Kabanata 30

1.1K 33 0
                                    

Real Culprit

“Crimson!” Napatayo si dad sa kinauupuan niya nang pumasok ako sa bahay. I walk towards him and kissed his cheeks.

Nang lumayo ako sa kaniya ay bakas sa mukha niya ang pagkagulat. I heard footsteps coming my way that made me glanced at my back. Bumungad sa akin si Zircon na hawak-hawak ang isang duffel bag. Iyon ang dala namin sa ibang bansa. Hinayaan ko siyang lumapit kay dad para magmano habang ang ama ko ay takang-taka lang na nakatingin sa aming dalawa.

“W-Why? Bakit magkasama kayo? Saan kayo nanggaling dalawa?” tanong niya sa boses na hindi makapaniwala.

“Date lang, dad. Akyat na kaming dalawa ni Zircon at magpapahinga lang ho kami,” paalam ko.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at naglakad na agad ako paakyat sa hagdan ng bahay. Sumunod naman agad sa akin ang boyfriend ko kaya dire-diretso ang naging lakad ko at sa pagliko ko sa kaliwa ay napatigil ako sa paglalakad habang si mom naman ay nasapo ang dibdib niya.

“Crimson, darling!” aniya. Ang mga mata niya ay lumampas sa akin patungo sa likod ko. She gasp when she saw Zircon behind me. Ramdam ko naman ang paninigas ng kasama ko.

“Good evening, mom.” I walk near her and kissed her cheeks. Hinintay kong lumapit si Zircon pero nagdadalawang-isip ata siya dahil nang lingunin ko ay hindi man lang siya gumalaw sa kinatatayuan niya.

Nang magtagpo ang tingin naming dalawa ay roon siya napakurap-kurap. Nagsimula siyang maglakad pero si mom na mismo ang gumalaw papunta sa kaniya. She kissed Zircon’s cheeks and there was something inside me that felt twisted. It was the same feeling when those girl ghost stares at him. Napatingin ako sa ina ko na ngumiti sa boyfriend ko at kinamusta pa ito. Sumagot naman si Zircon kaya roon na ako nilingon ng ina ko.

“Bakit nga pala magkasama kayong dalawa? Where did the two of you go, huh?” Ngumiti si mom sa amin nang matamis.

“We just dated, mom. Akyat na kami. Nasa sala si dad.” Hindi ko na hinintay pa ang pagpayag niya at nilapitan ko agad si Zircon para hilahin papunta sa akin.

Nang magsimula kaming lumayo ay saka ko nilingon si mommy. She was staring at us with a smile plastered on her lips. Nang magtagpo ang tingin naming dalawa ay itinaas niya ang kanang kamay para kumaway sa akin. Hindi ko tinugon iyon at tinalikuran na lang siya.

We arrived at my room and I informed Zircon first about my traps. Kaya nang pagbukas namin sa pinto ay hindi na siya nagulat at sinabayan na lamang ako para makaiwas sa mga inilagay kong proteksyon sa kuwarto ko. Sa huling patalim na naiwasan niya ay diretso higa siya sa sahig. I chuckled when his platinum hair scattered on the floor.

“Tumayo ka na riyan para makapagbihis,” utos ko na agad niyang sinunod.

Binuksan ko ang duffel bag na inilapag niya sa sahig at kumuha roon nang maisususot niyang damit. I let him took a bath first while I dialed Rashien’s number first to know about her research. Hindi pa man nag-ri-ring ang telepono ay may sumagot na agad niyon sa kabilang linya.

“Good evening, Alpha,” bati niya sa diretso at buong boses. Rinig ko ang mabibilis na tipa sa kabilang linya na hindi ko na rin naman ikinataka.

“Any news, Rashien?” I asked.

Tinignan ko ang pinto ng banyo at rinig ko pa naman ang lagaslas ng tubig mula rito sa labas kaya itinuon ko na lamang muna ang atensyon ko sa kabilang linya. I heard Rashien cleared her throat. Tila hindi niya masabi agad sa akin ang nalaman niya na ikinapagtaka ko.

“What is it, Rashien? Did you found out who made him a slave at a very young age?” seryoso kong tanong sa kaniya. Muli siyang tumikhim at akmang magtatanong ulit ako nang magsalita na siya sa wakas.

Crimson's Heresy (To Be Publish Under Immac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon