga nakalagay dito, Binibining Stella? Huwag ka mag-alala dahil mga personal na impormasyon lang naman ang kinakailangan mong ilagay dito. Tanging ang mga may bilog na marka lang ang kinakailangan mong punan ng impormasyon."
Inaabot ni Aeson ang papel na magsisilbing Patient's Record ni Stella kasabay ang panulat. Kaagad naman itong binasa ni Stella at walang sabi-sabing nagsulat na sa lamesa sa gilid. Kinuha rin pagkakataon ni Aeson ang pagiging abala ni Stella upang ayusin na ang silid na kanilang paglalagyan mamaya. Kinuha na rin niya ang ilan pang mga papel at dokumentong mahalaga bago lumapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as the Seventh Princess Book 3
FantasyReincarnated as the Seventh Princess (Book 3/3) Trilogy Read RATSP Book 1 and RATSP Book 2 ❗️ Language: Filipino | English Genre: Reincarnation | Fantasy | Action | Romance Happy Ending is such a bizarre and cliché word for Yvonne as she never got...