Love at Second Sight

55 2 0
                                    

CHAPTER 2.

Daniel's POV

Eto na, ang araw na pinakahihintay ko. Ang makita siya. Sino? Siya lang naman si Jill Kriza. Ang babaeng crush na crush ko noon hangaang ngayon. Pero alam ko sa sarili ko na hindi niya ako type. Oo, nakapanghinayang. Sa gwapo kong ito? HAHA! Joke lang. Pero seryoso. Mahal ko talaga sya. Di ko lang talaga maamin sa kanya. Na- Love at Second Sight ako sa kanya. Tuwing paparating sila dalawa ni Kath sa School, siya lang talaga ang focus ko. Para bang nawawala ang lahat kung siya ang tinititigan ko. I don't know. Pinana talaga ako ni Kupido! Para lang akong nakainom ng Red Horse. Lakas ng tama ko sa kanya! Hiling ko lang talaga na mapansin niya rin ako. Ako na lihim na may pagtingin sa kanya. Kumbaga "A Secret Love at Second Sight". 

Eto na kami, introducing part na naman kasi may bagong mga kaklase. Haha! Pero my focuse was not in class. Sa isang babae. Yes, its Jill. My focuse was at Jill. Ang ganda ganda niya pag nasa malapitan. Parang anghel. Ang mga mata niya. Kumikislap. At mga ngiting iyan, nakakatouch sa Puso.  Sinubukan ko siyang kausapin at natuwa ako dahil kinausap niya ako. Pero nagulat ako dahil bigla siyang pumunta ng CR. Inintindi ko nalang siya. Agad naman lumapit sa akin si Kath with a smile of hers. Oo, maganda din si Kath. Actually siya ang pinaka-sikat sa School. Pero ewan ko ba. Hindi ko talaga siya magawang magustuhan. And yes, I love her. I love her sense of humor. Lahat about her mahal ko! Pero bilang kaibigan. 

Minsan, may nakwento ang mga kaibigan ko tungkol sa kanya.

---------------------------------------FLASHBACK---------------------------------------------------

We were in Grade 6. Kath and I are classmates. Hindi pa namin kaklase si Jill nun kasi nanduon pa sila sa States. Closefriend ko si Kath sa lahat na kaklase kung babae. Nagkukulitan kami. Palagi kaming tumatawa kasama nila Seth, Kats, Lester at ni JC. She was just, AMAZING. Hindi na nga ako nagtaka kung bakit may gusto si Kats kay Kath. She's a girl nga sure akong swerte ang lalaki kapag naging kanya. I'm very sure of that. Really sure. Hanggang isang araw, nakipag-usap si Kats sa akin about Kath. Closefriends din kasi sila ni Kath. And he ask me. 

"Daniel, may gusto ka ba kay Kath?" Kats.

"Ba't mo naman nasabi yan? Wala akong crush kay Kath. Ba't mo natanong?" Ako.

"Uhmm, kasi alam naman natin dalawa na may gusto ako sa kanya diba? At tsaka closefriend niya ako?" Kats.

"Oo naman. Bakit? What about her, pare?" Ako.

"Kasi kanina, nag-usap kami, and as her friend nagshare kami ng secrets. Nasabi niyang may gusto siya sa'yo, pare. Masakit sa akin malaman yun. Lalo na nung tinanong niya akong sino ang crush ko. Alangan namang sabihin kong crush ko siya. Mahirap na baka lumayo siya sakin dba? Kaya naninigurado ako pare. Naninigurado akong mapasa- akin siya. At pareho naman nating alam na type mo yung bestfriend niya. Si Jill ba yun? Kaya tinanong kita ulit kung may gusto ka kay Kath." Kats.

"Wow pare! Lalim ng speech mo. Joke pero seryoso akong wala akong gusto kay Kath. She's all yours. Don't forget that I'm here to help you both. Kasi bregs kita. Tropa tayo!" Ako.

"Nakakaiyak naman yan, tol. Haha! Salamat pare sa oras mo. Sige, makakaasa ka, aalagaan ko siya at magiging Ninong ka sa magiging anak namin, Hahaha!" Kats.

"Loko ka talaga Kats ah?! Oh sige. Uuwi na ako. Nakakapagod ang praktis natin kanina eh." Ako.

"Sige Daniel. Dadamoves muna ako kay Kath. Sasamahan ko siyang umuwi. Ingat!" Kats.

Tandang-tanda ko pa ang sinabi sa aking ni Kats. Hanggang ngayon, halatang may pagtingin pa si Kath sa akin. Pero alam ko namang hindi ko matutumbasan yon. Kasi friends lang ang pagtingin ko sa kanya. O di kaya'y younger sister. 

Kathryn's POV

Nag-start na nga ang first day of class. Dumating na ang mismong bagong guro namin kasabay si Jill. Na naman, magkatabi na naman sila ni Daniel. Nagseselos na naman ako. Hindi ko maiwasan. Alam kong hindi gusto ni Jill si Daniel pero may something between them eh. Kung malaman ko lang na may something talaga sila, paghihiwalayin ko talaga sila. Kahit ano gagawin ko para mapaghiwalay sila. Pinapangako ko! Sinusumpa ko! Kahit pa kaibigan ko si Jill. Sabit nga nila, "Lintik lang ang walang ganti."

Jill's POV

Kakaupo ko lang sa upuan ko. Napansin kong ang sama ng titig ni Kath sa akin. Hindi ko lang yun pinansin kasi baka naduling lang siya o ano. Mga ilang minuto, nagsalita si Daniel at tinanong ako.

"Uhmm, Jill?" Daniel.

"Ahh b-bakit D-daniel?" Sabi ko habang halata na namumula.

"Jill, may boyfriend ka na ba? Ah okay lang if hindi mo masagot, maiintindahan ko din naman, eh." Sabi niya kasama ang SMILE na sobrang romantic.

"Wwala.... Wala.. Oo Wala." Ako na nauutal.

Sasagot na sana si Daniel nang sumingit si Kath.

"Ahmm Ma'am and Daniel, please excuse us," sabay hila sa akin ni Kath.

"Teteka teka, saan tayo pupunta Kath?" Ako.

"Dito lang, Jill didiretsuhin na kita. May gusto ka ba kay Daniel?" sabi niya na may halong galit ang tono ng pananalita.

" Wala Kath. Walang-wala." sabi ko sa kanya na walang halong biro.

"Ah.. Kung ganon, pwede ba akong makipagpalit ng upuan sa'yo? If okay lang sayo bespren. Sabi niya sabay ngiti. Ang ngiting pansin kong napipilitan lang.

"Okay na okay lang sakin, Kath. Actually ayokong katabi si Daniel kasi hindi ako makapag-concentrate." Sabi ko ng maluwag sa aking puso.

" Thanks Jill. Thank you na thank you na thank you!!" sabi niya na halatang tuwang-tuwa at excited. 

A Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon