Isang linggo na simula nang sabihin ni Jungkook sa kanyang mga magulang ang tungkol kay Taehyung and surprisingly, hindi nagalit ang nanay at tatay niya sa kanya. Disappointed, oo, dahil si Jungkook ang bunso ngunit heto siya't magkakaroon na ng sariling pamilya. Isang linggo din siyang grounded at banned sa paggamit ng kanyang laptop at gadgets na hindi niya tinutulan dahil alam naman ni Jungkook na deserve niyang maparusahan. Handa na niyang tanggapin ang responsibilidad ng pagiging isang ama, but one thing's wrong: isang linggo na ring hindi pumapasok sa university si Taehyung.
Ang akala ni Jungkook ay pahihirapan siya ni Taehyung. Na ipapahiya siya ng kanyang senior hanggang sa hindi na niya kayanin ang kahihiyan at hindi na siya tuluyang pumasok sa university. But no, since the day Taehyung confessed that he's pregnant, nawala na rin siyang parang bula. Ipinagtanong ni Jungkook si Taehyung sa kanyang mga kaklase ngunit wala siyang nakuhang sagot sa mga ito. Halos lahat ay walang pakialam kung pumasok ba si Taehyung o hindi, and it's frustrating Jungkook. Saang lupalop ng mundo niya hahanapin si Taehyung kung pati surname nito ay hindi niya alam? Ngunit tila yata narinig ng mga anghel ang kanyang problema dahil dumaan si Bitch Suga sa kanyang room pagkatapos ng lunch break at sinabing nasa Principal's office si Taehyung. Dali-daling tumakbo si Jungkook papuntang Principal's office ngunit naabutan na lamang niya itong palabas ng school gate at may hawak na brown envelope. Pinilit niyang habulin si Taehyung at nagtagumpay naman siya dahil nahawakan niya ang braso ni Taehyung, causing the older to stop walking.
"T.. Tae-taehyung.. mag.. mag-usap tayo.."
Hinahabol pa ni Jungkook ang kanyang hininga habang nakahawak sa braso ni Taehyung. Tinitigan lamang ni Taehyung ang kamay ni Jungkook bago ito tanggalin sa kanyang braso at ngumiti.
"Wala na tayong dapat pag-usapan, Jungkook. Aalis na rin naman ako papuntang ibang bansa kaya okay lang kahit hindi mo panagutan ang anak natin. Kaya ko naman siyang alagaan. Sige na, marami pa akong dapat asikasuhin."
Gustong magsalita ni Jungkook, pero wala ni isang salita ang lumabas sa kanyang bibig. Ganon na lang yun? Pagkatapos guluhin ni Taehyung ang buhay niya, aalis na lang ito ng basta-basta katulad ng boyfriend niya? Pagkatapos niyang tiisin ang parusa ng kanyang mga magulang, ito pa ang igaganti ni Taehyung sa kanya? No, this time he won't let anybody walk out of his life again, especially Taehyung because he's carrying his child, their child. Kahit na pareho silang lasing at wala sa tamang pag-iisip noong gabing iyon, it was their choice to fuck each other and never care about what tomorrow might be. Hindi iyon kasalanan ng anak nila, at hindi papayag si Jungkook na walang kilalaning ama ang kanyang anak, lalo na't may kaya naman siyang gawin para sa kanya.
Muli niyang hinabol si Taehyung na ngayo'y pasakay na sa itim na Ferrari. Hinawakan niya ang kamay ni Taehyung at hinila ito palapit sa kanya. Jungkook wrapped his arms on Taehyung's waist and buried his face on the older's neck.
"Don't you dare stay away from me. Sinabi ko bang hindi ko pananagutan ang anak natin? Taehyung, please stay. Kahit mas bata ako sa'yo, kaya kong gawin ang lahat ng makakaya ko para maging mabuting magulang sa magiging anak natin. Give me a chance, please?"
Inangat ni Jungkook ang kanyang ulo upang tingnan si Taehyung ngunit nagulat siya nang makitang umiiyak ito. Agad niyang kinuha ang panyo na nasa bulsa niya at pinunasan ang mga luha ni Taehyung na walang tigil sa pag-agos sa kanyang mukha, making him look like a child who lost his lollipop which Jungkook found cute.
"Jungkook, hindi.. Hindi pwede.."
"Bakit hindi pwede? Taehyung, gagawin ko naman lahat. Just let me be a father to our child."
Jungkook was nervous as hell. Paano kung tuluyang ilayo ni Taehyung ang anak niya sa kanya? Paano kung lumaki itong may galit sa kanya dahil hindi siya nagpaka-ama? Ayaw niyang mangyari iyon, dahil ngayon pa lang ay natututunan na niyang mahalin ang munting anghel na unti-unting nabubuo sa sinapupunan ni Taehyung.
"Jungkook, please. Mali eh, maling-mali. Ayoko nang dagdagan pa ang kasalanan ko. Hayaan mo na akong palakihin mag-isa ang anak natin. Kaya ko siyang buhayin mag-isa."
"Taehyung, anak ko rin yan. Bakit mo ba siya ipinagkakait sa akin? Parang nung isang linggo lang tinakot mo akong gagawin mong impyerno ang buhay ko kapag hindi kita pinanagutan, tapos ngayong handa na ako, ilalayo mo siya sa akin? Ano ba talagang problema mo?"
"You don't and you won't understand, Jungkook. I'm doing this for you, for me, and for our child. Ayokong dumating ang panahon na masasaktan siya dahil sa mga desisyon mo."
"Then make me understand! Taehyung, your words doesn't make sense. How could I hurt our child? Kung hindi pa man siya sinisilang ay mahal na mahal ko na siya? Kung simula nung sinabi mong buntis ka, wala na akong ibang inisip kundi siya? Kung gabi-gabi, palagi kong pinaplano ang mga gagawin ko kapag pinanganak mo na siya? Huwag kang unfair, Taehyung. Mahal na mahal ko ang anak natin, at kahit anong gawin mo, hindi mo siya malalayo sa akin."
"Are you willing to take the risk, Jungkook?"
Jungkook seemed to be taken aback by the question. Anong risk ang sinasabi ni Taehyung? But if risking something means he can be with their child, then Jungkook's more than willing to do it.
"Yes. For our child."
And with that answer, ngumiti si Taehyung, ngunit hindi ito umabot sa kanyang mga mata. Niyakap ni Taehyung ng mahigpit si Jungkook at bumulong ngunit hindi ito narinig ni Jungkook. He decided to shrug it off and hugged Taehyung back, because all that matters to him now is his child and nothing more.
"I'm sorry, hyung. I'm so sorry."
ㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅ
Unedited. Yaaaay, walang kwentang update again. Actually may tinype nako kaso hindi nasave huhuhu watty please. Mag comment kayo please? Para alam ko kung anong feedback nyo sa Preggy Taehyung. :>