Prolouge

6 0 0
                                    

3 YEARS OLD palang tayo, magkakilala na tayo. Puppy love kita. Pero hindi mo alam. Siyempre ako si torpe at ikaw si manhid. edi nga-nga nalang tayo.


Alam mo ba, Nalunod ako sa kakahiyaan nung una tayong magkita. Sa mcdo, Nadulas kasi ako dahil natapon ang juice ni mommy. Pinagtawanan mo pa ako dahil nakita mo yung brief kong ben 10. Pano kase, sayo lang ako nakatingin kaya parang wala na akong pake sa ibang bagay.


Pero hindi ko inaasahang naging kaklase kita. Nung first day of school nga eh.. Halos iluwa mo na ang mga laman loob mo sa kakatawa. Siguro dahil naalala mo akong nadulas. Pero hindi ko alam, parang imbis na mainis ako sa panglalait mo dati. eh parang napapangiti mo pa ako. Ang bata bata ko pa lang ang landi landi ko na.


Tinuro ko pa si Totoy na kaklase natin, Tinuro ko siya na sakanya galing ang love letter na sinulat ko para sayo. Pero imbis na magalit si Totoy eh parang kinikilig pa. Hindi ko alam may gusto pala sayo. Kaso, nagulat nalang din ako ng bigla mong inagaw ang notebook ko para tignan kung ako ba ang nagsulat noon. Siyempre ako ang nagsulat nun kaya napansin mo sa handwriting ko. Pinagtawanan mo pa nga ako dahil ang gulo gulo ng sulat ko tapos binigyan pa kita.


Sobrang talino mo nga dati na lagi na lang ikaw ang Top 1. Nagalit pa nga sayo si Junior! Yung kaklase din natin na pinakamatalino pero mas matalino ka. Alam mo kasing ako ang nagbigay ng Red roses nung Christmas Party. Nalaman mong sakin galing yun dahil, imbis na mabango yung roses.. Amoy popcorn. Alam mo kasing yun ang paborito kong pagkain at ako lang ang kumakain ng popcorn sa school.


Sabay din tayong MAG ha highschool dahil close ang mga magulang natin at lagi kitang sinusundan. Ano na naman kayang kalokohan na gagawin ko sa school year?

Just a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon