Kabanata 35

1K 31 2
                                    

The Awaited Moment

“Alpha, sigurado ka ba talaga sa desisyon mo? Paano ang pinagsamahan ninyong dalawa? Wala na lang ba ang lahat ng iyon? Don’t you love him anymore, Alpha?” Nilingon ko ang taong nagsalita. Her face cowered in fear, but she still look at me straight to the eye.

Kapansin-pansin din ang paghigpit nang hawak niya sa laptop na pagmamay-ari. I smirked at Rashien Maive. Kahit ganoon ay hindi niya pa rin ako inurungan nang titig. Her eyes flaunted sadness that I never let everyone show unless I am alone.

Para sa akin ay mapupunta ako sa isang delikadong sitwasyon kapag ipinakita ko ang kahinaan ko. I never let my own enemy see the weakness I beared for it will only make chaos. It could also be the end of me.

“What is love, Rashien, when everything around you makes you forget about that certain feeling? And you know, I never make decisions and take it back. Lahat ng desisyon ko ay sigurado. Lahat ay planado. Hinding-hindi ako basta-bastang umaatras pagdating sa mga bagay na kailangan kong unahin at gawin.” Mas lalong bumadha sa mukha niya ang kalungkutan. Napabuntonghininga siya saka napayukong napatitig na lamang sa sahig.

Someone tapped her shoulder. Ngumisi si Sinjin kay Rashien nang mag-angat ito sa kaniya nang tingin. Parang kanina lang ay galit na galit ito, pero paniguradong ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit kailangan kong gawin iyon.

“Don’t worry, Rash. Maiintindihan mo rin pagdating ng panahon kapag ikaw na naman ang tinamaan sa pana ni kupido. And you can’t say dream on, because it really happens. Sa ngayon ay ang Alpha natin ang tinamaan nang sobra kaya hayaan natin siya sa desisyon niya sa buhay.”

Sinundan ko nang tingin si Sinjin nang umalis din ito. Nilapitan nito sa isang gilid si Kfer na tahimik lang at kinakalikot ang sniper nito para sa gagawing pagpatay kay Zircon. While Enver is out to talk with some alliances that we have inside the jail. Ang balak namin ay dalhin sa mataong lugar si Zircon. Where everyone can see him, and everyone can see how he is shoot. And how he lost his life.

Kapag ganoon ay madaling makararating sa isang tao ang tungkol sa naganap na pagpatay rito. I knew that everyone in the Chamber of Scythe is after him right now. Lumaganap na ang utos ni Jilcy Reann Cavan tungkol sa pagpatay kay Zircon. Surely, her servants would follow because they would die if not.  Kaya habang wala pang nakakagawa ay uunahan ko na sila.

Kinuha ko ang telepono sa bulsa ko bago nagpunta ng gallery. I leaned my head on the backrest of the sofa as I sighed. Dumiretso ako sa mga litratong kuha noong nagpunta kami sa horror house. Iyon lang ang litratong mayroon ako na magkasama kaming dalawa maliban sa mga litrato namin noong photo booth. A small smile escaped from my lips, remembering what he had just said then.

“Tabi tayo, wife. Para to death till us apart tayo.”

“Super bagay tayo, wife! Kapag namatay ang isa sa atin ay wala na silang mahahanap na magiging kapalit. Tayo lang ang para sa isa’t isa kaya dapat talaga ay til death do us apart tayo.”

My heart is aching again. Pagdating sa kaniya ay lumalabas ang kahinaan ko. When I thought that I wouldn’t feel anymore what my grandfather and mother stole from me, he prove to me that I was wrong. He gave me back my will to love again. He gave me back my smiles and laughter that are truly genuine and pure. He gave me back the beating of my heart, but my heart is the one he stole as he gave his own to me.

Naidikit ko ang noo ko sa sariling kamay hanggang sa dumausdos ang aking labi at marahang lumapat sa litratong nasa telepono ko. We were both lying on the coffin and I was closing my eyes, but he, he was staring at me like I was the most beautiful girl he have ever seen in his whole life.

Crimson's Heresy (To Be Publish Under Immac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon