Bawat tipa ng gitara,
doon na naalala ang saya ng ating pagsasama.
Bawat bigkas ng letra mula sa sinulat kong kanta,
doon naalala ang pinagsamahan naging dalawa.Tuwing binabangit ang mga liriko na aking ginawa,
hindi mapigilan ang luhang namumuo sa aking mga mata,
Bawat pag isip sa ibang salita na bubuo sa aking kanta,
walang pumapasok sa isip kundi ikaw lang sinta.Hindi alam kung kailan titigil sa pag tipa ng gitara,
Aking puso'y nagdurugo na,
Hindi ko na kaya,
Hindi alam kung kailan matitiis,
Malakas na ulan ay tila sumasabay sa aking mga hikbi tuwing ika'y naalala.Musika ng nakaraan ay babalikbalikan,
kung ikaw lamanv ang laman ng bawat kanta ng nakaraan,
Hindi akong magsasawang makinig hanggang magpakailanman.written by: _winterescape