Can This Be Love?

48 3 2
                                    

CHAPTER 5.

Can This Be Love?

Daniel's POV

Nandito na nga kami sa classroom. Kanyang-kanya pag-upo. Si Katsumi tumabi kay Altea. Feeling ko eh may gusto tong si Kats kay Altea. Nung tinanong ko naman, wala naman daw. Si Kath pa rin daw ang laman nito. Pero bagay talaga sila. Nakakatuwa sila panoorin lalo kapag nag-aaway yung dalawa. Parang aso at pusa kumbaga. Pero as usual, si Kats ang lumalapit at nagsosorry kasi siya naman talaga yung mali. Hahaha! Natawa nalang ako. Sa sobrang halata ng smile ko tinago ko nalang at nakinig na kay Ma'am at nagulat ako sa sinabi ni Ma'am.

"Class, just like I've said earlier, I will assign you now your partners. Ako ang pipili para walang away or para fair kayong lahat." sabi niya sa tonong nakakanerbyos.

"Sana si Jill yung mapili ni Ma'am para sakin", sabi ko na natutuwa tsaka kinakabahan."

"Katsumi, your partner will be....that girl." sabi ni Ma'am sabay turo sa babae.

"What's you name again, Miss?" tanong ni Ma'am sa girl.

"Uhmm... I'm Nica.. Nica Mae Dagohoy po, Ma'am." sabi ni Nica habang naka-smile.

Katsumi's POV

Eto na, napili na ang magiging partner ko. At siya si Nica Mae.Nagpakilala kami at inabot ko ang kamay ko sa kanya niya. Nag-smile siya with her sweetest smile. Sa sobrang ganda ng smile na yun, maiinlab na yata ako. HAHAHA! Nagsmile din ako. I smiled my sweetest smile also. At kinuha ko ang kamay ni Nica at hinalikan ko. Syempre ito ang dapat gawin ng isang gentleman.Pagtingin ko naman sa harap ng mga kaklase namin, lahat sila kinikilig lalo na itong si Altea. Ewan ko ba, kinikilig din pati ako e. Hindi ko maiwasang mag-blush.Ganoon din si Nica na parang natutunaw na din. Ang cute niya pagnag-bablush siya. Cute talaga. Nakaka-inlove pero sorry nalang ako. May boypren nato e. Si Earl yata. Yung gwapong guy sa La Salle. At balita ko, faithful din yang si Earl sa mga kasintahan niya. Dapat lang noh. Kasi kung malaman kong sasaktan niya si Nica, I'll swear sasampalin ko siya tulad ng nasa eksena nina Margaux at Celine sa Ina Kapatid Anak. Hahaha!! Di joke lang. Maganda din naman si Nica eh. Kaso lang hindi talaga mawala sa isipan ko si Ms. First Love ko. Kahit pa man maghintay ako ng forever, maghihintay ako. Pero kung mabalitaan kong kasal na siya or the worst, syempre makikipagpilitan pa ba ako? Syempre dapat tatangapin ko diba?Atleast may nagmahal sa kanya na kagaya ng pagmamahal na sana ay nabigay ko sa kanya. Ma-change ko muna yung topic. Eto na. So matapos namin ginawa yung lahat, bumalik na ako sa upuan ko at pati din siya. At pinagpatuloy ni Ma'am ang pag-aannounce. Ang nakapartner ni Daniel ay si Kath na alam kung hindi gusto pero tinanggap ni Daniel. Ang partner ni Jill si Arjun. Si Altea partner ni Chris. Eto, lahat kami may partners na! Kumbaga dates! Hahaha! Biro lang. I swear magiging masaya talaga to! I can't wait. Ahahaha! (Ginaya ko yung tawa ni Kris Aquino). LOL.

RECESS na. Ang paboritong subject ni Kats.De joke lang!! Nandito na nga kami. Pumunta kami sa lugar kung nasaan ang stand ng Jollibee. Nilibre ko si Kath at si Jill. Alam niyo naman talagang si Jill talaga ang gusto kong makapartner. Oo, inaamin kung hindi ako panatag sa desisyon ni Ma'am. Lalo na kasi wala akong tiwala kay Arjun maka-partner ni Jill. Gwapo naman siya. Gentleman siya gumalaw. Pero basta. May something kay Arjun na ayoko ko. At palagay ko, hindi kami magkakasundo neto.

"Daniel ang lalim yata ng iniisip mo dyan ah?" tanong ni Kath na nag-alala.

"Daniel, are you okay? Ako na kaya magbayad nitong order ko?" sabi ni Jill na halatang nahihiya.

"Ahh, Huhuwag naa. Ahm.. Ako na magbabayad niyan, Jill. A promise is a promise." sabi ko habang nakasmile. Hindi ko bastang-bastang smile ah? Its my killer smile. Ang smile na makapagpapa-inlove sa mga girls.

A Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon