Kailan nga ba ang tamang panahaon na makakawala ako sa sariling hawla?
Kailan nga ba matatapos ang digmaan sa pagitan ng aking sarili?
Kailan nga ba matatapos ang lahat?
Hanggang kailan ba ako mag hihintay na matapos ang digmaan na ito?Sabi nila mahirap makipag kompitensya sa kapwa mo tao
Pero bakit mas mahirap kalabanin ang iyong sarili?
sa mga bagay na kaya mo namang gawin ngunit pilit na nang lalaban ang takot at nerbyos ng iyong sarili.Kailan ko nga ba magagawang labanan ang digmaan na ito,
na ako lang naman ang may kakayanan na tapusin ang problemang ito.
Siguro hindi ngayon ang tamang panahon,
Siguro hindi pa ngayon ang tamang panahon para bigyan ng wakas ang digmaan laban sa aking sarili,Siguro sa tamang panahon,
mawawakasan na ang lahat at mapapalitan ng tiwala ang nerbyos at takot na nadarama ngayon.
Ngunit alam kong hindi ngayon ang tamang panahon,
Pilit pa rin akong mag hihintay hanggang sa dumating ang tamang panahon.written by: _wntrflwr