THIRD PERSON's POV:
Habang papalapit ang sasakyan na minamaneho ni Joseph sa hotel na nakapangalan sa key card na napulot ni Ysabel mula sa kanyang locker, kapansin-pansin ang hindi mapakaling kilos ni Jessica sa kanyang kinauupuan. Paulit-ulit niyang hinihimas ang kanyang mga kamay, tila ba sinusubukang pakalmahin ang sarili.
Mula sa kinauupuan niya, paminsan-minsan siyang sumisilip sa bintana, pinagmamasdan ang unti-unting paglaki ng gusali ng hotel sa kanilang harapan. Sa loob-loob niya, may kung anong pakiramdam na hindi niya maipaliwanag, isang halong takot at pag-aalinlangan.
Sa kabilang banda, tahimik lamang sina Ysabel at Allyssa, ngunit makikita sa kanilang mga mata ang parehong halo ng kaba at pananabik. Si Joseph naman ay nanatiling nakatuon sa pagmamaneho, mahigpit ang pagkakahawak sa manibela, na para bang may iniingatang iniisip.
Habang papalapit sila sa kanilang destinasyon, lalong bumibigat ang atmospera sa loob ng sasakyan. Ang simpleng key card na iyon ay tila hindi lamang susi sa isang silid, kundi sa isang lihim na maaaring magbago sa lahat ng kanilang nalalaman.
"Can you just calm down?" mahinahong tanong ni Joseph sa kanyang girlfriend na si Jessica, na kasalukuyang nakaupo sa may shotgun seat sa tabi niya
Pero kahit gaano ka-kalmado ang tono niya, hindi pa rin iyon sapat para patahimikin ang bumabagabag sa loob ni Jessica.
"You look so tense!" muling sabi ni Joseph, this time mas maingat ang tono, ngunit hindi niya napigilan mapansin ang paninigas ng postura ni Jessica
Dahil doon, agad siyang nilingon ni Jessica, matalim ang tingin at halatang naiirita.
"Am I?" sarcastic na sagot niya habang hindi maitago ang inis nito
Saglit na natahimik si Joseph, bahagyang napabuntong-hininga habang ibinabalik ang atensyon sa kalsada. Ramdam niya ang bigat ng mood, pero pinili niyang hindi na patulan ang tono ni Jessica.
Samantala, si Jessica ay muling humarap sa bintana, pilit kinokontrol ang sarili. Ngunit sa likod ng matapang niyang reaksyon, lalo lamang lumalalim ang kaba sa kanyang dibdib.
Hindi naman talaga siya galit kundi natatakot siya. At iyon ang mas lalo niyang kinaiinis.
Pilit na pinapakalma ni Jessica ang sarili, mahigpit ang kapit sa kanyang bag at paminsan-minsang napapabuntong-hininga, pero sa kaloob-looban niya ay tila sasabog ang kanyang ulo sa dami ng iniisip.
Hindi niya maalis sa isip ang key card na iyon. Isang simpleng bagay, pero malaking pagbabago ang kayang idulot nito? Parang bawat segundo na lumalapit sila sa hotel ay mas lalo siyang hinihila ng kaba.
Saglit siyang napapikit, sinusubukang kontrolin ang mabilis na tibok ng kanyang puso.
"Bakit parang may mangyayaring hindi tama?" kinakabahan na sabi ni Jessica
Sa tabi niya, bahagyang napahigpit ang hawak ni Joseph sa manibela, ngunit hindi siya agad nagsalita.
Sa likod naman ay tahimik na nagkatinginan sina Ysabel at Allyssa, parehong nakikiramdam sa bigat ng tensyon na unti-unting pumupuno sa loob ng sasakyan.
"Hey... relax!" mahinahong singit ni Ysabel mula sa likuran, halatang walang bahid ng takot ang boses
"Whatever's inside that room ..."
"I'll handle it calmly... in a mature way, no matter what it is!"
"We don't even know what we're about to face yet... so let's not assume the worst" dagdag niya
She briefly glanced at Jessica through the rearview mirror, offering a small but reassuring smile which carried a sense of calm that gently cut through the tension inside the car.
BINABASA MO ANG
Secretly Married to the Campus Prince 2 (ON HOLD)
RomanceAre you all curious what's gonna happened to the love story of Ysabel and Kyle? Falling in-love have its own UPS and DOWNS. In this new book, let's all observe how they will face all UPS and DOWNS. If it is FATE that made them meet or they are reall...
