Sunod sunod na doorbell ang gumising sa akin. I looked at my wall clock ang it says 3:15pm.
I groaned as I stood up. Padabog akong naglakad papunta sa pinto at inis na binuksan eto.
"Cassiela." Galit na tono ang sumalubong sa akin.
Napalunok ako at tumuwid ng tayo. "A-ate.."
Tinapunan niya ako ng masamang tingin. "I've been calling you non-stop. What the hell are you doing?" pigil inis niyang tono.
She marched herself inside at padarag na sinara ang pinto.
"What are you doing here?" lito kong tanong.
"Bakit?" She looked at me, puzzled. "Am I not allowed here?"
"H-hindi naman.." tumikhim ako at nagiwas ng tingin. "Akala ko nasa LA ka pa.."
"Wala ka nung graduation ko last week." Disappointmed ang tono. "Ano ba ang pinagkakaabalahan mo na hindi ka manlang nagabalang pumunta?"
"Ate.." nanlalambot kong sabi.
Doon ko lang napagtanto na matapang lang pala ako pag hindi ko sila kaharap. But when they're already infront of me, I melt like ice in the hot sun.
"Exams namin last week.. kaya di ako nakapunta." Nagbaba ako ng tingin.
Totoo naman iyon, exams talaga namin last week kaya hindi ko pinapansin ang mga messages nila. Nilunod ko ang sarili ko sa pagbabasa at sa pag bawi ng tulog.
"Walang laman ang ref mo!" Paninita niya nung mabuksan niya ang ref ko. She opened the cabinets in the kitchen and it was empty too. "Kumakain ka ba?!"
"O-oo naman.." mahina kong sagot. "Kauubos lang ng stocks ko ate.."
That's true too. Hindi pa ako nakapag grocery ng bagong supplies dahil ngayon ko iyon dapat gagawin. Pero dahil naglasing ako, hapon na nung nagising ako.
"I get fucking dressed." Ma awtoridad niyang sabi. "Mag ggrocery tayo." She didn't even give me a chance to speak.
Sinamaan niya ako ng tingin hanggang sa ako nalang ang sumuko at sumunod sa gusto niya.
Mabilis akong naligo at nagbihis. Baka mas lalong mag alburoto ang Mt. Camilla pag nagtagal pa ako.
Gusto kong ipagpasalamat ang hindi pagsakit ng ulo ko. Yun nga lang ay wala pa akong ganang kumain. Kaya nung nagtungo muna kami sa isang resto, muli akong sinita ni Ate at walang nagawa kundi sapilitang kumain. God I hope I don't puke in here!
Tamad kong tinutulak ang cart bahang hinahayaan nalang si Ate ang magpulot ng kung ano ano para sa akin.
"Ate.. ang rami na niyan." pagpigil ko nung akmang kukuha pa siya ng sangkatutuk na frozen goods. "Magisa lang naman ako, di ko kailangan ng madami. Di rin ako madami kumain kaya, okay na yan."
"Pano kung may bisita ka?" tumaas ang kilay niya.
"Hindi ako ngpapapasok sa condo ko." Mahina kong sagot.
"Ganun ba?" she said sarcastically as if she was doubting me.
Gusto ko siyang irapan pero alam kong wala akong laban sakanya. The moment she saw kung pano ako tumiklop kanina sakanya, hindi na siya tumigil. She's got a hold of me right now at hindi ako masaya doon. She can already use this against me hanggang sa hindi na talaga ako makapalag ng tuluyan.
She arranged all the thing sa ref ko at sa cabinet. I volunteered to help but sinamaan niya lang ako ng tingin. What is up with this woman!
"Ate? Di ka na ba babalik sa states?" nasamid ako ng sarili kong laway.
BINABASA MO ANG
The PLAYlist
FanficPlaylist- minsan listahan ng paborito mong kanta, the songs you can relate to. Pero minsan din, listahan ng paglalaruan.