3 (Someday)

2 0 0
                                    

*******

DRAMA CHAPTER.

*******


Chapter 3 (Someday)


Nag iisa ako sa mall. Lakad lang ng lakad. Eh pano, hinihintay ko kasi si Sofia dahil alam kong yayain siya ni Josh diba? tinext ko kasi si Josh eh, sabi ko wag niya na muna pala ihatid mag date muna sila/kumain sila dito sa mall na sinasabi ko. I-istalk ko sila. Ganun talaga. Para kay Sofia. Hhaha!


Nakatingin na naman ako sa picture namin ng ex kong si Carlos. Oo na, aaminin ko ng kahit kelan ay hindi ko pa siya nakakalimutan. Kahit kelan, hindi ako tumigil sa pag iyak tuwing gabi dahil sobra ko na siyang miss.


''Erasson...?'' Hindi maiwasang tumulo ang luha ko sa nakikita ko ngayon.


Panaginip ba ito at umiiyak ako? Nakita ko ang ex ko? Kinausap niya ako? Niyakap ko siya ngunit tinanggal niya iyon. Bakit ayaw niya? Kung ganun bakit pa siya lumapit? Ayoko na nito.


''Carlos. Bumalik ka na sakin,'' Umiiyak pa din ako.


Nasasaktan ako. Nakita ko ang isang ring na kahit kelan ay wala siyang binigay na kapares na ganyan sakin. Sana nababangungot lang ako. Sana magigising uli ako.


''I'm Sorry. Erasson, Iba na yung mahal ko...'' Unti unti na siyang umalis.


Mas lalo niya lang akong sinaktan. Sana hindi nalang siya nagsorry, kasi mas masakit yung sorry niya. Mas masakit.


Nananaginip lang ako! Hindi ito totoo! Ayoko na nito!


Hahabulin ko na sana si Carlos para yakapin pero iba yung yumakap sakin.


Si Miko.


Naiinis ako kasi lagi nalang may pumipigil pagdating kay carlos. Lagi nalang akong nasasaktan pag anjan si carlos. Di tulad dati na lagi akong safe. Tapos ang saya saya ko pa.


Ang higpit ng yakap ni Miko sakin. Naiinis ako dahil nakikita ko pa rin si carlos na unting unting umaalis. Nakarating siya sa isang bilihan ng bag at yinakap ang babae. Siya ba yung girlfriend niya?! Oo na. AKo na pangit. Ako na yung masama kung bakit nangyayare ang lahat ng ito saakin. Ayoko na nito. Ayoko na nitong nararamdaman ko. Sobrang sakit na.


Inalalayan ako ni Miko lumayo na doon. umupo kami sa isang bench dun sa labas ng mall. Dun ako umiyak ng umiyak.


''Erasson, Pangako mo sakin.. Na isang araw, Hindi ka na iiyak dahil sa kanya. Hindi ka na masasaktan.'' Bulong sakin ni Miko.


Ipapangako ko ba? Ba't ko naman ipapangako eh alam ko namang hindi ko kaya.


Naniniwala pa rin naman ako na balang araw, magiging kami uli. Masaya uli kami. Yayain niya ako magpakasal. Mawawala rin tong nararamdaman kong sakit.


''Ulol... Gago.. Amp.. Idelete nga ang pictures namin di ko kaya eh... Siya pa kaya sa utak ko... Palibhasa, Hindi ka pa nakakaranas ng ganitong pakiramdam! F*cksh*t!'' Sigaw ko.


''Erasson... Wanna talk?'' Isang lalaki ang biglang sumulpot.


Sino pa ba? Edi si Mahal. Edi si Ex. Akala ko kasi, boyfriend ko pa eh. Tanga ko. Gaga talaga ako.


''Pre, Tama na.. Lumayo ka na.'' Pag awat ni Miko.


''Promise ko, Sa mga sasabihin ko.. Walang iyak ang mararamdaman.'' Nakikita ko sa mga mata ni Carlos na totoo yung sinasabi niya. Ganun pa din siya ngumiti kung paano siya ngumingiti sakin. Ganun pa din niya tawagin ang pangngalan ko.


Hinawakan niya ang kamay ko tapos, hinayaan lang kami ni Miko. Naiwan lang dun si Miko.


Dinala ako ni Carlos sa foodcourt.


Ano ba t'o? Kakain kami? magdadate? Mag uusap? hihingi ng patawad dahil mahal na mahal niya na talaga ang bago niyang girlfriend? Gusto ko ng umalis dito.


Tumayo ako.


''Carlos.. Sorry. Hayaan mo nalang akong kalimutan ka.'' Malumanay kong sabi habang nanluluha parin ang mga mata ko.


Umalis na ako, pinuntahan ko si Miko. Humiram ako ng tissue pero panyo ang binigay niya. Pinunasan ko ang mga luha ko. Ayoko na ng nararamdaman ko. Mawawala din t'o. Tiwala lang.


''Erasson!'' Biglang dumating si Sofia kasama si Josh. Niyakap ko si Sofia. Humagulgul na naman ako. Comfort Please, Bestfriend.


''Sofia.. Usap tayo.''


****


naka upo kami ni sofia, sa sofa.


''Sofia, hindi ko kasi kinaya. exactong pagsilip ko sa mga pictures namin bigla niyang tinawag yung pangngalan ko tulad ng pagtawag niya sakin dati. Ganun na ganun pa din siya. Sofia, nag sorry siya sakin kasi mahal niya yung bago niya. Sofia, ang hirap i-explain talaga.. Sofia, hindi ko na kinaya. hinila niya ako sa foodcourt at hindi ko alam kung anong sasabihin niya kaya nagsorry ako at sinabi ko sa kanyang kakalimutan ko na siya. sofia. Nahihirapan na ako..'' Iyak pa rin ako ng iyak, Nakayakap sakin si sofia habang kinikwento ko sa kanya.


''Erasson.. Girlfriend ni Carlos ang ex Girlfriend ni Miko..''





Just a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon