CHAPTER 63.2: Unlocking What Was Meant to Stay Hidden

27 1 0
                                        

THIRD PERSON's POV:

"That means..." bulong niya at halatang hindi makapaniwala

"It worked!" mahinang tugon ni Joseph bago tuluyang itinulak ang dalawang pinto

Dahan-dahang bumungad ang isang mahabang hallway na humahantong sa isang marangyang living area. Isang napakalaking floor-to-ceiling glass window ang sumasakop sa buong dingding, ipinapakita ang nakamamanghang tanawin ng lungsod sa dapithapon. Kumakalat ang malambot na liwanag ng papalubog na araw sa loob, nagbibigay ng kakaibang init at katahimikan sa malawak na espasyo.

 Kumakalat ang malambot na liwanag ng papalubog na araw sa loob, nagbibigay ng kakaibang init at katahimikan sa malawak na espasyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ngunit hindi agad nakagalaw si Ysabel.

Nakatayo lang siya sa may labas ng pinto, tila ba may mas malalim siyang nararamdaman, parang hindi lang simpleng silid ang nasa harap niya, kundi isang katotohanang matagal na niyang hinahanap... o kinatatakutan.

"Let's go..." marahang sabi niya tsaka niya nililingon ang mga kasama ngunit umiling si Joseph

"You're the one who should go in! We will just stay here" kalmadong sabi nito kaya napakunot ang noo ni Ysabel

"But why?" naguguluhang tanong nito

"Whatever is inside... you deserve to see it for yourself" seryosong sagot ni Joseph

"We don't want to take that moment away from you" dagdag pa nito at sumang-ayon naman si Jessica at marahang hinawakan ang braso ni Ysabel

"We'll keep the door open" mahinahon na sabi ni Jessica

"And if anything happens, just call us, we'll be right here, okay? You're not alone in this!" kalmadong sabi ni Jessica at saglit na natahimik si Ysabel

Ramdam niya ang bigat ng sandaling iyon, na parang bawat hakbang papasok ay may kasamang posibilidad na mabago ang lahat.

Huminga siya nang malalim.

Pagkatapos, dahan-dahan siyang humakbang papasok.

Sa likod niya, nanatiling nakabukas ang pinto, at ang tatlong kasama ay tahimik na nagmamasid, handang sumalo sakaling hindi niya kayanin ang kung anumang naghihintay sa loob.

Sa likod niya, nanatiling nakabukas ang pinto, at ang tatlong kasama ay tahimik na nagmamasid, handang sumalo sakaling hindi niya kayanin ang kung anumang naghihintay sa loob

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Secretly Married to the Campus Prince 2 (ON HOLD)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon