4 (Happy)

3 0 0
                                    

Chapter 4 (Happy)


Pumapasyal kami ngayon ni Miko. Ewan ko kung bakit niya ba t'o ginagawa? Nasa Enchanted Kingdom kami o E.K, Kung ano ano na nga ang sinasakyan namin. Sobrang saya namin. Hindi ko inakalang papayagan ko siya. Pano niya na gawa yun? Eh putangina kaya, ayaw ko talagang kasama si Miko.


''Tara Sumakay tayo sa Space Shuttle.'' Pag aya ni Miko.


Space Shuttle? Eh alam ko na yun eh. Pagpasok palang namin dun ko na naririnig ang mga sigaw ng mga tao. Jusko, Papatayin ako ng lalaking ito.


''Gago, Ayoko pa mamatay.'' Pagtanggi ko.


Ikot lang kami ng ikot ngayon dito sa E.K, pagod ata kami sa mga rides. At ang pinaka nagustuhan ko dito ay yung Rio Grande.


Sila sofia kasi at si Josh, Nag date. Oops! Malapit na ata maging sila eh. Sana mag tapat na rin si Josh at wag niya na paasahin si Sofia.


''Weak ka pala eh!'' Pang aasar ni Miko.


Ayan na naman yang sinasabi niya. Sinabi niya na rin dati yan nung umiyak ako sa tabi niya ng dahil kay Carlos. Natahimik nalang ako dahil alam ko namang totoo yun.


''Anong gusto mong kainin?'' Nabasag ang katahimikan.


''Pota ka, Pagtapos mo kong pinaglamon ng isang kahon ng pizza, papakainin mo na naman ako? Ulol ka!'' May tulak pang kasama.


Oo, Napilita akong kumain ng isang kahon na large pizza. kahit kaka breakfast ko palang nun. Papatayin talaga ako ng mokong na t'o eh.


''Ako nalang ang kakain. Tara, mall naman tayo.'' Pag aya ni Miko.


Ano ba t'o? E.K Tapos mall? Wala manlang holding hands while walking. AY PUNYETANG TEKA! Hindi naman to date eh! Hindi date ang ginagagawa namin. Pasyal lang ito. Para makalimot.


--


Naboring ako kakapanood kay Miko kumain. Mamaya mainlab pa ako eh. Nag text nalang ako kay Sofia.


Sofia Kamusta na?


Okay na duper super Okay. Feeling safe. And I'm very happy. Sana ganto nalang lagi ang pakiramdam. Thank You, Erasson. Love you so much.


Kainggit ka. Sana makaranas rin ako ng tulad sa'yo. Always be happy.


Wag ka ng mainggit, Makakaranas ka naman talaga ng ganto kung kakalimutan mo lahat ng masasakit at magpapakasaya. Right? Ilang beses ko ba to kailangang sabihin sayo?


Sofia, Wag kang mapagod sabihin yan sakin. Please,


Alright. Ingat ka lagi diyan. Love you.


Love you too.

Just a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon