MSB: Chapter 4

7.4K 93 1
                                    

"Santi, baka-"

"Anong baka? Baka hindi ka makapunta? You promised to come Kara!"

"Ang oa mo! Patapusin mo kaya muna ako! Ang sabi ko, baka malate ako ng dating sa party mo."

"Ganun ba? Teka, siguro hindi kana naman pinayagan ng boyfriend mo no?" Napakamot nalang ako sa ulo. "Alam mo, kung hindi mo lang mahal yun, matagal ko ng binangasan yung mukha nun!"

"Ang yabang talaga! Baka ikaw pa nga bangasan nun. Hahaha."

"Try me, Kara!" Ibibigay ko na talaga sa kaibigan kong ito ang title na hari.. Hari ng kayabangan! Hahaha.

"Try your face! Wala ka paring palag sa babe ko uhmp." Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko at napahinto na din sa paglalakad.

"Teka teka." Tama ba naman kasing takpan yung mata at bibig ko. "Halika dito." Tapos hilain ako sa isang sulok.

"Ano ba Santi!" Buong lakas kong tinanggal ang mga kamay niya sa mukha ko. Ang dami ko pa sanang gustong sabihin pero nawala lahat ng yon ng dahil nanaman sa nakita ko. Sana pala di nalang ako nagpumilit na tanggalin yung kamay ni Santi.

"Yan ba ang pinagmamalaki mong boyfriend?" Kita ko ang awa sa mata ni Santi. "Listen to me Kara, almost every other day nalang na may ibat ibang babaeng kasama yan. Masyado ka nang nag-eenjoy sa pagiging tanga mo."

Wala akong masabi kay Santi kasi tama naman siya. Actually, iba nanaman ang kasama ngayon ni Adam. Hindi yung babaeng nakita ko sa locker room. Siya kaya yung Diana?

Ang mga traydor kong luha ay nagsimula nanamang pumatak. Napayakap nalang ako kay Santi atsaka humagulgol.

Ilang beses ko na ding gustong sugudin si Adam pag tuwing nakikita kong may kasama siyang ibang babae pero hindi ko ginagawa kasi natatakot ako na baka hindi ako ang piliin niya, na baka iwan niya ako. Hindi ko din ugali ang gumawa ng eksena sa harap ng madaming tao.

Tanga ba ako? Siguro nga!

"Kara, kung alam mong nasasaktan kana bakit hindi mo pa itigil? You're a good catch, a lot of guys are drooling and willing to kill just to have you. Don't stock yourself loving that kind of man."

"Marami na din akong naging puhunan sa relasyon namin Santi. Ngayon pa ba ako susuko? Tsaka diba? Sakin parin naman siya bumabalik? Pampalipas oras niya lang yan." Dun na ako himiwalay mula sa pagkakayakap ko kay Santi at pilit pinupunasan ang walang tigil na luha ko gamit ang mga kamay ko.

"Mygad! And you'll just allow him to continue doing that to you? Making you look like a fool? You're unbelievable Kara!"

"Anong magagawa ko? Yun yung nararamdaman ng puso ko! Kung sana kaya ko lang turuan ito dati ko ng ginawa! Sino bang babae ang gustong nagmumukhang tanga, niloloko at halos mamalimos ng pagmamahal sa lalaki? Wala naman diba at mas lalong hindi ako!" Naghihysterical ko ng sabi. Fvck di nanaman ako makahinga. Mukhang sinusumpong nanaman ako ng hika.

"Sht Kara!" Agad namang nataranta si Santi ng makitang hindi na ako makahinga. Nagmamadaling kinuha niya ang gamot ko sa bag at binigay sakin. "Its okay. Its okay." Patuloy na pag-aalo sakin ni Santi ng unti-unti na akong kumalma.

"Naramdaman ko na to dati e, paulit ulit nalang. Ang sakit sakit na."

"Hush. Hush. Stop crying. Its okay." Si Santi na ang yumakap sakin at patuloy na hinihimas ang likod ko para kumalma ako.

Nasa sasakyan na ako ngayon ni Santi. Hindi na kami pumasok sa mga pang-afternoon class namin. Hindi din naman kasi ako makakapagconcentrate.

Katatapos lang namin kumain at magjoyride pero hanggang ngayon ay lutang parin ako.

My Sadist BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon