5

6 0 0
                                    


''Salamat naman at walang pasok.'' Sabi ko kay sofia habang nakahiga ako sa sofa at siya naman ay pinaglalaruan ang aso niyang si fian.


Nandito kami sa bahay niya at makikita nga namang walang tao at nag iisa siya. Kaya nga ako pumunta sa bahay niya para may kasama siya. Nawalan kasi ng pasok ngayon, eh wala naman daw siyang pupuntahan kaya nagpaalam ako sa family ko na tatambay muna ako kela sofia.


''OMO!! Ang cute mo talaga Fian! ^_^'' Masayang sabi niya.


''Ulol, mas cute ako.'' Pagbibiro ko.


''Tara, Erasson. Paalam ka sa kuya mo, Punta tayo ng Birthday ni Maika.'' Pag aya ni Sofia.


Maika' Kapatid ni Miko, Ininbitahan kasi kami kanina sa fb.


Ayoko nga sosyal yun eh, bago ka pumasok kailangan maganda yung buhok mo pati yung suot mo. Tapos kailangan naka make up ka pa. Tapos yung sapatos mo dapat mas maganda pa sayo. Tapos yung pilikmata mo dapat mas talbog pa sa bola. Ayoko nakakabadtrip yun. ang gagawin ko lang naman maghapon dun eh kumain ng kumain. I'm sure, ang imbitado lang dun ay siguro mga bestfriend ni Maika at kami lang tapos puro bussines partners ng mga magulang niya ganun naman kasi talaga ang nababasa ko sa wattpad. Ganun kapag mayaman yung bida.


Ay oo nga pala noh... Nasa ibang bansa ang magulang nila ni Miko? Baka naman umuwi na.


''Ayoko nun, daming ka ek ekan.'' Pagtatanggi ko.



Papunta na kami ng party. Alam kong ayaw ko nito, pero para kay sofia. Gusto niya daw makita si Josh dahil nandun daw ang mga tropa namin ni Miko.


Naka pink dress ako na parang simple lang ang ayos ko pero okay na t'o. Eto yung Pink dress na binili sakin ni Miko. Parang first time ko na nga talagang mag suot ng ganto. Feeling ko bumabalik yung nakaraan.


Pag pasok namin ng party. Biglang bumungad sakin si Kuya JC


''Oh! Asan kuya mo? Erasson?'' Bungad ni Kuya JC


''Susunod yun, wag ka mag alala.'' Pabiro kong sabi.


''Pano mo nagawang yayain ang kuya mo sa gantong party?'' Kunot-noo na sabi ni Kuya JC.


''Eh kase, hindi ako nagpaalam sa kanya. hintayin mo lang pupunta dito yun.'' Paliwanag ko


Umalis na ako at hinanap si Maika.


''MAIKAAAA! HAPPY SWEET 16! We love you so much.'' Bati ko sa kanya at niyakap.


Binigay ko na sa kanya yung gift ko. Ano lang naman yun.. Uhm, Picture namin dalawa na naka frame.


Buti hindi siya nagmana kay Miko na laging nambwibwisit !


''Thank you ate erasson! Gaga ka! akala ko di ka pupunta.'' Tignan mo tong si maika, natuto na magmura dahil sakin. Hhahaha.


''Happy sweet 16, Baby.'' Nagulat ako dahil akala ko may boyfriend na siya. Si Miko pala yun at niyakap siya.


''Thank you kuya, Mamimiss kita. wag mo kong kalimutan pagpunta mo sa japan ah.. Kung pwede lang talaga akong sumama eh.. Kuya kase, wag ka nalang umalis.. nakakainis ka eh. dami dami namang lugar dito sa pinas diyan pa.''




Just a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon