CHAPTER 5

246 7 0
                                        

YVAN's POV:

"Smile!" masayang sabi ni Andrey kay Yvon para mag picture kaya naman napilitan itong ngumiti at halatang wala talaga siya sa mood

"Smile!" masayang sabi ni Andrey kay Yvon para mag picture kaya naman napilitan itong ngumiti at halatang wala talaga siya sa mood

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Friend, ang seryoso mo naman kinakabahan tuloy ako" sabi ni Andrey sa kanya tapos inirapan lang niya kaming dalawa

"What?" takot na tanong ko sa kanya dahil pati ako iniirapan niya

"So talagang dinala mo ako dito para maging third wheel sa date niyo!" naiinis na sabi niya samin kaya nagkatinginan lang kami ni Andrey

"Of course not!" sagot ko sa kanya

"Bakit kasi di mo isinama si Tristan!" sagot naman sa kanya ni Andrey tapos nag smirk lang siya

"Why don't you try asking your boyfriend kung bakit hindi natin kasama si Tristan ngayon" naiinis na sagot niya kay Andrey habang naka titig sakin ng masama

Yung titig niya sakin parang mapapatay niya na ako sa sobrang inis. Kung wala lang kami siguro dito sa labas ay kawawa na naman ako.

Kaya naman talaga siya naiinis kasi nga hindi namin kasama si Tristan ngayon. Ang plano kasi talaga ay apat kaming aalis pero may nangyari kasi kaya iyon kaming tatlo lang natuloy. Ayaw pa nga niyang sumama kanina.

"Why me?" seryosong tanong ko sa kanya tapos akmang susuntukin na sana niya ako pero lumayo ako agad sa kanya.

Mahirap nang masapak ng wala sa oras.

"Who do you think is the reason why he was sent to detention?" naiinis na tanong niya sakin

"That's not me! I'm totally innocent!" sagot ko sa kanya pero inirapan niya lang ako tsaka siya tumingin kay Andrey

"Alangan na ako!" kinakabahang sabi ni Andrey dahil sa nakatingin ng masama sa kanya si Yvon

"I'm not the one who made him do that!" pag papaliwanag ko sa kanya tapos binato niya sakin yung bag niya at buti nalang talaga nasalo ko dahil sa mamahalin itong bag niya baka mamaya pabayaran pa niya sakin kapag nagasgasan.

Pero grabe naman makasisi itong kakambal ko. Sa totoo lang mas takot pa ako sa kakambal ko kaysa sa multo. Grabe kasi kung magalit! Nagiging amazona!

"It was supposed to be a prank but it end up like that" pag explain ko ulit sa kanya pero tinignan niya lang ako ng masama

"Prank!? Sino naman kasing tarantado ang makakaisip na i-lock ang isang teacher sa loob ng restroom?" galit na sabi niya sakin kaya tumawa lang ako

"That was not intentional!" sagot ko sa kanya

Last friday, bago mag dismissal may naisip kaming prank ni Tristan.

So this what really happened! Bago mag dismiss yung adviser namin ng klase ay sinabi ni Tristan na nawawala yung nerd na classmate namin pero ang totoo niyan inutusan namin yung nerd na umuwi na. Tapos nung tinanong kung saan yung last na nakita yung nerd edi sinabi ni Tristan na sa restroom kaya naman pinuntahan ito ng adviser namin.

Secretly Married to the Campus Prince 2 (ON HOLD)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon