Chapter Thirty-Four

33 1 0
                                        


CHAPTER THIRTY-FOUR

Enemies All Around

February 15, 2016; Monday
Santa Filomena General Hospital
7:11 am

Chaos reigned in every hospital. There was never a quiet day and it's a silent rule to never say that it is 'quiet' because then all hell would break loose. Ngunit mukhang may isang tao na hindi sinunod ang pamahiing ito kaya naman tila hindi magkandaugaga ang mga staff sa ospital nang umagang na iyon.

The resemblance of this rule with the Macbeth superstition in theater was not lost on Chaos who found the situation as the perfect opportunity to come and go without being noticed. Naging pagkakataon din ito para marinig niya ang mga usapang hindi niya dapat marinig.

"Seryoso ka ba, p're? Magp-propose ka dapat kagabi?" tanong ng isang boses.

"Ano? Akala ko nagbibiro ka lang, gago," sabi naman ng isa pa. "Hindi ba parang masyado pang maaga?"

Pasimpleng sumilip si Chaos sa kabilang pasilyo at namataan niya ang Tatlong Itlog na nag-uusap malapit sa Nurse's Station. For some reason, suot pa rin nina Clyde at JC ang suit nila noong nakaraang gabi at tila hindi pa sila natutulog. Chaos decided to file that information away for later. It might turn out to be quite useful.

Nakita niyang nagkibit-balikat si Anthony. "Is it really too early for anything pagkatapos ng mga pinagdaanan natin?" tanong niya. "At isa pa, first year college noong na-engage ang mga magulang ko. Pero saka lang sila kinasal pagkatapos ng graduation."

Clyde and JC discreetly glanced at each other when their friend was too busy with his daydreams. "Ang concern ko lang, p're... Natanong mo na ba si Chloe kung ano ang gusto niya?" Muling tanong ni JC.

Lalong naningkit ang mga mata ni Anthony nang tingnan niya ang kaibigan. "Napag-usapan na namin ang mga plano namin sa buhay dati pa. Bakit parang curious na curious ka, p're?" aniya. Mapagbiro ang tono nito ngunit alam ni Chaos na natatago ang talim sa ilalim ng mga salita ni Anthony. "Hindi ka naman na siguro interesado pa rin sa girlfriend ko dahil may Ailee ka na 'di ba?"

JC sputtered. "Ano bang pinagsasabi mo dyan, Anthony?" asik niya.

"Pinapaalala ko lang kasi baka nakalimutan mo, ako yung nanalo sa pustahan natin kung sino ang pwedeng manligaw kay Chloe noon," sabi ni Anthony.

Bahagyang tinulak ni JC ang kaibigan. "Ewan ko sa 'yo, p're. Bahala ka nga sa buhay mo basta labas kami diyan," aniya bago ayain si Clyde na pumunta sa cafeteria.

Done with eavesdropping, Chaos walked away and stalked towards the room that was their purpose in the first place. Pagpasok niya, sakto namang kalalabas lang mula sa banyo ng taong pakay niya.

"Oh, good. You're finally here," Chaos said. "We need to talk."

"Anong ginagawa mo rito?" Nalilitong tanong nito na tila bagong gising lang.

Naupo naman si Chaos sa gilid ng hospital bed at sandaling tinitigan nang mariin ang kausap. "May dala akong update tungkol sa pinapatrabaho ni Mr. Pink," sabi niya sa wakas. "I also wanted to discuss our personal plans. Maybe you have thought about my proposal?"

***

February 17, 2016; Wednesday
Happy T Cafe
1:15 pm

"So ganun na lang 'yon? Hindi na natin itutuloy ang pagsasabi sa mga pulis ng mga nadiskubre natin?" tanong ni Raziel. "At isa pa, yung text na 'yon pwedeng magamit natin laban sa Pandemonium. Pruweba iyon na hindi lang sina Gregg ang killers."

Death Trap VendettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon