Sarili

9 2 0
                                    

Aking sarili, kailan ka ba kakawala sa hawla ng nakaraan?
Matagal na ang panahon na lumipas ngunit bakit maski hanggang ngayon ay hindi ka pa rin maka takas sa sugat ng nakaraan?
Kailan ka nga ba matututo?

Kailan nga ba maalis ang mga lungkot na pinagdaanan at mapalitan ng saya ang nararamdaman.
Hindi ko kayang makaalis sa nakaraan,
Hindi ko kayang mapalitan ang aking nararamdaman,

Siguro nga ay marami nang nag bago ngayon pero nandito pa rin ako,
Iniisip kung maari pa rin kayang mabalik ang nakaraan?
Possible kaya iyon? mapalitan ng saya ang hinagpis na pinagdaanan noon?

Iniisip ko, Paano kaya kung hindi natapos ang lahat noon?
Maari pa rin kaya akong sumaya hanggang ngayon?
Siguro, oo pero impossible na ngayon,
Kung bibigyan man ako ng pagkakataon na mabalik ang nakaraan,
pangako, iiwasan kita.

written by: _wntrflwr

poem escapeWhere stories live. Discover now