"Anyways.." sumingit si Matteo dahilan para maputol ang tensyon na mayroon sa amin ni Bryan.
Binigyan parin ako ng nagtatanong na tingin ni Bryan. Like he was telling me, "what the fuck?"
"Tutulungan mo lang si Bryan on the structures and all but he will be the one on the field. Office ka lang.." Matteo explained to me.
Sounds better. Ayoko rin naman makasama si Bryan. Masyado nang maliit ang mundo namin, ayaw ko pangpaliitin lalo. And besides, I still haven't told him about Emmet yet. Hindi pa ako kumportable makasama siya.
"But she wants to check the site pwede naman iyon diba?" tinaasan ng kilay ni Bryan si Matteo.
"It's up to Cassiela of course.." binigyan ako ng makahulugan na tingin ni Matteo.
Makahulugan lang iyon.. pero di ko alam kung ano ibig sabihin! Should I say yes? No? Maybe? What?!
"What?" tanong muli ni Bryan. "Di ko alam na kailangan pa pala ng approval ni Arch. Tingzon ang bawat galaw mo."
Bumungisngis si Cara sa tabi ko dahilan para bigyan ko siya ng masamang tingin. Isa pa to! Di manlang tumulong.
"Don't get me wrong Bryan.. matagal nawala sa trabaho si Cassiela hindi na sanay ang katawan niya sa ganung bagay that's why I suggested to Tito na tutulong nalang siya sayo sa designs." Depensa ni Matteo.
"Matagal nawala?" nagtataka ang tono.
"Di mo alam?" Ayan na at sumingit na ang Daddy niya.
Stop! No! No! No!
Biglang sumeryoso bigla ang mukha ni Cara at halatang nagiisip na ng masisingit na dahilan. Pati ako ay napapaisip na din ng sasabihin. Shit!
"I think we should talk about the project first?" Singit ni Matteo.
"Come on." Natawa si Bryan. "Why do you keep on butting in, Tingzon?"
"Cause now is not the right time to talk about that. We're here for work, right?" pilit etong ngumit para mas makapanipaniwala.
"Enough." Tumikhim si Tito.
Nagsitahimik ang lahat kaya si Tito na ang lahad ng details. Sinabi niya ang gustong disenyo ng client at ang mga inspiration designs ay pinakita niya din sa amin. Nag suggest din si Cara sa amin about the designs kahit hindi naman siya talaga kasama sa proyekto.
Natigil ang pakikinig ko nung biglang nakaramdam ako ng sakit sa mga dibdib ko. Shit. Nararamdaman kong may tumutulo mula na dito! Palihim kong hinablot ang braso ni Matteo at bumulong.
"I need to pump!" Mariin kong bulong.
Humiwalay siya at tumango. Palihim niyang kinuha ang maliit na bag sa ilalim.
"Uhm, excuse me.." pagsingit niya habang nagsasalita si Cara. "May kakausapin lang kami ni Cassy sa labas, it will just take us a few minutes. Importante kase.."
Tinignan ko si Cara at agad niya naman nakuha ang ibig kong sabihin.
"Ah! Is that for your Birthday?"
Lintek ka talaga Cara. Ang panget ng dahilan mo!
"Ah.. hehe oo, it's the planner may need lang papirmahan." Pagsisinungaling ko.
Kasalanan mo to Cara!
"And why does Tingzon have to go with you?" Mapait na tono ni Bryan Miguel dahilan para mabara ang lalamunan ko sa kaba.
Think! Magisip ka ng dahilan Cassy!
"Dahil ako ang naghire sa planner. Nasabi ko lang kay Cassy kahapon kaya kailangan ko pa siyang ipakilala." paliwanag ni Matteo.
BINABASA MO ANG
The PLAYlist
FanfictionPlaylist- minsan listahan ng paborito mong kanta, the songs you can relate to. Pero minsan din, listahan ng paglalaruan.