[C6] My work

123 10 2
                                    

I AM SAM : CHAPTER 6

... Ilang weeks na rin ang nakalipas simula nung umalis at iniwan na ako ni tita .. Ako nalng mag-isa sa bahay . Wala na akong kamag-anak ngayon .. Ako nalang din ang nagpapalamon at nagpapaaral sa sarili ko .. Minsan, pumupunta si Hikari sa bahay at may dalang food .. Ambait nga niya eh .. Kahit super busy siya, may time pa rin siya para dumalaw at dalhan ako ng food na niluto niya mismo .. Ang swerte ko pa rin di ba ??

Naghahanap ako ngayon ng trabaho .. Bayaran na kasi ng tuition fee next week kaya kelangan ko ng pera .. Sabado ngayon ... Nagpunta ko sa friend ng tita ko para magpatulong maghanap ng work .. Kilala naman ako nun eh tsaka ibinilin ako ni tita dun ..

"oh Sam .. Kamusta ka na ?"

"ayos lang naman po ate Mila.."

 "naku pasensya ka na Sam kung di kita napupuntahan sa inyo ah .. Busy kasi ako masyado eh .. Teka .. May kelangan ka ba Sam ?? Sabihin mo lang saken .. Baka may maitulong ako"

 "ah .. Kasi po ate Mila .. Magpapatulong po sana ako sa inyo ... Gusto ko po kasing magwork eh .. 17 yrs. old pa lang po ako kaya walang tumatanggap saken .. May alam po ba kayong work na mapapasukan ko ??.." nakakahiya naman !! pero kelangan ko eh .. kinapalan ko na ang mukha ko .. Sana lang matulungan niya ko ..Umiling iling siya at tumingin saken ..

"Sam ? Are you sure na kaya mo ng magtrabaho ??"

"oo naman po tita .. Wala naman po akong inaasahan eh .. Magwoworking student na lang po ako .." Pagkasabe ko nun .. Kinuha niya yung phone niya at may tinawagan siya ..

 "Ah.. good morning po Mam Yannie .. Andito po ngayon sa bahay si Sam ... opo sya nga po ... naghahanap po kasi sya ng work eh .. pede po ? ..... Ah . Ok po .. Cge po ...salamat po mam...  Bye !!"

" ah Sam .. Ok lang ba sayo na mag-tutor ?? Yung tinawagan ko kanina .. Siya yung boss namen ng tita mo .. Si Ms. Yannie .. Mabait yun at mapagbigay .. may maibibigay daw syang work sayo ... mag-ttutor ka lanh naman ng anak nya .. Naisip ko na kaya mo naman yun .. Di ka masyadong mahihirapan .. ano ? gusto mo ba ??"

"oo naman po Ate Mila .. Gustong gusto ko po " nakasmile kong sagot .. Pagkatapos nun, binigyan ako ni ate Mila ng papel ... Sabe niya yun daw yung address nila .. Kaya nagmadali naman ako at pumunta dun .....

Sa house ng mga Lee...

I AM SAM !!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon