"What are you doing here Ate?" Lito kong tanong.
Pati siya ay nagulat na makita kami dito.
"Mom? Dad? What's going on?" Hindi nawala ang pagtataka sa mukha ni Bryan.
Bumuntong hininga si Ate at lumapit sa akin. "I came here kase akala ko andito si Bryan.."
Mas lito ko pa siyang tinignan. "Bakit?"
"Cause I wanted to tell him about Emmet. Na kailangan niyang panagutan kayong dalawa ni Emmet." Mariing bulong niya sa akin.
"Hindi mo naman kailangang gawin iyon ate.." mahinahon kong sabi. "Nakakahiya oh.." ilang akong tumingin sa mga magulang ni Bryan. "Hindi mo manlang ako sinabihan sa plano mong to'.. you should have talked to me first." Diin ko.
Nahihiyang nagbaba siya ng tingin. "I'm sorry, Cassy. I just wanted to help.."
"I know you're just concerned, Ate. Pero sana tinanong mo muna ako diba?" mahinahon kong sabi. "Pero andito na tayo.." bumuntong hininga ako. "I can take it from here, Ate.. umuwi ka nalang muna siguro?"
Nahihiyang ngumiti siya at tumango. "I'm really sorry, Cassy."
"Ingat ka pauwi.." i smiled
Ilang na nagpaalam din siya sa lahat bago nagtungo palabas.
"Sorry.." tumikhim ako at tumingin sakanila.
Pero mukhang hindi na namin kailangan magpaliwanag pa. Batid kong narinig din naman nila lahat at nakikita na naman nila.
"Nasabi na sa amin ng kapatid mo.." mahinahong sabi ng Mommy ni Bryan sa akin at inilipat ang tingin sa anak kong mahimbing ang tulog.
"I'm sorry po.." nagbaba ako ng tingin dahil sa hiya.
Siguro ay puro sorry nalang talaga ang lalabas sa bibig ko ngayong gabi. Hindi ko alam kung pano ipapaliwanag sakanila ang naging sitwasyon namin ni Bryan.
"Hindi mo agad ako sinabihan, Cassiela.." nagaalalang tinignan ako ni Tito. "I could've helped you.. though meron akong hinala pero I needed your confirmation.. nabigla din ako sa desisyon ni Bryan sa pag alis niya that's why I also got confused."
"I'm sorry, Dad.."
Napasinghap ako. "Kasalanan ko naman po.. pero hindi ko naman po balak itago iyon—."
"I know, hija.." nginitian ako ni Tito. "Alam ko.. dahil kung plano mo naman talagang itago siguro ay hindi ka na mag aabala pang mag leave dahil alam mong magtataka ako. But still, you did.."
"Can I see him?" Nahihiya ngunit bakat ang excitement sa mga mata ng Mommy ni Bryan. At bahagyang naka angat sa ere ang mga kamay pahiwatig na gusto niyang kargahin si Emmet.
"Of course, Mom.." naunahan na ako ni Bryan na sumagot habang naka ngiti.
Hinay hinay kong inilipat si Emmet sa mga braso niya at tila hinaplos nanaman ang puso ko nung makita kung gaano kasaya ang Mommy ni Bryan na makita at makarga ang apo niya.
"He looks like you, Bryan.." nakangiti at mahina niyang sabi ng di inaalis ang paningin sa anak namin.
"Ganyan talaga pag mas mahal ka, nagmamana talaga ang anak." mayabang ngunit pabiro na ani ni Bryan.
Biglang nangunot ang noo kong tumingin sakanya.
Tinabingi niya ang ulo papalapit sa tenga ko at bumulong. "What? Biro lang eh. Alam mo namang mas mahal kita diba?" Lambing netong sinabi.
Loko to ah! Gusto ko siyang itulak pero alam kong hindi iyon ang akmang gagawin dahil nasa harap kami ng magulang niya.
Siguro ay wala nang mas itataba ang puso ko ngayong gabi. Napaka raming tinanong ni Tita tungkol sa pagbubuntis ko at tungkol kay Emmet. Bahagya pa etong nagalit kay Bryan dahil hindi manlang inisip na possible niya akong mabuntis. Buti nalang ay hindi sila nagtanong sa napaka gulo naming relasyon ni Bryan.
BINABASA MO ANG
The PLAYlist
FanfictionPlaylist- minsan listahan ng paborito mong kanta, the songs you can relate to. Pero minsan din, listahan ng paglalaruan.