Mayroon akong palaging hiling
sa bawat pagpikit ng mga mata,
iyon ay ang ika'y makapiling
at ika'y maging masaya.Maging payapa ka sa 'king mga bisig,
lumigaya sa tanging alay na pag-ibig,
ang mapanatag sa aking tinig
at mahanap ang pahinga sa aking mga himig.At sa habang panahong ako'ng 'yong kasama,
maipadarama ko lagi sa 'yong mahalaga ka,
na ang kailangan mo lámang ay isang taong makauunawa,
mamahalin kang tapat, sapat, at sa iyo'y hindi magsasawa.Tulad mo'y buwang kayhiwaga,
natatangi sa kalawakan, walang kapara,
wala na'ng ibang titingalai't sa malayo'y tatanawin,
kundi ang nag-iisang buwang pinangangarap makapiling.At sa tuwing sasapit na ang gabí,
naghihintay na ikaw ay tumabi,
kakantahan ka hanggang sa ikaw na'y managinip,
hanggang marinig na, musika mong mahimbing na tulog ang pahiwatig.At mayroon akong dasal sa bawat pagpikit ng mga mata,
ang manatiling kapiling ka't masaya- sa hirap at ginhawa.
YOU ARE READING
Between: A Collection of Poems
Poetry"When love knows no distance nor space, but the space in each of their hearts for someone they love." "Between" is a collection of poems that talks about the love between two lovers whom were separated by seas and mountains but were together in love...