MSB: Chapter 3

8K 104 7
                                    

Ilang araw na akong namamalagi dito sa apartment. Ayoko pa pumasok sa school. Hindi pa kasi ako ready na makita si Adam. Kailangan ko munang iiyak lahat ng sama ng loob ko then back to Adam's arms again.

Kahit kasi anong kagagvhang gawin ng lalaking yun, hindi ko kayang magalit sakanya.

"Alam mo Kara, hindi ka isa't kalahating tanga kasi tangang tanga ka as in buo written in bold letters pa! Hindi ko ba alam kung bakit mahal na mahal mo yang lalaking yan! Jusko! Pag naka-uwi talaga ako ng Pinas malilintikan sakin ang poncho pilatong Adam na yan!" Naghi-hysterical na sigaw nanaman ng bestfriend ko. Ka-Skype ko kasi ngayon. Siya talaga ang pinaglalabasan ko ng mga sama ng loob lalo na sa relationship namin ni Adam, one call away lang kasi siya. Pwede din naman kay Santi but knowing kung gaano ka territorial si Adam, wag nalang. Tsaka iba parin kapag babae ang pinagsasabihan ng problema, instant na alam nila yung feeling.

"Alam mo kasi Annie, yung pagmamahal ko sakanya ay hindi ko nakikita kasi nararamdaman ko." Sabay turo ko pa sa puso ko.

"Fvck that love! Sinisira niyan ang future mo! What the heck, theres a lot of good opportunities waiting for you kung iiwanan mo lang yang lalaki yan!" Tingnan mo tong kaibigan kong ito. Nag-New York lang kung ano-ano na lumalabas sa bibig.

"Alam mo namang hindi ko kaya yan diba?"

"Aba ewan ko na sayo Kara! Tatlong taon na ding labas masok sa tenga mo ang sinasabi ko! Never kang nakinig sa pretty mong bestfriend. Kung bakit ba kasi hindi din ako nagsasawa sa kakapangaral sayo." Natawa nalang ako sa pagmamaganda ng kaibigan ko.

"You know what Annie, you'll never know this kind of feeling until you fell inlove with someone like Adam."

"Naku! I wouldn't dare noh! Sakit lang yan ng ulo. Baka mastress ang face ko."

"Gandang ganda ka parin talaga sa sarili mo no?" Pag-iiba ko nalang ng topic.

"Talaga lang! Kaya nga andaming nahuhumaling sakin na kano. Maglaway sila. Hahaha." Sira talaga ang kaibigan ko. Sobrang layo ng ugali namin ni Annie. Kung ano kasing tahimik ko ay ganun naman ang pagkabungangera niya. Kung ano namang hina at pagkaduwag ko ay siya namang pagiging matapang at palaban niya.

"Teka, tawagan ulit kita mamaya. May tao ata sa labas. Babye besh! I miss you!" At nagflying kiss na ako kay Annie.

"Babye din besh! Nawa'y matauhan kana sa kagagahan mo. Hindi nakakabusog yan! Love you." Aangal pa sana ako pero in-end niya na ang call. Asar talagang kaibigan.

Papunta na ako sa gate para sana icheck kung ano yung kaluskus nang madatnan ko ang isang Adam Villamor na prenteng nakasandal sa couch habang nakapikit pa ang mga mata. Heto nanaman ang bilis ng puso ko pag nakikita ko siya. Its always like the first time.

"Bakit ka nag-absent ng tatlong araw?" Malalim na tinig niya kasabay ng pagtaas baba ng adams apple niya at hindi parin nagbabago ng pusisyon. Parang may nakikita sa kisame na ewan pero nakapikit naman. He's weird but I love this weirdo. Ts.

"Ah. Eh. Kasi ano.. Uhm. Masama yung ano yung pakiramdam ko. Tama! Masama yung pakiramdam ko." Napakagat nalang ako ng daliri ko sa kasinungalingan ko. Totoo naman e masama yung pakiramdam ko lalo na yung puso ko. Nakakatampo din kasi sa tatlong araw na yun kahit isang text at tawag wala akong natanggap galing sakanya. Tapos ngayon bigla bigla nalang siyang susulpot dito sa apartment ko with matchung sermon pa!

"You missed your classes. Akala ko ba gusto mo maging summa cum laude? And Im not buying your excuse Kara. I know you're lying." At dun niya na ako tinapunan ng matalim na titig. Putspa! Nangangatog nanaman ang tuhod ko. Gusto ko sanang sabihin sakanya na 'oo nagsisinungaling ako at alam mo ba ang tunay na rason kung bakit ako nag-absent? Masama kasi ang loob ko! Nakita ko kasi kayo ng babae mo. Tangna ang sakit Adam. Paulit ulit nalang.' Pero wala akong lakas ng loob, hindi ko kayang magalit sakanya kaya heto at tameme nanaman ako.

My Sadist BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon