8 (Ligaw)

2 0 0
                                    

Naka alis na si Miko, naka uwi na ako ng bahay. Sobrang pagod. Di ko pa rin makalimutan yung pinag usapan namin. Na... sabi ko kay miko na may pag asa pa pala ako kay Carlos, Pero.. Bigla siyang tumahimik nun at sinabihan akong ''Ingat ka.''


Feeling ko, kailangan ko muli matulog dahil sobra akong napagod. Pagtapos kasi naming kumain nag arcade pa kami. nilibre niya pa ako ng shoes. Dream shoes ko! Adidas! Hihi!


''Ano ba yan Sky! Bakit ang tagal tagal mo?!'' Bungad sakin ni kuya, pag pasok na pag pasok ko pa lang ng bahay.


''Sorry kuya, Mommy. Sinamahan ko pa po kasi si Miko sa bahay niya dahil walang kasama, atsaka.. sinundo ko pa po siya sa airport. Pumunta na siyang Japan.'' Paliwanag ko.


Kumunot naman ang noo ni kuya samantalang si Mommy ay parang nagulat.


''Nak, Kelan babalik si miko?'' Gulat na sabi ni mommy.


''Uhm.. Baka hindi na siguro.. or maybe.. sa tamang panahon.'' Paliwanag ko.


''Sky ha! Wala bang nangyare kanina ha?!'' Nakakagulat ang tanong ng kuya ko.


''Over acting tong si kuya! Ni hindi nga kami at lalong hindi ko siya gusto noh! Kadiri! Nga pala naman si daddy?'' Sabi ko.


''Kasama nila tito fredy, Nakatambay daw sa starbucks.'' Sabi ni kuya sabay punta sa sofa at nanuod ng T.v


''Woah, pa starbucks, starbucks pa si dad ah.'' Nakangiti kong sabi.


Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagpalit ng pambahay, binuksan ang aircon at natulog.


=


''Sky Gising! Gising na oy! Pakagat kita sa buhaya diyan eh!''


Agh, si kuya pala.


Bumangon na ako at umalis na siya. tumingin sa orasan. 7:30 Pm. ano namang meron at ginising ako?


Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko silang kumakain.


''Nak, kain na. Nagluto ako ng paborito mong chicken joy.'' Bungad ni mommy.


Umupo na ako at kumain na.


''Naka balik na ata ang mga teachers mo, sky. magbukas ka ng loptop pa minsan minsan.. nawiwili ka na sa mga gala mo ha. baka may pasok ka na pala.'' Sabi ni kuya.


''Oo nga pala noh kuya. Agh! Gusto ko na talaga lumipat ng university eh! Napaka boring sa university namin!'' Pagrereklamo ko.


''Sky, maganda naman dun eh.. ayaw mo lang sa activities. sali sali din kasi minsan. hindi yung nakatunganga ka lang dun at busy mag basa ng librong harry potter na ang tagal mo ng binabasa na hindi mo pa rin natatapos.'' Paliwanag ni kuya.


''Oy Kuya! Natapos ko na kaya, ayaw niyo lang ako bilhan ng bago.'' Sabi ko.


''Mayaman ka kaya sky. Atsaka, sanay ka na sa mga gala. ba't di ka bumibili?''


''Kuya! alam ko namang hindi niyo ko papayagan eh!''


''Pinapayagan ka kaya namin. Ayaw mo lang magpaalam.''


''Kuya, nagpaalam na naman ako kanina ah?! Ano bang problema mo kuya?!''


''Sana kapag magpapaalam ka, gising kami para may sagot agad kung pwede o bawal.''


''Yun nga kuya eh, nagpapaalam ako minsan pag tulog kayo para wala ng sagot. iisa lang naman ang sagot mo eh.''


''Osige na, Haha. Sky, Bilisan mo kumain hugasan mo na ha.'' Sabi ni kuya sabay tayo.


Tumayo na rin si mommy at dumiretso patungong T.v para manuod ng koreanovela.


~Ding dong ding dong~


''SKY MAY BISITA KA!''


''Papasukin mo! Tatapusin ko lang po t'o.''


Natapos din naman ako ma hugas ng plato.


dumiretso na ako kela kuya.


''Nick! Uy Kamusta na!?'' Bati ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon