Nalilito

2 1 1
                                    

Hindi maintindihan ang damdaming ito,
tuwing binabanggit ng aking mga kaibigan ang pangalan mo,
Hindi maipinta ng isipan ang nararandaman tungkol sayo,
Pangtutuksong ginawa nila upang mapaglapit tayong dalawa ay hindi uubra.

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko tuwing dumadaan ka sa harap ko?
Bumibilis bigla ang tibok ng aking puso,
Aking pinapangako noon na hinding hindi ako iibig sa isang katulad mo.

Pero bakit ganito?
Ako'y tila nababaliw na,
Nalilito sa damdaming paiba-iba tuwing nakikita ka.
Ano nga ba ang tawag dito?
Hindi ko na kaya, sa palagay ko'y ako'y nahulog na.

written by: _winterescape

poem escapeWhere stories live. Discover now