Kabanata 21

1.3K 38 0
                                    

Smitten

I let Zircon sleep while I took my time calling and asking Sinjin on how to take care of a drunk man. Kahit na lasing na lasing ako kanina ay nagising naman ang buo kong pagkatao dahil sa naabutan ko rito sa condo ko. I just can’t really stand seeing him like that. Pakiramdam ko ay kinakawawa siya ng mundo at kailangang may gawin ako para iligtas siya mula rito.

In him, I always have that thought of saving him at any moment. Na kapag hindi ko ginawa ay alam kong pagsisisihan ko. It is somehow weird, because we seems interconnected with each other. Na kahit hindi kami nagkakilala agad ay talagang iponagtagpo kaming dalawa.

Napangiwi ako sa naisip. It’s cringe. So much.

Hindi naman ako naniniwala sa mga ganitong bagay. Ni wala akong alam sa kung paano magmahal ng lalaki. Kung mag-uutos lang ako ng mga gagawin ay puwede pa. I can be the one who dominates our relationship, but when it comes to deeper things? Sa tingin ko ay pareho lang kaming dalawa na nangangapa. I can’t even say that my love for him right now is deep. Halata masiyado na mababaw ang pag-ibig ko sa kaniya dahil kapag nahihirapan ako mag-desisyon o mag-isip ng mga bagay na may kinalaman sa aming dalawa ay palagi ko siyang tinutulak papalayo.

Instead of thinking ways together to overcome our problems, I decided to make running away as a solution. Na wala rin namang silbi dahil bumabalik-balik ako sa kaniya. Katulad na lang ng ngayon.

“That’s all? You sure, Sinj? And do you know any medicine for hangover? And what’s the best hangover soup you can recommend me?” sunod-sunod kong tanong habang iniipit ang selpon ko sa gitna ng tainga at balikat ko.

Inabot ko ang isang maliit na palanggana at nilagyan iyon ng maligamgam na tubig. I also fetch some hand towel in my cabinet and held them as I walk towards my open room. Bumungad sa akin ang nakapikit na si Zircon. Napabuntonghininga na lamang ako bago iniligay sa katabing mesa ang mga bitbit. I then hold my phone properly to listen to what Sinjin will say.

“Ibuprofen is the best medicine choice for hangover. Hm, any kinds of soup will do. You can order chicken soup or make tea since it will also help to lessen the hangover. Iyon lang naman, Alpha. Need any more things?” she asked. I mentally noted all what she said and sat beside where Zircon is sleeping.

“Nah. That’s all. Thanks.” Humina ang boses ko sa huling sinabi at narinig ko lang naman ang mahina niyang pagtawa at ang pag-ubo ng kung sino sa kabilang linya bago ko pinutol ang tawag.

I don’t even know if it is normal, but I feel like my cheeks are burning because of embarrassment. Hindi nila ako kailan man na narinig magpasalamat o humingi ng patawad na bukal sa kaloob-looban ko. I always make them see how heartless I am as a person and that I would never be suitable for the role of being an angel. Pero dahil na naman sa isang lalaki ay natututo ako ng mga bagay na hindi ko ginagawa.

Iginilid ko na lamang ang selpon ko bago nilapitan ang palanggana. Inilagay ko roon ang hand towel bago ko iyon piniga nang malakas. Sinigurado kong wala nang tutulong tubig mula roon bago ako ulit naupo sa tabi ni Zircon. I started wiping his face and noticed how long his eyelashes were. Marahan akong napailing bago ibinaba ang tuwalya sa bandang leeg niya. Pinunasan ko rin iyon hanggang sa nagawa ko na ring punasan ang binti at kamay niya papunta sa braso. I then remembered that I need to strip him because I need to wipe his body too.

Sa naisip ay ibinalik ko ulit ang tuwalya sa palanggana bago ko inabot ang dulo ng damit ni Zircon at akmang hububarin iyon nang biglaang abutin niya ang kamay ko. I looked back to him and his forehead was knotted.

“H-Hoy! Huwag hubad! Bad iyan! M-May asawa ako, ha! Bad ka!” I blinked upon what I heard.

Ganoon na lang din ang pagwawala ng mga paru-paro sa tyan ko habang ramdam ko ang paninigas ng katawan ko kasabay nang nagrarambulan kong sistema. Naramdaman ko ang bahagyang pagtulak niya sa kamay ko na ikinabalik ko sa kasalukuyan. I sighed and noted not to get him drunk again next time. Kung nagkakarayuma ako kapag hindi siya lasing ay para namang mauubusan na ako ng mga buto sa katawan kapag lasing siya. He always really do some things that surprises me a lot. 

Crimson's Heresy (To Be Publish Under Immac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon