Magkahawak ang mga kamay,
Sabay pinapanood ang pag sikat ng araw.
Tahimik lang, sabay pinagmamasdan ang naghahalo halo nang kulay ng langit.
Parehong mabilis ang tibok ng mga puso.
Dahil ba sa kaba?
Dahil ba sa tuwa?
O Dahil alam namin sa isa't isa na, parehong naglolokohan lang pala?
OPENING DAY
Isa isa kaming nag formation sa gitna ng quadrangle sa may College building. Kami ang unang performance bago ang opening speech ng Dean.
Tirik ba ang araw at ramdam na ramdam ko ang pagiinit ng balat ko.
Pinigilan ko ang pagkunot ng noo ko dahil sa sikat ng araw. Napakarami nang tao ang nagkukumpulan sa palibot, kahit mainit nakuha parin nilang manuod sa amin. Hindi naman compulsory ang pag attend ngayon pero nakakapag taka ang pagbiglaang pag dami ng tao ngayon.
Naghihiyawan na sila kahit hindi pa man kami nagsisimula. Nagsimula nang patunugin ni sir ang pito, hudyat na magsisimula na kami.
Hindi ko na ininda ang init at ginawa nalang ng maayos ang bawat routine ng naka ngiti at bigay na bigay. Dahil nag graduate na ang dating majorette, ako ang napili nilang pumalit. Kaya hindi ako kailangan nag inarte at dapat ayusin ko ang performance ko ngayon dahil ako ang nasa harap at gitna.
Nararamdaman ko ang tutok na panunuod ng lahat hanggang sa matapos ang performance namin. Hindi na natapos ang hiyawan ng mga tao hanggang sa maka alis na kami sa gitna para sumilong.
"Cassy!" Tawag ni Andrea sa akin. Naka ngiting tumatakbo siya papunta sa akin.
Si Andrea ay pinsan ko, classmates din kami at seatmates. Siya na din ang tinuturing kong best friend.
"Oh.. pinapaabot ni Kuya na andun!" Sabay turo sa nagkukumpulang mga tao sa malayo.
Nakakunot ang noo ko habang tinatanaw kung sino ang tinutukoy niya. Wala talaga tong si Andrea.
"Ha? Sino diyan?" Patuloy ang paghahanap ko.
"Ay! Wala na diyan.." ngumuso siya at nakatingin parin sa nagkukumpulang mga tao. "Basta, sabi niya ibigay ko sa'yo dahil namumula ka na daw eh.." tumawa siya.
"Malamang! Ang init kaya!" Umirap ako at binuksan ang tubig.
"Ayiee! Feeling ko gusto ka ni Kuya na yun.." panunukso niya at tinusok tusok ang tagiliran ko.
"Binigyan lang ng tubig, gusto na?" Tumawa ako. "Imagination mo talaga.." umiling ako.
"Eh ba't naman magbibigay yun ng tubig sa'yo? Di ka nga kilala nun kase di manlang binanggit pangalan mo."
"Alam mo? Hayaan mo na kung sino yun. At tara na!" Hinablot ko siya. "Kailangan ko nang magbihis kase may klase pa tayo."
Naglalakad kami sa hallway ay isa isa akong binabati ng mga college na lalake. Ang weird talaga. Halos buong highschool ako nasa banda pero ngayon lang ganito. Pero baka dahil ako na ang majorette? Ganun ba yun?
Hanggang sa makabalik na kami ng classroom matapos kong maghilamos at magbihis, agad kantyawan na mga kaklase ko sa akin. Kung ano ano sinsasabi nila sabay sabay kaya sa huli, panay tawa nalang ako dahil wala akong maintindihan.
"Uy Cassy!" Tawag sa akin ng papalapit ko na kaklase. "Eto oh.." may inabot siya sa akin na isang paper bag na kulay brown.
"Ano to?" Taka kong sinilip ang loob.
May laman etong cornetto na ice cream. "Uy! Thank you ah!" Masaya kong sabi habang kinuha eto mula sa loob.
"Di ako nagbigay niyan ah!" Tumawa siya. "Pinapabigay.. ano nga ulit pangalan nung engineering na yun.." nagisip siya. "Ah! Bryan Miguel Avellana! Nakita ko sa name plate niya eh!"
Sino naman yun? Napakamot ako ng ulo.
Note:
This story may contain typographical and grammatical errors. Minsan madaling araw na po ako nagsusulat kaya, alam niyo na! Hehehe ✌️
BINABASA MO ANG
The PLAYlist
FanfictionPlaylist- minsan listahan ng paborito mong kanta, the songs you can relate to. Pero minsan din, listahan ng paglalaruan.